All Chapters of One Night Love (Tagalog): Chapter 41 - Chapter 50
163 Chapters
Kabanata 40
Maingat na naglakad ang batang katulong papunta sa kuwarto ni Ivana. Ibinigay sa kaniya ni Diana ang duplicate key ng room nito. Dating silid ni Diana ang tinutuluyan ngayon ni Ivana kaya mayroon siyang duplicate key rito. "Ma'am Ivana, sorry po sa gagawin ko," sabi ng batang katulong habang nanginginig ang mga kamay na binubuksan ang silid. Marahan niyang iniawang ang pinto. Tumingin muna siya sa paligid bago siya tuluyang pumasok sa silid. Nakahinga siya nang maluwag nang makapasok na siya sa loob. "Lord, gabayan niyo po ako. Hindi naman po siguro pagnanakaw ang gagawin ko dahil babawiin ko lang naman po ang gamit ni Ma'am Diana," wika ng batang katulong. Mabilis na ikinandado ng batang katulong ang pinto. Bumuntong hininga siya. "Sobrang lawak talaga ng bawat kuwarto rito sa mansyon. Mas malaki pa ito sa buong bahay namin. Sana balang-araw ay maipagpagawa ko rin ang magulang ko ng ganito. Kahit kalahati lang sana ng sukat nito." Dali-daling binuklat ng batang katulong ang baw
Read more
Kabanata 41
"Malapit na ba tayo sa mansyon?" nakangiting tanong ni Freya. Ang totoo, hindi siya excited para sa event. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may kaunti pa ring kirot sa bandang dibdib niya. Tumango si Jackson pero hindi siya napansin ni Freya dahil may iniisip ito. 'Hindi naman na 'to bago para sa'yo Freya, 'di ba? Hindi ito ang unang beses na pinili niya si Ivana. Alam mo naman noon pa man na siya talaga ang greatest love ni Jacob. Alam mo rin na siya ang wife material ng ama ng anak mo. Maging masaya ka na lang para sa kanila. Mayroon ka namang Yael. Sapat na siya para maging masaya ka. Sapat na ang pagmamahal niya para magpatuloy sa buhay. Kaya mo 'yan Freya! Kaya mo 'yan!' Kinulbit ni Jackson si Freya. "Kanina pa kitang tinatawag. Hindi mo naman ako pinapansin. Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Share mo naman!" komento niya. "Ah hehe. Sorry ha. Malapit na pala tayo. Iniisip ko lang si Yael. Sana tulog na siya sa mga oras na ito," ani Freya. Nahihiya siyang aminin kay Jackson
Read more
Kabanata 42
"Papa, anong …""Hindi nakalista ang pangalan ni Freya sa guest list. Hindi pa ba malinaw iyon sa inyo? Bakit kailangan niyo pang gumawa ng eskandalo sa mismong pamamahay ko?" gigil na turan ni Don Vandolf.Tumawa nang pagak si Jackson. "Papa, ikaw mismo ang nag-imbita kay Freya. What the fuck is going on? All of a sudden hindi na siya invited?" aniya."Jackson Gray, kung gusto mong masaksihan ang engagement party ng kapatid mo, iwan mo ang babaeng 'yan sa labas ng mansyon!" sabi ni Don Vandolf.Ang kaliwang kamay ni Jackson ay inilagay niya sa kaniyang bewang habang ang kanang kamay naman niya ay nagkakamot ng itaas na parte ng kaniyang labi."Hindi ko iiwan si Freya. Tell me papa, bakit nagbago bigla ang pakikitungo mo sa babaeng gusto ko? Dahil ba narealized mong mahirap lang siya o dahil may anak na siya?" seryosong turan ni Jackson.Umiling si Don Vandolf."Jackson, tama na. Papa mo siya. Hindi mo dapat siya pinagsasalitaan ng ganiyan. Okay lang naman ako eh. Uuwi na lang nga ako
Read more
Kabanata 43
"Love, may hinihintay ka bang tawag? Bakit kanina ka pang tingin nang tingin sa cell phone mo?" tanong ni Ivana habang naglalagay ng lipstick sa kaniyang labi."May hinihintay lang akong email galing kay Jun, love," tugon ni Jacob.Pinaglapat ni Ivana ang kaniyang itaas at ibabang labi. "Perfect!" Lumakad siya palapit kay Jacob na ngayon ay nakaupo sa kama. "It's my first time seeing your room. Ganito pala ito ka-engrande." Hinawakan ni Ivana ang necktie ni Jacob. Binitiwan ni Jacob ang kaniyang cell phone. Napatuon ang kaniyang mga kamay sa kama."Love, don't tell me?" Jacob said seductively.Mas inilapit pa ni Ivana ang kaniyang mukha sa mukha ni Jacob. Pinaglapat niya ang kanilang mga ilong at pagkatapos ay mabilis na dinampian ng halik ang leeg ni Jacob."Let's do it after the party, love. Hinihintay na tayo ng mga bisita sa baba," bulong ni Ivana.Napapikit si Jacob. Naramdaman niya ang pagtayo ng bagay sa pagitan ng kaniyang mga hita. Hinapit niya sa bewang si Ivana at hinalïka
