All Chapters of Falling for the Replacement Mistress: Chapter 71 - Chapter 80
211 Chapters
Chapter 61 - Dreik Cordova
He saw her. Kenji saw the woman he had been longing to see. At hindi niya inaasahan na sa eskuwelahan pa ni Kiro sila magtatagpo muli. He doesn’t know the reason why she is there. Naghatid ba siya ng pamangkin? Anak ng kaibigan? Ayaw isipin ni Kenji na ang dahilan ni Reiko para pumunta sa eskuwelahan ay dahil naghatid ng anak nito si Reiko. Hindi pa handa si Kenji sa katotohanan na maaari na mayroon na rin si Reiko na sariling pamilya. He is still being as selfish as he can be. He was still hoping that it would still be him and Reiko until the end. Nang araw na magkita sila ay nais niya na kausapin si Reiko. Nais niya na mabigyan ng pagkakataon upang masagot ni Reiko ang lahat ng katanungan na gumugulo sa kan’yang isipan sa mahabang panahon. Nais niya na maliwanagan ang mga tanong na walang kasagutan na hanggang ngayon ay dala-dala niya sa kan’yang puso at isipan. Ngunit nangungusap ang mga mata ni Reiko sa kan’ya. She was pleading with him not to talk to her. She was begging with
Read more
Chapter 62 - A Family Affair
"What did you say, Kenji?" Hindi makapaniwala na tanong ni Gray sa kaibigan niya na si Kenji. "Anak mo o anak ni Reiko? Or did I hear you correctly, anak mo kay Reiko?" At tangi na pagtaas at baba lamang ng kan’yang ulo ang nagawa ni Kenji na kasagutan sa mga tanong na iyon ni Gray sa kan’ya, dahil ang lahat ng sagot sa tanong na iyon ay pawang oo. Oo na anak niya, oo na anak ni Reiko, at oo na anak niya kay Reiko. At iyon ang patuloy na isinisigaw ng kan’yang isipan kahit hindi niya alam ang katotohanan. Ang batang iyon ay ang eksakto na replika niya noon maliit pa siya. At ang pangalan na binigkas ng bata ay isang kompirmasyon na anak siya ni Reiko Cordova. Dreik Cordova is none other than his son, and he is so sure of that. "Kenji, hindi naman siguro na si Reiko lang ang may apelyido na Cordova sa buong mundo. For all you know, maaari na si Reina, anak ni Reina ang bata na iyon. At huwag mo sasabihin sa akin na may nangyari rin sa inyo ni Reina para angkinin mo na sa’yo ang bat
Read more
Chapter 63 - The Truth About Dreik
Namamayani ang takot sa puso ni Reiko, dahil ilan araw na rin na pabalik-balik sa coffee shop si Kenji, at alam na alam niya ang dahilan nang pagpunta nito roon. Kaya naman pilit niya na tinataguan ang lalaki, at pati si Dreik ay pilit niya na iniiwas kay Kenji Jarvis. Ayaw niya na gawin ang mga bagay na iyon, pero wala siyang ibang pagpipilian sa ngayon. Napabuga na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga at napasandal sa kan’yang kinauupuan. Sigurado siya na hindi titigil si Kenji sa pag-alam ng mga katotohanan tungkol sa kanila. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang mga katanungan. Mga tanong na hindi pa niya kaya na bigyan ng mga kasagutan sa ngayon. At sa kan’yang malalim na pag-iisip na iyon, hindi niya maiwasan na magbalik-tanaw sa nakaraan. Sa mga pangyayari sa kan’yang buhay na pilit niya na itinago at kinalimutan. ---- Isang buwan matapos nila na magpakalayo-layo ni Arden para magsimula ng bagong buhay, patuloy na hindi makawala si Reiko sa mga alaala ni Kenji.
