All Chapters of Secret of His Wife: Chapter 1 - Chapter 10
21 Chapters
Unang Kabanata
Maraming mga mamahalaing sasakyan ang nagsisidatingan papunta sa parking lot ng gusali ng AD Group, ang isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa.Ngayon ang pagbubukas ng branch ng AD Group dito sa Arkan City, pinakamalaking syudad sa hilagang bahagi ng bansa.Ang mga dumadalo ay nakasuot ng mamahalin at magagarbong kasuotan. May mga kunikinang na alahas na nakasabit sa kanilang leeg, sa kanilang mga kamay at tainga. Galing ang mga ito sa iba't ibang makapangyarihang pamilya tulad na lang ng mga politiko at mga negosyante dito sa Arkan City para tunghayan ang pagbubukas ng AD Group.Samantala, nakasakay si Alexander at Ariella sa isang itim na kotse. Nakaupo sila sa likod habang sa harapan naman ay nandoon ang ama at ina ni Alexander. Nagmamaneho ang ama ni Alexander habang ang ka
Read more
Pangalawang Kabanata
"Seniora Ariella!"Paulit-ulit na sigaw ng babae kay Ariella.Hindi ssiya lumingon sa babae. Nagpatuloy ito sa pagtakas sa kanya.'Hindi niya ako pwedeng maabutan! Baka kung ano ang gawin niya sa akin!' sabi ni Ariella sa kanyang sarili."Seniora Ariella, pakiusap ay tumigil ka," humahangos na sigaw ng babae.Iilang lang ang tao sa paligid. May tumitingin sa kanila, pero hindi na nila inisip pa ang mga taong nakakakita sa kanila.Tumakbo na si Ariella para tumakas. Nang makarating siya sa parking lot, mabilis siyang nagtungo sa sasakyan nila.Hindi nagtagal, naabutan siya ng babae.
Read more
Pangatlong Kabanata
Dalawang araw matapos ang pagbubukas ng AD Gruop sa Arkan City, naging abala ang lahat ng mga negosyante at ilang mga politiko. Nais nilang makipag-ugnayan sa AD Gruop para sa kanilang mga kompanya at mga negosyo. Ang mga politiko naman ay kinukuha ang tiwala ng AD Gruop para pagdating ng eleksyon, meron silang tatakbuhan.Isa rin ang pamilya Singson ang nagnanais na makipag-ugnayan sa AD Group kaya pinatawag ni Amanda Singson ang lahat ng miyembro ng pamilya Singson para pag-usapan ang gagawin nila para makipag-ugnayan sa AD Gruop."Nakabili ka ba ng regalo para kay Lola, Ariella?" tanong ni Alexander sa kanya nang makarating siya sa sala ng bahay ng pamilya ni Alexander."Nakabili na ako kahapon, Alexander," sagot ni Ariella sabay pakita ang hawak niyang isang paper bag.
Read more
Ika-apat na Kabanata
Dalawang araw at tatlong gabi ang ginugol ni Cedie at Drake para magawa ang proposal ni sa AD Group.Sinigurado nila na maganda ang kakalabasan ng kanilang presentasyon para makuha nila ang deal sa gagawin nilang subdivision."Nakahanda na ba ang lahat, Drake?" tanong ni Cedie sa kanyang anak."Nakahanda na, Dad, at sisiguraduhin ko na mamamangha sila s aaking presentasyon," malaking tiwalang sagot ni Drake sa kanyang ama."Siguraduhin mo lang, Drake. Kung hindi natin ito makukuha ang pakikipag-ugnayan nati  sa AD Group, malalagot tayo sa lola mo!" paninigurado ni Cedie sa kanyang anak."Huwag ka nang mangamba pa, Dad. Parang hindi mo naman ako kilala, eh! Anak mo ako at alam mo
Read more
Ika-Limang Kabanata
Nakasakay si Ariella sa taxi nang bigla niyang nari ig ang tunog ng kanyang cdllphone. Agad niya itong kinuha mula sa kanyang bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nang makilala niya ang tu.atawag, agad niya itong sinagot."Nasaan ka ngayon, Ariella?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya, ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, si Zaina."Pauwi na ako sa bahay nila Alexander, bakit?" sagot ni Ariella sa kanya."Magkita naman tayo. Matagal na tayong hindi nagkakausap, eh!" sabi ni Zaina sa kanya."Walang problema sa akin. Wala naman akong ibang gagawin ngayon," sagot ni Ariella sa kanya."Sige, papunta ako ngayon sa mall kaya doon ka na lang dumeretso. Magkita na lang tayo sa har
Read more
Ika-anim na Kabanata
Napuno ng bulungan ang lahat ng miyembro ng pamilya Singson maliban kay Amanda dahil sa sinabi ni Alexander. Seryosong nakatingin si Amanda kay Alexander, habang ang iba pang miyembro ng pamilya ay pinag-uusapan ang naging desisyon ni Alexander. "Kung hindi nakuha ni Drake ang kontrata at loob ng AD Group, imposible na makuha iyon ni Alexander!""Pero, kung walang gagalaw at susubok, siguradong hindi magiging maganda ang pakikitungo ni Lola sa lahat.""Ano ba ang magagawa ni Alexander? Malayo ang agwat ni Drake sa kanya, sa galing at talino, lamang na lamang si Drake!" Ilang lamang sa mga bulong-bulungan na naririnig ni Alexander at Ariella mula sa ibang miyembro ng pamilya Singson. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Alexander? Hindi kaya masyado nang mataas ang tingin mo sa iyong sarili?" tanong ni Drake kay Alexander na may pang-iinsulto. "Kausapin mo nga ang anak mo, Joseph. Mukhang hindi na maayos ang utak at pag-iisp niya.
