All Chapters of THE REBOUND BRIDE: Chapter 61 - Chapter 70
105 Chapters
KABANATA 61
Hindi na siya umuwi ng bahay kinahapunan. Sumama siya kay Candice sa apartment nito.Hiyang-hiya pa ito sa kanya dahil sa hindi kalakihan ang inuupahan nito. Sinabi niyang hindi naman siya ang mayaman kundi ang asawa niya lang.Nagtatanong ito lagi tungkol kay Sean pero laging iniiwas niya ang topic. Alam niyang gustong-gusto nitong marinig kung paanong naging asawa niya ang isang Sean Montarde.Sila lang dalawa ang lalabas mamaya dahil iyong dalawang kaibigan ni Candice ay may mga anak na at hindi makakapag-night out.Nakiligo na rin siya roon. Pinahiram siya ng masusuot nito dahil hindi pwede ang pang-office na suot niya.Puro sexy at daring ang mga damit ng babae. Napili niya ang isang itim na damit na hapit na hapit sa katawan.Naalala niya agad ang ginawa ni Sheena sa kanya. Napaisip tuloy siya habang napatitig kay Candice. Hindi naman siguro gagawin ng babae ang ginawa ni Sheena sa kanya. May maganda itong trabaho at wala naman itong bisyo, hindi katulad ni Sheena na nalulong sa
Read more
KABANATA 62
Nagising siyang masakit pa rin ang ulo. Unang nabungaran ng mga mata niya ay ang himbing na himbing na si Sean.Tinitigan pa muna niya ang gwapong mukha nito. Maya-maya ay maingat na itinulak niya ang katawan nito sa kama. Kalahati kasi ng katawan ng lalaki ay nakadagan pa rin sa kanya.Gumalaw ito at umungol kaya't hinintay niya itong tumigil bago kumilos muli. Natatakot siyang magising ang lalaki. Hirap na hirap pa siyang maalis nang tuluyan ang katawan nito sa ibabaw niya. Nang wala na ang katawan nitong nakadagan sa katawan niya kanina ay saka niya naramdaman ang lamig ng aircon.Pareho pa rin kasi silang hubo't hubad. Mabilis na bumaba siya ng kama at pinagpupulot ang mga damit.Parang bumalik ang eksena no'ng unang beses na isinuko niya ang sarili sa lalaki. Napatingin siya sa kwarto. Hindi pamilyar sa kanya iyon kaya't ang hula niya ay sa condo nito siya dinala ni Sean.Nahihiya siyang umuwi na suot ang damit na hiniram kay Candice. Magtataka sina Nana Klaudia kapag nakita an
Read more
KABANATA 63
Pabagsak na umupo siya sa sofa habang nakatapi pa rin ng kumot. Kahit ano palang iwas niya ay mangyayari pa rin pala sa kanya ang mga eksenang laging kinakasangkutan ng ama niya no'ng nabubuhay pa ito.Hindi iilang beses na sinasama siya ng ina kapag may minamanmanan ito sa kanyang ama. Nakita niya kung paanong naabutan ng ina niya ang ama sa isang bahay o kwarto na may kasamang ibang babae. Tatalikod at patakbong umiiyak ang Mama niya habang hila-hila siya.Lagi ay sinusundan naman ito ng Papa niya at sinusuyo. Sa konting suyo lang ay mapapatawad na agad ng Mama niya ang Papa niya.Iba naman ang kaso mo! Depensa ng utak niya.Hindi ka kailan man nagtaksil sa kasal mo. Napapikit siya nang mariin habang ginugulo lalo ang buhok.Inaamin niya, no'ng bumalik si Bianca ay nagkaro'n siya ng pag-asa para sa kanilang dalawa. Bata pa lang sila ay lagi na niyang itinatak sa isip na ito ang babaeng ihahatid niya sa altar.Si Bianca ang nakikita niya sa hinaharap kasama niya. Nangarap siyang ma
Read more
KABANATA 64
Balot na balot ang katawan niya sa suot niya. Himalang may nahanap siyang damit sa mga pina-deliver ni Sean na matatakpan ang mga balikat at mga hita niya.Nang tingnan niya ang katawan sa salamin pagkatapos maligo ay kitang-kita niya ang mga iniwang kiss marks ni Sean sa halos buong katawan niya.Mabuti na lang at hindi ito naglagay sa leeg niya. Nagsimulang uminit ang katawan niya nang sundan ng tingin ang mga kiss marks nito. Halos punuin nito ang buong hita niya papunta sa...Mabilis na ipinilig niya ang ulo para alisin ang pagnanasang nagsisimula na namang umalipin sa buong katawan niya.Hindi pa rin umuwi si Sean sa bahay.Maano ba kung buong araw at magdamag nitong kasama si Bianca? Wala na siyang pakialam do'n.Si Mrs. Nieves ang naabutan niya sa loob. Agad na bumati siya rito. Hindi na siya nagtanong kung nasaan si Sean. Mas mabuti nga iyon na huwag na itong magpakita sa opisina para tumahimik naman ang araw niya.Biglang bumukas ang pinto ng opisina habang abala sila ni Mrs.