Read more
Chapter 64 - His Son
Nagmamadali si Reiko nang ihatid niya si Dreik sa eskuwelahan nito. Arden is on an out-of-town trip, kaya muli ay siya ang naghatid sa anak nila. And she is not so keen about being here at this moment, lalo na at malaki ang tsansa na magkita sila rito ni Kenji. "Bye, mom. I’ll see you later." Pagpapaalam pa ni Dreik sa kan’ya matapos na humalik sa kan'yang pisngi ang anak. Masuyo na ngiti at yakap ang isinukli niya sa bata at saka muli na nagbilin. "Be good, Dreik. Wait for me later. I love you, baby." "Bye, mom." Isang kaway pa sa kan'ya ang iniwan ni Dreik saka mabilis na pumasok ang bata sa loob. Nang masigurado na nakapasok na ang anak niya sa loob ay nagmamadali na rin na naglakad si Reiko patungo sa parking area. Palinga-linga pa siya upang masiguro na hindi sila magtatagpo ng lalaki na iniiwasan niya. Kumakabog ang dibdib niya habang patuloy siya na naglalakad ng mabilis palabas. "Let’s talk." Mga kamay na nakahawak sa kan’yang braso ang pumigil sa paglalakad ni Reiko. And
Read more
Chapter 64.1 - His Son cont.
Pumayag si Reiko na magkausap sila ni Kenji dahil alam niya na hindi titigil ang lalaki sa pag-alam sa mga katotohanan tungkol sa anak niya. At ayaw na ni Reiko na mas maging magulo pa ang buhay ni Dreik kapag nagkaalaman na sila ng tungkol sa lahat. Kaya naman sa isang restawran malayo sa eskuwelahan at sa shop ni Reiko ang sumunod na eksena sa kanilang dalawa. Mataray ang ekspresyon ni Reiko habang si Kenji naman ay nananatili na blangko ang itsura. Wala sa kanila ang nais na magsimula sa usapan at pareho lamang sila na matiim na nakatingin sa bawat isa. At ang katahimikan na iyon ay lalo lamang na nagbibigay ng pagkagulo kay Reiko, kaya naman siya na ang nagsimula sa paghaharap na iyon. "Wala akong plano na makipagtitigan sa’yo, Kenji. You wanted to talk, so talk now." Galit ang tinig niya dahil kailangan niya na unahan ang ano man na galit ni Kenji para sa kan'ya ngayon. "I am waiting for an explanation, Reiko. Between the two of us, it is you who have a lot to explain." Simple
Read more
Chapter 65 - His Illegitimate Child
"What, Kenji? Anak mo? Anak mo rin ang anak ni Reiko? And to make matters worse, magkasing-edad si Kiro at ang sinasabi mo na anak mo sa dating kabit mo? Fuck! That means you got them both pregnant at the same time? Shit! Can your life be any more complicated than this?" Hindi maipaliwanag ni Gray kung ano ang mararamdaman niya para sa kaibigan niya na mayroon na naman na mabigat na kinakaharap sa ngayon. Kenji has a child with Reiko. It was actually not a question for him when he saw the child, but then again, having that confirmation now changes everything. Ano ang mangyayari sa magulo na nito na pamilya kung may isa pa na gulo na dumating? Sigurado naman siya na hindi mapapayagan lalo ng asawa ni Kenji na magkaroon ng bastardo ang asawa niya. "You heard me loud and clear, Gray. Dreik is really my child. Anak namin siya ni Reiko." Gusto na maiyak ni Kenji sa katotohanan na iyon. Kanina pa pigil na pigil ang mga luha na nais niya na pakawalan. Kanina pa, simula ng tahasan na sabih
Read more
Chapter 65.1 - His Illegitimate Child cont.
