Hindi inaasahan ni Reiko Cordova na mapapasubo siya sa isang trabaho na hindi niya inaplayan. Ngunit dahil sa kagagawan ng nakakatanda na kapatid at walang iba na pagpipilian, kinailangan niya na pumalit dito bilang isang "kabit" ng guwapo at masungit na piloto na si Kenji Jarvis. Hindi inaasahan ni Kenji Jarvis na mapapasubo siya sa pag-aalok ng isang trabaho sa isang babae upang masiguro na hindi siya iiwan ng kan'yang asawa na nahuhumaling sa matalik na kaibigan nito. Umupa si Kenji ng babae na magpapanggap bilang kan'yang kabit para pagselosin ang asawa na nagloloko. Ngunit sa hindi inaasahan ay tinakbuhan siya ng naturang babae dala-dala ang pera na naibayad na niya. Kaya wala silang nagawa ng kan'yang kaibigan kung hindi ang takutin at ipaako ang trabaho sa naiwan na kapatid ng babae upang siya ang pumalit at magpanggap na kabit niya. Ang pagpapanggap ay mauuwi sa katotohanan nang isang gabi ay makalimot si Kenji sa kontrata. Ang babae na itinuturing lamang niya na isang pamalit sa kasunduan ay magkakaroon nang mas malalim na ugnayan at halaga sa kan'ya. Papayag ba si Reiko na habang-buhay na lamang siya na maging "replacement mistress" sa buhay ni Kenji, lalo na at alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang asawa nito? O gagawin niya ang tama at kusa na lamang na lalayo sa lalaki na natutunan na niya na mahalin?
View MoreSa isang high-end bar na iyon sa Makati ay makikita ang matalik na magkaibigan na nasa isang pribado na silid at masinsinan na nag-uusap habang pareho na nilulunod ang sarili sa alak. Sila ang dalawa sa mga pinagkakaguluhan at hinahabol na mga piloto sa Jarvis Airways.
Ang magkaibigan ay pareho na kadarating lamang mula sa isang biyahe sa labas ng bansa. Ngunit dito nila naisipan na dumiretso upang mapag-usapan ang problema na kinakaharap ni Kenji Jarvis.
Si Kenji Jarvis, trenta anyos at mula sa kilalang angkan ng mga Jarvis na nagmamay-ari ng Jarvis Airways. Pinakasikat at pinagpapantasyahan na piloto sa JA, ngunit siya ngayon ay may matinding problema sa asawa. Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Gray Ricafort na isa rin piloto sa kanilang kumpanya.
"I’m telling you, Kenji, my plan will work. Hahayaan mo na lamang ba si Ica na mawala at maagaw sa’yo ng kung sino lang? You’ve been through so much together, at hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa'yo ngayon." Pamimilit ni Gray sa kaibigan na si Kenji.
Ano ang kanilang pinag-uusapan? Ang magiging plano ni Kenji upang mapanatili ang kan’yang asawa sa kan’yang tabi na ngayon ay niloloko siya. Aminado si Kenji na hindi siya naging mabuti na asawa kay Ica sa mga nakalipas na taon. Masyado siya na naging abala sa trabaho bilang piloto kung kaya’t nabawasan ang oras na nailalaan niya para sa asawa niya.
At ang naging kapalit ng pagkakamali niya na iyon ay ang kan'yang asawa. Hinanap ni Ica ang atensyon na hindi niya maibigay ngunit naiparamdam ng matalik na kaibigan nito, ang kababata ng kan’yang asawa.
Hindi niya inaasahan na mahuhuli niya ang dalawa sa mismo na bahay nila nang napa-aga ang uwi niya galing sa biyahe niya noon isang linggo. Halos mapatay niya ang asawa at ang kalaguyo nito, pero nakapagpigil pa rin siya at nakapag-isip ng tama.
Mahal na mahal ni Kenji ang asawa na si Ica at hindi niya kaya na mawala ang babae sa kan’ya. Alam niya na siya ang nagtulak sa kan'yang asawa upang mahulog ang loob nito sa kaibigan, kaya ngayon ay gagawin niya ang lahat upang matiyak na mababawi niya ang pagmamahal ng kan’yang asawa. Nararamdaman niya ang kagustuhan ni Ica na hiwalayan na siya, pero hindi niya maibibigay ang nais nito nang hindi man lamang niya naipaglalaban ang pagmamahal niya.