Read more
KABANATA 65
Mag-iisang linggo na siyang dinadalhan ng bulaklak ni Sean sa tuwing dumarating ito sa opisina. Maaga siyang umaalis ng bahay para huwag itong makasabay. Araw-araw na niya kasi itong nakikitang umuuwi ng bahay.Kapag uwian naman ay lagi siyang may alibi kung bakit hindi siya makakasabay dito.Sumasabay lang naman siya saglit kay Candice bago umuwi ng bahay. Lagi siyang napagsasabihan ni Candice dahil baka mapagalitan na naman ito ni Sean.Halos isang oras daw itong sinabon ni Sean pagkatapos no'ng gabing sumama siyang gumimik sa babae. Akala nga raw nito ay sisibakin na ito sa trabaho ng asawa niya.Binigyan niya ito ng assurance na hindi ito gagalawin at pag-iinitan ni Sean dahil wala naman itong pagkukulang sa trabaho. Kilala niya naman ang lalaki at hindi ito gano'n.Sa tuwina ay hindi na siya nagdi-dinner sa bahay dahil kumakain na siya sa labas. Wala siyang pakialam kung masyadong halata na iniiwasan niya ito. Mas mabuti nga iyon nang malaman nitong hindi na siya magpapakagaga rit
Read more
KABANATA 66
Nakatanggap agad siya ng tawag mula sa kapatid. Kinumpirma nito kung totoo ngang sa kompanya ni Sean siya nagtatrabaho. Sinabi niya na lang na kalilipat lang niya dahil may bakanteng posisyon. Hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye.Inaasahan na niyang malalaman agad iyon ni Joshua mula kay Dino. Ang kapatid niya kasi ang kinukulit nito since hindi naman siya makontak ng lalaki.Ibababa na sana niya ang phone nang alanganing pinigilan iyon ni Joshua."Kuwan pala, Ate... B-binigay ko kay Dino ang bago mong number."Napahinga siya nang malalim. Sa totoo lang ay ayaw niyang may kontak si Dino sa kanya dahil alam niyang mangungulit na naman ito."A-ate," atubiling dugtong ni Joshua nang hindi pa rin siya nagsasalita."Okay, wala naman akong magagawa na dahil naibigay mo na." Huminga uli siya nang malalim."Wala na ba talagang pag-asang magkabalikan kayo?"Malapit si Dino sa kapatid niya kaya alam niyang apektado rin ito sa nangyari sa kanila ng dating nobyo."Mahirap nang ibalik ang ti
Read more
KABANATA 67
Hindi na niya talaga alam kung ano ang gagawin niya kay Yazmin. Ang akala niya ay maipapahiwatig na niya ang gusto niyang sabihin sa pagbibigay ng mga bulaklak dito araw-araw.Ngunit hindi pa rin siya pinapansin nito. Sa katunayan ay parati itong nagmamadali para lang huwag siyang makasabay papunta ng opisina at pauwi ng bahay.Nakakatawa na ang isang babaerong tulad niya ay natotorpe sa mga babaeng plano niyang ligawan.Nakakahiya mang aminin pero hindi talaga siya marunong manligaw.Gusto na niyang mabaliw. Dinadaan niya sa pang-aakit dito ang hindi niya masabi-sabi nang diretso pero parang hindi naman iyon effective. Mas lalo pa yatang lumala dahil pakiramdam ni Yazmin ay init lang ng katawan ang nararamdaman niya para rito.Bibigyan muna niya ito ng space habang nagpaplano pa siya kung paano nga ba manligaw dito nang hindi na ito makakahindi.It might seem ironic na sa dinami-dami ng mga naging babae niya ay kailangan pa niyang manood online ng mga pamatay na "da moves" para lang
Read more
KABANATA 68
