Cold Nights with my Billionaire HusbandKabanata 36**Before the encounter happens**Pinagmamasdan ni Freya ang natutulog na si Yael habang hinahaplos-haplos niya ang buhok nito. Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang kaniyang asawang si Jacob. “Kumusta na kaya siya? Nasaan na kaya siya ngayon?” bulong niya. Napatingin siya sa may pintuan nang bigla iyong bumukas.“Anak, ako na muna ang bahala kay Yael. Hinahanap ka ni Ivana. Bumaba ka na muna roon,” ani Rhea habang naglalakad sa kinaroroonan nina Freya at Yael.Hinalíkan ni Freya sa noo si Yael at saka dahan-dahang tumayo. “Sige po, inay, para makapagpahinga na rin po muna kayo.”Niyakap muna ni Rhea ang kaniyang anak bago tuluyang nahiga sa tabi ng kaniyang apo. Napahikab siya. Magdamag siyang gising kagabi kaya antok na antok na rin siya.“Bababa na po ako, inay. Matulog na po muna kayo riyan.” Marahang isinara ni Freya ang pinto at dali-daling bumaba para harapin si Ivana. Matagal na panahon na rin kasi silang nagkikita. Ang hul
Last Updated : 2024-09-21 Read more