"Hindi ko alam kung uubra ang plano mo na iyan, pero handa ako na subukan ang lahat ng paraan upang masigurado lamang na hindi ako iiwan ni Ica."
Humugot ng malalim na hininga si Gray, saka muli na hinarap ang kaibigan. "And I’ve got the perfect prospect for you, para kuhanin natin sa magiging plano."
"Sino? Tandaan mo, Gray, ang lahat ng ito ay isang pagpapanggap lamang. Wala akong balak na magkaroon ng kabit. Ang nais ko lamang ay pagselosin si Ica at maramdaman niya ang importansya ko sa kan’ya, lalo na kapag nalaman niya na nahuhumaling na rin ako sa iba."
"I know that, kaya nga rito tayo kukuha ng babae, para masigurado na hindi mo magugustuhan at hindi mahuhulog ang loob mo."
"A waitress?" Nag-aalangan na tanong ni Kenji sa kaibigan na agad naman nito na tinanguan.
"Yes, a waitress. A hot and sexy waitress. Kailangan natin masigurado that she can compete with Ica, para mas lalo na maramdaman ni Ica na threat ang mistress mo sa kan'ya."
Sumandal si Kenji sa upuan at ipinikit ang mga mata. Hindi niya akalain na aabot siya sa punto na ito. Siya si Kenji Jarvis, mula noon hanggang ngayon ay hinahabol na siya ng mga kababaihan. Marami pa nga ang nalungkot at umiyak nang maikasal sila ni Ica na college sweetheart niya dalawang taon na ang nakakalipas.
Tama, dalawang taon pa lamang sila na kasal pero inulan na sila ng problema sa kanilang pagsasama. Nang mag-isang taon kasi sila na kasal ay rito naman naging abala si Kenji sa kan’yang trabaho sa pagpipiloto.
Mas ninais niya na maging piloto sa kumpanya nila kaysa ang hawakan at patakbuhin ito. At dahil dito, nabawasan ang oras niya na makasama ang asawa niya.
Wala rin naman siya na ibang sinisisi kung hindi ang kan’yang sarili. Alam niya na nahulog lamang ang loob ng asawa niya sa kaibigan nito dahil iyon ang madalas na nakakasama at dumadamay rito, lalo na kapag hindi niya nagagampanan ang tungkulin niya sa asawa niya, lalo na at madalas ang biyahe niya sa labas ng bansa.
Dumilat siya at tinapunan ng tingin ang kaibigan. "Hindi ko inakala, na ako, na hinahabol ng mga kababaihan ang maghahabol ngayon sa babae na pinili ako na lokohin at saktan, pero sa kabila ng katotohanan na iyon ay mahal na mahal ko pa rin siya."
"That, my friend, is called blinded love. Ganyan na yata talaga ang mga nagmamahal, nagiging tanga sa pag-ibig."
"If this plan won’t work, then I just have to let her go. Ayaw ko lang na agad na sumuko, without even trying. I love her, man. Sobra ang pagmamahal ko kay Ica, at hindi ko siya kaya na pakawalan na hindi man lamang lumalaban."
"This will work. Trust me, bro. Kilala ko na rin si Ica sa tagal na rin natin na magkakasama. Hindi siya sanay na may kakompetensya, at ayaw na ayaw niya sa lahat ang naagawan siya, kaya sigurado ako na itong plano na ito ang tatapos sa paghihirap mo at sasagot sa problema mo ngayon."
Muli na kinuha ni Kenji ang baso ng alak na nasa kan’yang harapan. Tinungga niya iyon ng diretso at balewala ang tapang nito. Gusto niya na maibsan ang sakit na nararamdaman ng puso niya.
Mahihina na katok sa pintuan at kasunod ay ang pagsilip doon ng isang maganda at sexy na babae. Ito na marahil ang waitress na magiging parte sa plano nila ng kan'yang kaibigan.
"Gray." Dahan-dahan na lumakad ang babae patungo sa kinauupuan ng kaibigan ni Kenji habang kumekendeng-kendeng pa. Tinapunan nito ng tingin si Kenji at muli na ibinalik ang atensyon kay Gray.
"I’ve got a job for you, Reina."
Ngumiti ang babae at hindi maitatanggi na maganda nga siya. "Hand job or blow job?" Malandi pa na turan nito sa lalaki na ikina-iling na lamang ni Kenji.
