All Chapters of My Bestfriend's Affection: Chapter 51 - Chapter 60
77 Chapters
Forgiven
Athalia'sPOVAlas onse y medya na umaga. Umalis si Luke para bumili ng pagkain sa Restaurant na malapit sa gusali. Napatingin ako sa telepono ng tumunog iyon. Iniangat ko iyon at inilagay sa aking taenga. "Good morning, Ma'am. May natanggap po akong email galing sa nagngangalang Mickhaela Romano, nagpapaset po siya ng meeting sa inyo ma'am mamayang ala-una ng hapon." ani Sunshine. Napahigpit ang hawak ko sa telepono. Ano ang kailangan sakin ni Mickhaela? Nandito ba siya para sirain ang relasyon namin ni Luke? Pero hindi ako papayag na mangyari iyon! Naikuyom ko ang aking kamao."Sige. Sabihin mo hihintsyin ko siya." ani ko sa pinatatag na boses."Okay po, ma'am." ani Sunshine. Ibinaba ko na ang telepono at inilagay iyon sa awdotibo. Huminga ako ng malalim. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Luke na may dalang take-out. Nang magtama ang aming mga mata ay ngumiti ako sa kaniya. Tumayo ako at nagtungo sa gilid kung saan may mesa at dalawang upuan na pinalagyan ko, may min
Read more
Their Plan
Luke'sPOV Araw ng Sabado, ngayon ang araw na susunduin namin ang isa sa naging kaibigan ni Athalia noong nasa Kolehiyo siya, si Adrian Ruiz. Sa totoo lang, pinipigilan ko ang sarili ko na makaramdam ng selos, hindi iyon tama. Kapag nalaman ni Athalia na nagseselos ako, baka magalit siya sakin. Sapat na ang mga sinabi niya sakin na nagpapatunay ng pagmamahal niya sakin. Adruiz Ruiz is just a friend, subukan lang niya na landiin si Athalia ako ang makakalaban niya! Dahil may isa mang tao na ayaw kong mawala, yun ay si Athalia. Mahal ako ni Athalia at sapat na iyon para hindi ako mag-alinlangan sa lahat ng bahay. Napabaling ako sa hagdan ng bumababa roon si Athalia. Wala si Tita Carmen dahil magkasama sila ni tito Mike, mukhang niyaya na nama ni tito Mike si tita Carmen ng date. Hindi ko maiwasang mapanganga dahil sa taglay niyang kagandahan. Simple lamang ang ayos niya pero napakaganda niya. Hindi na niya kailangan ng kolorete sa mukha. Napangiti ako sa suot niya, simple lamang iy
Read more
Balat
Nang marating namin ang airport at maiparada iyon sa parking lot ng airport. Agad kaming umibis ni Athalia at pumasok sa loob ng airport, pagkatapos kaming impeksyonin ng gwardiya ay nagtungo kami sa waiting area para doon hintayin si Adrian. Bumaling sakin si Athalia."Okay lang ba na pumunta tayo sa bahay nila? Niyayaya niya kasi tayo na doon mananghalian dahil naghanda si Mrs. Ruiz ng pananghalian para satin. Ano sa tingin mo? Okay lang ba sa iyo?" tanong ni Athalia. Tiningnan ko siya at nginitian. Wala namang masama sa paanyaya ni Adrian. "Sure!" ani ko. Niyakap niya ako."Salamat." aniya. Hinalikan ko siya sa noo."Basta ikaw, baby." ani ko."Athalia?" ang tawag na iyon ang naging dahilan para humiwalay sa pagkakayakap sakin si Athalia at tumingin sa unahan, na ginawa ko rin. Nakita ko ang isang lalaki na hindi nagkakalayo ang aming tangkad, mganda ang pangangatawan na makikita sa t-shirt na kaniyang suot dahil bakat na bakat iyon sa kaniyang katawan kahit may suot siyang jacke
Read more
Ang Katotohanan