Read more
Ika-pitong Kabanata
"Kung ano-ano kasi ang sinabi mo kanina, Ariella! Kapag hindi nakuha ni Alexander ang kontrata sa AD Group, palalayasin kita sa pamamahay namin!" nanggagalaiting sambit ni Clara, ang ina ni Alexander. "Kung itatakwil kami sa pamilya Singson, paano na lang kami mabubuhay? Mawawalan ng trabaho si Alexander sa family company at siguradong ititigil na ni lola ang pagbibigay sa amin ng allowances!" dagdag pa niya. "Wala ka ngang kwentang manugang, wala pang laman ang utak mo! Napakabobo mo para gumawa ng kasunduan!" pagpapatuloy niya. Napapikit na lang ng mga mata si Ariella dahil sa mga sinasabi ng kanyang biyanan. Sanay na siyang nakakarinig ng mga reklamo kay Clara. Noong bago pa lang ang kasal nila ni Alexander, katakot-takot na mga salita, ng pang-aalispusta, at pangmamaliit ang narinig ni Ariella, pero tiniis niya ang lahat ng iyon. Napatingin si Ariella kay Alexander na nakatingin sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. Tahimik l
Read more
Ika-walong Kabanata
Hindi makapagsalita si Ariella dahil sa mga sinabi ni Kaizer sa kanya. Nakatitig lang siya sa kanya at kitang-kita niya ang senseridad sa kanyang mukha. Alam niya na totoo ang lahat na sinabi ni Kaizer sa kanya, dalisay ang bawat salita na kumabas sa bibig niya, pero hi di niya alam kung ano ang iisipin niya. Biglaan ang pag-amin ni Kaizer sa kanya, at wala sa lugar. Naipaliwanag naman ni Kaizer ang dahilan niya kung bakit niya nasabi ngayon ang mga nararamdaman niya, pero masyado siyang mabilis. "Alam kong nagulat ka dahil sa mga sinabi ko sa iyo, Ariella. Naiinti dihan kita, pero sasabihin ko na sa iyo ngayon, ipagpapatuloy ko kung ano ang gusto ng puso ko, ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko sa iyo sa ayaw mo man o sa hindi," sabi ni Kaizer sa kanya. Dahil sa hindi siya makapagsalita, iniwas na lang ni Ariella ang tingin niya kay Kaizer. Alam ni Kaizer na nagulat si Ariella at naiintindihan niya ang dalaga. Pero desidido siya na hi
Read more
Ika-siyam na Kabanata
Hating-gabi nang makaramdam ngbpagkauhaw si Ariella. Lumabas siya ng kanyang kwarto para uminim ng tubig. Habang naglalakad siya, napansin niya na maliwanag ang kwarto ni Alexander kaya kinatok niya ito. Hindi ito nakasarado kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nang sumilip siya sa loob, nakita niya na abala si Alexander na nakaupo sa harap ng kanyang table, tinatapos ang ipapakitang design para sa AD Group. Pumasok si Ariella sa loob ng kwarto. Narinig ni Alexander ang pagpasok niya, pero hindi niya ito tinignan. "Malalim na ang gabi, Alexander. Hindi ka ba pwedeng magpahinga?" tanong ni Ariella sa kanya. "Kailangan kong tapusin ito. Kailan kong makuha ang kontrata para sa Singson Firm ipahawak ng AD Group ang plano nilang subdivission," sagot ni Alexander na hindi tinatanggal ang mga tingin sa kanyang ginagawa. Nakuha ni Alexander ang location kung saan ipapatayo ang subdivision ng AD Group sa mga detalye na nalaman niya. Ka
Read more
Ika-sampung Kabanata
Matapos makapag-present ni Drake sa harapan ni Miss Alvarez, sumunod naman si Alexander. "Kitang-kita mo naman ang mukha ni Miss Alvarez, Alexander, manghang-mangha siya sa ipinakita ko sa kanya. Sigurado na ako ang pipiliin niya at hindi iyong ginawa mong basura!" bulong ni Drake kay Alexander nang magsalubong sila. Napabuntong hininga at napapikit na lang ng mga mata si Alexander. Narinig at nakita niya ang presentasyon ni Drake, at masasabi niyang maganda at kaaya-aya ang planong ipinakita niya, pero kahit na ganoon, malaki ang tiwala ni Alexander sa kanyang gawa, at gagawin niya ang kanyang makakaya para siya ang makakuha ng kontrata. Nag-ayos si Alexander ng kanyang presentasyon, at pagkatapos ay humugot siya nang malalim na hininga bago siya ngumiting humarap kay Gladiola. "Magsimula ka na, Mr. Alexander Singson," serysosong utos ni Miss Alvarez sa kanya. Nakatingin naman si Drake at ang kanyang ama na si Cedie kay Alexander, h
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status