Ngumisi si Gray at muli na nagsalita, "I wish I could, pero ayaw ko sa may syota na."
Napasimangot ang babae saka gamit ang daliri ay hinaplos ang dibdib ni Gray. Mabilis naman na nahawakan ni Gray ang kamay nito at inilingan. "Hindi ang ganito na trabaho."
"Anong trabaho nga?" tanong ng babae na halata na ang pagka-inis.
"Kailangan mo na magpanggap na kabit ng kaibigan ko na si Kenji." Itinuro ni Gray si Kenji sa babae, kaya naman sumulyap si Reina at pinasadahan ng tingin si Kenji.
"Pagpapanggap lang? Ayaw mo ba ng totohanan?" maarte na tanong pa niya sa dalawang lalaki na kaharap niya.
"Hindi ko kailangan ang totohanan na kabit. Ang kailangan ko lang ay ang magpanggap ka sa harap ng asawa ko bilang kabit ko." seryoso na sagot ni Kenji.
"What’s in it for me? If you must know, I have a boyfriend, kaya kailangan ko rin malaman kung ano ba ang matatangap ko rito bago ko isapalaran ang relasyon ko."
"Five hundred thousand pesos as an initial payment. Para sa dalawang buwan ang pauna na bayad, at maximum of six months ang trabaho, depende kung kailan maniniwala ang misis ko sa arte mo."
"Five hundred thousand pesos sa dalawang buwan? Sigurado ka ba?" Hindi makapaniwala na tanong ng babae kay Kenji.
"Siguradong-sigurado. Patutuluyin din kita sa isang condo unit ko sa Rockwell habang nagtatrabaho ka sa akin, upang mas maging makatotohanan ang pagpapanggap na ito. Huwag ka rin na mag-alala, because we won’t get intimate. I just need my wife to be aware of your presence. Kapag nagawa mo ang trabaho na iyon, makakatanggap ka pa ng karagdagan na bayad mula sa akin."
Kitang-kita sa ekspresyon ng mukha ng babae ang kagalakan sa mga naririnig niya. Siguro nga ay nababaliw na si Kenji upang gawin ang mga bagay na ito, but he is desperate. Sobra na siya na desperado na mabawi ang asawa niya, kaya kahit magkano ang magastos niya at kahit na ano pa ang paraan ay wala na siyang pakialam, basta bumalik sa kan’ya ang misis niya.
"Are you in or are you out, Reina?" Singit naman na pagtatanong ni Gray.
Ngumisi ang babae at hinarap si Gray, "Tinatanong pa ba iyan, Gray? Of course, I am in. It’s a deal then." Inilahad pa niya ang kan’yang kamay sa harapan ni Kenji upang maiselyo ang kanilang napag-usapan.
Kinamayan siya ni Kenji at muli na nagsalita. "You will hear from my lawyers tomorrow regarding the contract and the payment details. We just need your information, para maiayos ang lahat tungkol sa kontrata. Kailangan mo rin na pumirma sa isang non-disclosure agreement, it’s not that I’m doubting you, kailangan ko lang din na magsigurado. Kapag nakapirma ka na sa kontrata ay agad mo nang matatanggap ang pauna na bayad."
"Ayos lang at naiintindihan ko naman. I’ll just wait for your lawyers then." Pagkasabi niya no'n ay tumayo na ang babae at pakendeng-kendeng na lumakad papalabas ng pribado na silid.
"We’re one step closer to claiming back your wife, Kenji."
"I hope so, Gray. I hope that this will work out in my favor."