Nanlalaki ang mga mata ni Mrs. Ruiz nang marinig ang mga sinabi ko. Mas nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit."Oh my god! Ikaw na pala yan, ang laki mo na!" aniya at humiwalay sa pagkakayakap sakin tsaka sinapo ang aking mukha. "Binatang-binata ka na." biglang lumamlam ang kaniyang mga mata. "Ibig sabihin hindi mo alam na si Jackie Santiago ang iyong ina?" tanong niya na kababanaagan ng lungkot ang mukha niya. Umiling ako."Hindi po." ani ko."Mas mabuti na kumain muna tayo at mamaya na natin pag-usapn ang tungkol sa yung ina at bakit hindi mo alam na siya ang iyong ina. Ang dami kong gustong itanong iho, pero kain muna tayo kasi lalamig ang pagkain. Okay lang ba?" tanong niya. Tumango ako."Sige po." ani ko. Tumango si Mrs. Ruiz sakin at nagtungo na sa hapag-kainan kasama sina Adrian at Abby na kababakasan din ng pagkagulat ang mukha kanina. Napatingin ako kay Athalia ng hawakan niya ang aking kamay at marahan iyong hinaplos. pag-aalala ang kababakasan sa kaniyang muk
Read more
Ang Buong Katotohanan
Athalia'sPOVRamdam ko na nahihirapan si Luke sa sitwasyon niya ngayon, sa mga nalaman niya. Hindi man niya iyon sabihin sakin, pero ramdam ko iyon. Yung pilit na ngiti na ibinibigay niya sakin. Minabuti ko nalang tumahimik at tingnan ang mga punong-kahoy na nalalampasan namin. Hihintayin ko nalang na sabihin sakin ni Luke ang mga bagay na nagpapagulo sa kaniya. Ayaw kong makaramdam ng tampo, ito hindi ang tamang panahon para maramdaman iyon dahil kailangan niya ang pagkalinga ko sa kaniya."Kanina napansin ko bago tayo pumasok sa loob ng bahay Nina Adrian na parang May gumugulo sayo, pwede ko bang malaman kung ano iyon?" tanong bigla sakin ni Luke na naging dahilan para mabaling ako sa kaniya."Ah, yun ba? Naisip ko kanina na kung hindi dahil sakin hindi mo sana pagdududahan ang pagkatao ng iyong ina, pero okay naman na dahil nalaman na natin ang totoo at nawalan ako ng guilt sa dibdib." ani ko. Huminto si Luke sa gilid ng kalsada na ikinakunot-noo ng noo ko."Bakit ka huminto?" tan
Read more
Safe
Luke'sPOVMabuti nalang at marunong sa martial arts si Adrian kaya nagawa niyang sipain ang baril na hawak ni mom at mabilis niyang nahawakan sa mga kamay si mom."Bitiwan mo ako! Ano ba!" hiyaw ni mom. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng sirena at may dalawang nurse na papasok sa loob ng kabahayan na may tulak tulak na strecher. Agad kong binuhat si Athalia, ramdam kong humihinga pa siya. Inilapag ko siya sa strecher at sumunod sa dalawang nurse patungo sa ambulansiya. Si mom ay nakita ko na papalabas ng bahay na nakaposas at nasa likod nito sina Adrian at Tita Arrian. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanilang mukha. Umusad na ang ambulansiya patungo sa pinakamalapit na hospital. Hinawakan ko ang kamay ni Athalias at hinalikan ang likod niyon habang inaalalay ng dalawang nurse sa paglalagay ng oxegen sa kaniyang bibig."Please Ath, be strong." ani ko habang nakatitig sa kaniyang mukha at hinahalik-halikan ang kaniyang kamay. Hindi ko namalayan na may nalaglag na palang luha sa a
Read more
She's Awake
Athalia'sPOVNagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang iniangat ang aking braso para itakip sa aking mga mata. Nang tuluyang makapag-adjust ang aking paningin sa liwanag, ibinaba ko na ang aking braso. Ipinalibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Nasa silid ako ng hospital, nabaling din ang aking tingin sa aking braso kung saan may nakatusok na para sa IV fluid. Kinapa ko ang aking kanang balikat kung saan may benda roon. Dumako ang paningin ko sa sofa kung saan natutulog ng mahimbing si Luke. Napangiti ako, talagang binabantayan niya ako. Kitang-kita ko sa panlalalim ng kaniyang mata na napuyat siya sa pagbabantay sakin. Bigla siyang nagmulat ng mga mata at nanlaki iyon ng makitang gising na ako. Dali-dali niya akong nilapitan."Athalia!" aniya at umupo sa aking kama paharap sakin. Hinawakan niya ang akingh kamay at hinaplos iyon."Wala bang masakit sayo? Kamusta ka na?" sunod-sunod niyang tanong at kabab
Read more
Wanting Her
Luke'sPOVIlang araw ang nagdaan matapos maidischarge si Athalia at ngayon ay ayos na siya. Ngayon ang araw na sasabihin ko sa lahat ng mga nakakakilala kay dad ang kaniyang pagkamatay.Narito kami ngayon sa mansiyon kasama sina Athalia, Tita Carmen, Tito Mike, Adrian. Tita Arrian, maging sina Manang Daisy ay narito rin kasama ang kaniyang asawa at anak. Sina ate Melissa kasama ang asawa, si Tita Odessa at asawa nito at lahat ng mga trabahador sa Hacienda Sebastian ay narito."Ano ang sasabihin mo samin Luke at narito kaming lahat ngayon?" tanong ni Tita Odessa na bagaman seryuso ang mukha ay mahihinuha ang kaba roon. Tumikhim ako at tiningnan sila isa-isa."Gusto kong iparating na patay na si dad. Isang buwan na ang nakararaan." pagtatapat ko. Wala ng dahilan para magpaligoy-ligoy pa. Napatayo si Tita Odessa, ay iba ay nanlalaki ang mga mata at napasinghap. Ginagap ni Athalia ang aking kamay. Katabi ko siya ngayon, tumingin ako sa kaniya at ngumiti."Sabihin mo na nagbibiro ka lang
Read more
Suicide
Olivia'sPOVHindi ko maiwasang mapatitig sa kisame nang kulungang pinagdalhan sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung makakaramdam ba ako ng guilt sa sarili o panindigan ko ang kasalanang ginawa ko. Sa isang araw ko pa lang dito, ramdam ko ang hirap ng mag-isa. Sabagay, sanay naman na ako eh. Sanay na akong mag-isa. Kung nabubuhay lang sila mama at papa, tiyak na magagalit sila sakin. Kahit magsisi ako ngayon, wala ring kabuluhan iyon dahil nangyari na. Ang nararapat lang sakin ngayon ay ang mabulok sa bilangguan ito. Dahil iyon ang nararapat sakin. Napabuntong-hininga ako tsaka bumangon. Tiningnan ang mga kasama ko na nag-uusap at nagsusugal. "Hoy! Bakit ayaw mo ba makisama sa kanila?" tanong sakin ng isang babaeng may katandaan na papalapit sakin. Umiling ako."Hindi ako nagsusugal." sagot ko. Nang makalapit siya, tiningnan niya ako na parang sinusuri kung sino ba ako."Anong krimen ang ginawa mo?" tanong niya sakin. Mapait akong napangiti."Pinatay ko ang akin
Read more
Still A Mother
Natapos na ako sa paglalaba, at sa paglilinis ng bahay bandang alas-kwatro ng hapon. Naupo muna ako sa sofa sa salas para magpahinga. Nakakapagod ngayong araw na ito. Gustong-gusto ko na umakyat sa kwarto para humiga at matulog. Ngunit hindi pa pwede, kailangan ko pang ipagluto si Jarred ng hapunan. Halos mamanhid ang buo kong katawan sa pagod. Isinandal ko ang ulo sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Kahit saglit lang makapagpahinga ako.--"What the hell Jasmine! Wala ka pang naluluto, tapos natutulog ka na!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa sigaw na iyon. Nasilayan ko si Jarred na nakaharap sakin at nanlilisik ang mga mata. Bigla akong natakot sa itsura niya. Tiningnan ko ang orasan na nasa wall. Alas syete na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko. Tumayo ako at bahagyang yumuko."Pasensya na, napasarap ang tulog ko. Hindi ko akalain na makakatulog ako ng ganung katagal. Sandali at ipagluluto na kita." wika ko at bahagyang iniyuko ang ulo. "Ayaw ko na mangyari ito Jasmine. Yo
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status