Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 46 Part 1“Kung alam ko na lang na darating ako sa puntong kailangan kong gawin ito, nag practice na sana akong magnakàw sa mga safes ni papa noon,” pabirong wika ni Jacob habang iniisip kung paano niya bubuksan ang unang safe na nasa harapan niya.[“Alin ba ang uunahin mong buksan sa dalawa? ‘Yong digital lock safe o ‘yong biometric safe?”]“Hindi ko nga alam, Jett. Ang lamig-lamig dito sa loob pero heto ako, naliligo na sa pawis.” Pinahid ni Jacob ang butil-butil na pawis sa kaniyang mukha.[“Ikaw ba naman ang umiwas sa mga lintík na laser light beams na ‘yan eh, ewan ko naman kung hindi ka pagpawisan.”]“Nagagawa mo pa talagang ano, Jett? Sabagay, nakaupo ka lang naman diyan habang pinapanood ang mga kilos namin.” Tinitingnan ni Jacob nang halinhinan ang dalawang safe.[“Hoy, akala mo ba madali ang ginagawa ko? Mas kinakabahan pa nga ako sa inyo eh! Kaunting lingat ko lang sa isa sa mga monitors dito, mapapahamak na ang sinuman sa in
Terakhir Diperbarui : 2024-09-30 Baca selengkapnya