Matapos ang pag-uusap na iyon nina Kenji at Gray ay isang tao lamang ang naisip ni Kenji na makakatulong sa mga problema na kinakaharap niya ngayon. He wasn't known for running around and asking for help, but at this point, that person was Kenji's last hope for Dreik to discover his presence and know the truth about their relationship. Buhat sa condo ni Gray ay nagmamadali siya na pumunta sa bahay ng kan’yang mga magulang. He needs to talk to his mother. Cassandra is his only option, dahil malaki ang utang na loob ni Reiko sa kan’yang ina. At hindi man aminin ng ina ni Kenji sa kan’ya, ay sigurado siya na may kinalaman din si Cassandra sa naging pag-alis ng dati niya na nobya. Pinaharurot niya ang sasakyan at hindi alintana ang maaari na panganib sa ginagawa niya. Isa lamang ang nasa isipan niya, at iyon ay ang maka-usap ang kan’yang ina at maipaalam ang sitwasyon niya ngayon. Ayaw niya na lumaki na isang bastardo niya lamang si Dreik. He has plans to not just give Dreik his surname
Read more
Chapter 66 - Cassandra's Plans
Cassandra doesn't have any plans to do what she is about to do, but she was left with no choice. Matapos niya malaman buhat kay Kenji ang pagkakaroon nito ng anak kay Reiko ay isa lamang ang nasa isip niya, at iyon ay ang kumpirmahin ang katotohanan na iyon. Just like her son, Cassandra doesn't want Kenji’s child with Reiko to be an illegitimate child. Kagaya ng apo niya na si Kiro, may karapatan din ang anak ni Reiko sa kung ano man ang kaya na maibigay ng pamilya nila ni Kenji. And more than the material things that Kenji can provide for the child, higit na mas importante ay ang pangalan at ang pangangalaga ng isang tunay na ama sa anak. Kaya naman maaga pa lamang ay hinatid na niya ang apo na si Kiro sa paaralan nito at saka siya nag-antabay sa parkingan ng eskuwelahan. Mabuti na lamang din at may maaga na flight si Kenji kaya siya ang naghatid sa kan'yang apo. Ang unang hakbang niya ay ang magmatyag sa sinasabi na anak ni Reiko. And she is hoping that Reiko will bring the kid t
Read more
Chapter 67 - The Calm Before the Storm
"Love." Pumulupot ang mga braso ni Arden sa beywang niya habang nag-aayos siya ng mga damit sa walk-in closet nila. Sa sobrang lalim ng pag-iisip na ginagawa niya ay hindi na niya namalayan na nakapasok na sa silid nila ang nobyo niya. "I miss you." Kasabay nito ang paghalik ni Arden sa kan’yang pisngi. "Love." Mabilis na binago ni Reiko ang disposisyon niya at nakangiti na humarap sa kan’yang nobyo. Hindi maaari na malaman ni Arden ang mga gumugulo sa kan'yang isip sa ngayon. Not now when everything is going well for their relationship. And not ever, when Kenji will just be a part of her past. "I miss you too." Gumanti siya ng yakap sa beywang ng lalaki at hinalikan ang nobyo sa labi. "Ayos ka lang ba, love?" Nag-aalala na tanong ni Arden sa kan’ya. "You seem off. Simula pa kahapon ay tahimik ka na at napapansin ko na parang may iniisip ka. May gumugulo ba sa isipan mo? May problema ba? May nagawa ba ako na ayaw mo? Tell me, Reiko, what's wrong?" Ayaw ni Reiko na bigyan pa ng alala
Read more
Chapter 68 - The Wife's Vengeance
"Fuck you, Kenji! You are an asshole! How dare you?" Patuloy ang pagsigaw ni Ica sa silid niya na iyon. Gulong-gulo na ang kuwarto niya dahil sa patuloy niya na pagwawala simula pa kanina. And nobody can stop her, even if they wanted to, walang may lakas ng loob na pakialaman siya sa nais niya na gawin. "Mam, ayos lang po ba kayo riyan?" sigaw ng katulong niya buhat sa labas ng pintuan niya. "Mam, tatawagan ko na po ba si sir?" Mas lalo lamang ang galit niya nang marinig ang sinabi ng katulong. Intrimitida na, pakialamera pa! "Huwag mo akong pakialaman! Umalis ka riyan! Umalis kayong lahat! Leave me alone!" sagot niya pa. "Pero, mam-" "Aalis ba kayong lahat at iiwan ako na mag-isa, o gusto mo na tanggalin ko kayo lahat sa trabaho ninyo?! At wala akong pakialam kung si Kenji ang nagpapasuweldo sa inyo. I can easily terminate all of you if I want to. Now, I want you out of my house right now!" Halos maputol na ang litid sa leeg niya sa lakas ng pagsigaw niya na iyon sa katulong. "A
Read more
PREV
1
...
678910
...
22
DMCA.com Protection Status