MALUMANAY ANG IHIP NG HANGIN habang naglalakad ako papasok ng Onirique. I wasn’t even trying to hide my smile. My heels clicked softly on the polished tiles, and for the first time in days, I felt light. May kung anong kilig sa dibdib ko habang inaalala ko pa rin yung nangyari kaninang umaga. Parang imposible pa ring paniwalaan, pero totoo 'yon.“Look who decided to grace us with her presence,” ani Cecile pagkapasok ko pa lang sa office area namin. Nakaabang siya sa tabi ng desk ko, ang usual composed aura nandoon pa rin—arms crossed, one brow arched, pero hindi judgmental. “Mind telling me why you didn’t come home last night? Madam kept calling on you,” dagdag niya, calm but slightly concerned.Agad akong napatigil sa paglalakad. I placed my bag down, then gave her a small, composed smile. “May emergency kahapon at napilitan kaming bumalik ng Pinas ng maaga.”“She knew that part,” ani Cecile, eyes narrowing slightly. “Ang hindi malinaw sa kanya ay kung bakit hindi ka umuwi ng mansion
Last Updated : 2025-04-19 Read more