Pinahid ni Sean ang mga luha sa mukha niya. Nakatingala siya rito habang hindi pa rin makapaniwala ang sarili.Am I dreaming? Gusto niyang kurutin ang mga pisngi niya. Bago pa niya magawa iyon ay naramdaman na lang niya ang masuyong pagkurot ng lalaki sa isang pisngi niya.Kitang-kita niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya."We have an audience, babe, as much as I want to stare at you forever." Luminga pa ito sa direksiyon ng mga magulang niyang nakatingin lang sa kanila na parang lutang din.Natawa siya nang mahina "I need to introduce myself to them formally, wifey." Hinawakan agad nito ang isang kamay niya para sabay nilang lapitan ang Mama at Papa niya.Ang mga staff ng restaurant ay nanatiling nakatayo sa likod na para bang nanonood ng isang shooting ng pelikula.Tumigil sila sa harap ng mga magulang niya. Agad na tumayo ang Papa niya saka inalalayan na ring tumayo ang Mama niya.Nakita niya na lang na nagmano si Sean sa dalawa. Pagkatapos magmano
Read more
KABANATA 69
Isang linggong hindi sila pumasok ng opisina ni Sean. Parang ngayon lang sila bumabawi sa honeymoon nila bilang mag-asawa.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwala ang sarili na totohanan na ang dati ay kasal-kasalan lang nila ni Sean.Hinatid nila ang mga magulang niya sa probinsiya nila. Dalawang araw silang nanatili ni Sean sa bahay nila. Ipinasyal niya ang lalaki sa lugar nila.Akala niya ay babalik na sila sa bahay ni Sean nang umalis na sila ng probinsiya nila. Dumiretso lang pala sila ng Palawan at nanatili roon ng tatlong araw. Pinatay ni Sean ang phone nito dahil ayaw nitong makatanggap ng tawag tungkol sa trabaho.Masayang-masaya siya sa mga araw na ibinuhos nito sa kanya. Ilang beses nitong sinasabi na mahal siya nito. Hindi yata ito magsasawa sa kakasabi no'n.Nang makabalik sila sa bahay ng asawa ay tuluyang pinalipat na siya ni Sean sa kwarto nito. Tuluyan na nga silang nagsasama bilang tunay na mag-asawa.Unang araw ng pagbabalik nila ng opisina. Magkasabay na si
Read more
KABANATA 70
Ang laki ng ipinayat ni Bianca sa ilang araw lang na hindi niya ito nakita. Inaya niyang kumain muna ang kaibigan bago sila pumunta ng simbahan pero tumanggi ito.Maya't-maya naman ang update niya kay Yazmin through text kung nasaan sila ni Bianca. Ayaw niyang magduda ito kahit konti. Pagkagaling ng simbahan ay nag-aya ang babae na pumunta sila sa isang lugar kung saan overlooking ang siyudad. Pinagbigyan niya ang kaibigan. Alam niyang naghihinagpis ang kalooban nito sa pagkawala ng taong siyang naging magulang na rin nito.Nasasaktan din siya sa pagkawala ng tiyahin nito. Palagi rin kasi siyang naglalagi sa bahay nito no'ng panahong ayaw niyang umuwi ng bahay nila.Walang imik na nakatingin lang sa malayo si Bianca. Maya-maya ay sumandal ito sa dibdib niya. Bigla siyang nanigas. Dati namang ginagawa iyon ng kaibigan pero iba na kasi ngayon.Lagi niyang naiisip si Yazmin. Kahit alam niya namang hindi iyon makikita ng asawa ay nando'n naman iyong guilt.Hinayaan niya na lang din ito.
Read more
PREV
1
...
56789
...
11
DMCA.com Protection Status