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)
Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad
"Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho
"Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi
The set-up was going well for both of us. Hindi ko inakala, pero maayos naman ang naging usapan namin ni Reiko kung ano ang mangyayari sa kontrata. At gaya nang sinabi ko kay Reina, iyon din ang sinabi ko sa kan'ya. Ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Hindi namin kailangan na maging intimate sa isa't-isa. Wala akong plano na sirain ang relasyon namin ng asawa ko. Ginagawa ko lamang ito para mabawi siya sa pagkahumaling niya sa matalik na kaibigan niya. Matapos ang unang paghaharap namin nina Ica, I knew that I was back in the game. Alam ko na tama ang naging plano na ito ni Gray para muli ko na makuha ang pagmamahal ng asawa ko. Ayaw ni Ica sa kompetisyon, at nakita ko ang pagkabahala niya nang makita niya kami na magkasama ni Reiko sa restawran. And just as we have expected, Ica cannot bear the threats she sees in Reiko, and it is all the more fulfilling to see that in just a matter of days, I know this plan will succeed. And it should be, dahil hindi maaari na tumagal pa ang
I couldn’t keep the smile off my face as I watched the two most important people in my life enjoy our time together. It’s been a month since Reiko and I got married, and being married to her is the most wonderful feeling I have ever felt. I never thought I could still have the chance to find my happy ending in love. I never even believed that there was still somebody out there for me after Ica, but indeed, the right person will come at the right time. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko habang nagtatampisaw sila sa tabing-dagat, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na balikan ang aming nakaraan. Ang hindi ko inakala na pagmamahal na mararamdaman ko sa babae na pilosopa na naabutan namin ni Gray sa bahay ni Reina noon ay siya pala na makakasama ko sa habang-buhay ngayon. And who would have thought that I would even end up marrying the woman who got on my nerves the first time I saw her? Totoo nga siguro ang kasabihan na "the more you hate, the more you love", dahil ang pagmamaha
Paulit-ulit ko na sinasabi sa sarili ko, that for months I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have, or at least that’s what I have thought so and made myself believe. But guess what? I was so wrong to say that. Paulit-ulit ko na binabalikan ang balita na iyon na nasa feed ng social media account ko. Pilit ako na ngumingiti kahit na ang totoo ay durog na durog ang puso ko. Gusto ko na maging lubos na masaya para sa kan’ya, pero hindi ko pa rin magawa hanggang ngayon. Kahit na ano pa ang pagsisinungaling at pagtatago ang gawin ko, hindi maikakaila na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. At mas masakit na malaman na hinding-hindi na talaga siya magiging akin kailanman. Tuluyan na siya na naagaw sa akin ni Kenji Jarvis, at sa balita na iyon, muli na gumuho ang mundo ko. Kenji and Reiko had gotten married. Kahit na noon pa man nang magkapatawaran kami ay alam ko na rito rin hahantong ang lahat sa kanila. Pero sa kabila noon ay hindi pa rin ak
For months, I was already okay. I had been okay with the life that Kiro and I managed to have. Nang umalis kami sa Maynila ay nagpasya ako na magpunta kami na mag-ama sa Canada upang muli na makapagsimula at ayusin ang buhay namin. Mabuti na lamang din at hindi naging mahirap ang paglipat ko sa branch ng kumpanya namin dito sa ibang bansa. And it was as if everything had fallen into place for the first time. But the decision to leave the country was the hardest decision that I had to take. It was necessary for me to leave to be able to start anew with my and Kiro’s lives. Kinailangan ko na umalis at lumayo upang tuluyan ako na makakalimot sa lahat ng mga hindi maganda na nangyari sa amin sa Pilipinas, at para makabangon ako buhat sa lahat ng sakit at mga pagkakamali sa buhay ko. And in my desire to genuinely fix everything before we move on with our lives, a day before we left, nagpasya ako na dalahin si Kiro sa kan’yang ina sa kulungan upang pormal nang makapagpaalam. Hindi man nag
"Are you ready for me, cupcake?" Nang-aakit na tanong sa akin ng asawa ko habang dahan-dahan siya na papunta sa akin sa may kama. "Handa ka na ba, Misis Jarvis, sa magdamagan na mangyayari sa atin ngayon honeymoon natin?" "Paki-ulit mo nga ang sinabi mo." Utos ko sa kan’ya habang pilit na pinipigil ang ngiti na nais na kumawala sa akin. Pinagtaas-baba niya ang kilay niya habang nakakagat-labi pa, tinapunan niya ang kabuuan ko ng malalagkit na tingin saka inulit ang sinabi niya kanina na, "Handa ka na ba sa honeymoon natin? Handa ka na ba na mapuyat at mapagod?" Napasimangot ako habang umiiling-iling pa sa kan'ya, kaya naman nagsalubong ang kilay niya sa akin. "Hindi iyan ang pinapa-ulit ko. Ulitin mo ang sinabi mo kanina, ‘yun isa." Bahagya siya na natigilan sa paglapit, saka na naman na nangunot ang noo niya sa akin. Panandalian siya na nag-isip, then he smiled sweetly at me as he seductively tried to reach me again. "Are you ready for me, Mrs. Jarvis?" And a genuine smile swept
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments