"Mommy, okay na po kaya si senior?" nag-aalalang tanong ni Yael. "Magiging okay na siya anak dahil sinagot na agad ni Lord ang panalangin natin kanina," tugon ni Freya. "Ang galing naman po." Huminto sa paglalakad si Yael. Hindi siya napansin ni Freya kaya dire-diretso siya sa paglalakad. "Mommy, sigurado akong ipinagdasal mo rin po noon si daddy. Bakit po hindi sinagot ni Lord ang prayers mo noon?" kunot-noong tanong ni Yael. Nilingon ni Freya si Yael at lumakad pabalik para lapitan ang kaniyang anak. "Anak, hindi lahat ng prayers natin ay natutupad," sagot ni Freya. "Bakit po mommy?" "Minsan kasi anak, iba 'yong nais nating mangyari sa kalooban ni Lord. Halimbawa, pangarap kong maging doktor noon pero dinala ako ni Lord sa mundo ng business. May plano tayo pero mas maganda pa rin ang plano Niya sa atin. Lahat nang nangyari, nangyayari at mangyayari sa buhay natin, lahat iyon ay may dahilan," paliwanag ni Freya. "Eh 'di ba po tayo naman ang nagdedesisyon sa buhay natin? Halimba
Terakhir Diperbarui : 2022-10-12 Baca selengkapnya