Read more
Kabanata 44
"Patawad po senior. Hindi … Hindi ko po sinasadyang masagi ang hawak niyong kopita. Pasensya na po talaga," nakayukong sambit ng batang katulong. Nagkatinginan sina Rhea at Yvette. Huminga nang malalim si Don Vandolf. Tumingin siya sa paligid. Pinagtitinginan sila ng lahat. He plastered a fake smile. "Don't worry, hija. It's okay. Hindi naman ako nasugatan. Sa susunod, mag-iingat ka ha. Paano kung hindi ko kasing bait ang magagawan mo ng gan'yan?" aniya. "Pasensya na po talaga senior. Hindi na po mauulit," sabi ng batang katulong. Nakayuko pa rin siya hanggang ngayon. Agad na lumapit sa table nina Don Vandolf ang head ng mga katulong at niligpit ang basag na kopita. Pinalitan din agad ng mga kasamahan nito ang table cloth. "Bumalik ka na sa area of responsibility mo, hija. Magsisimula na ang party," utos ni Don Vandolf. Nginitian niya sina Rhea at Yvette. "Sobrang bait at humble mo pa rin talaga, Don Vandolf. Isa 'yan sa maraming rason kung bakit ka patuloy na pinagpapala eh," tu
Read more
Kabanata 45
Binuhat ni Jackson ang natutulog na si Yael papunta sa kuwarto. Dinaanan nila ito sa bahay ni Rian bago dumiretso sa bahay nina Freya."Maraming salamat sa paghatid mo sa amin, Jackson," nahihiyang sambit ni Freya. Pinagtag-op niya ang kaniyang mga kamay na nakakubli sa kaniyang likod."Maliit na bagay. Okay lang ba kayo rito?" tanong ni Jackson. Iniikot niya ang kaniyang mga mata sa loob ng bahay nina Freya."Safe naman kami rito," tugon ni Freya.Lumakad si Jackson papunta sa may pintuan. Tiningnan niya ang kandado ng pinto. "Sira na pala ang lock ng pinto niyo eh," aniya.Napakamot sa kaniyang ulo si Freya. "Napaglaruan kasi 'yan ng kalaro ni Yael. Papalitan ko na lang bukas. Nawala na sa isip ko eh hehe," sagot niya."Paano kung may biglang dumating na magnanakaw o kaya naman ay mga masasamang loob na may maruming hangarin?" nag-aalalang tanong ni Jackson."Huwag kang mag-alala, kaya naman naming protektahan ang mga sarili namin. At saka, 'yan oh may kawayan. Inilalagay ko 'yan di
Read more
Kabanata 46
"Tonight is a very special night for us." Niyakap ni Jacob si Ivana at hinalïkan sa noo. "I am grateful to have her as my fiancee. She's my lucky charm. Ever since she came into my life, the universe gave me a lot of wonderful things. Is it okay if I tell you a story?" Jacob asked.Nagsigawan ang mga tao sa paligid. "Yes!"Inalalayan ni Jacob si Ivana sa kaniyang pag-upo. Tumikhim siya at humingi nang malalim. He will tell the crowd how he met the love of his life."Our first meeting was extraordinary. Would you believe me if I say na she's my real life Darna?" Jacob said.Tumingin si Jacob sa nakaupong si Ivana at saka tumingin sa madla. Kaniya-kaniyang reaksyon ang mga tao. Umugong ang mga bulungan.Ivana plastered a fake smile. 'Don't tell me, ikukuwento niya 'yon?' ani ng isip ni Ivana."She walked into my life when I was at my breaking point. I was still a child, back then. Namatay ang mama ko noon dahil sa sunog. I … I failed to save her. I was crying my heart out that time. Sin
Read more
Kabanata 47
"Diana, Don Vandolf, we have to go. Something urgent came up," Rhea said as she stood from her seat."Hindi ka ba pwedeng mag-extend kahit five or ten minutes? You will miss the highlight of the night!" ani Don Vandolf."I would love to but we really need to go. Pasensya na kayong dalawa ha. Please congratulate Ivana and Jacob on our behalf." May kinuha sa kaniyang bag si Rhea at iniabot iyon kay Diana. "Kindly give this to your brother, hija. It's my present for them," nakangiting sambit ni Rhea."Sige po. Ako na po ang magpapasalamat on my brother's behalf. Ingat po kayo," nakangiting turan ni Diana."Nice meeting you again." Nakipagkamay si Rhea kina Don Vandolf at Diana. "Yvette, tumayo ka na riyan. We have to go," aniya."Mama, hindi po ba natin hihintayin ang highlight of the night?" kunot-noong tanong ni Yvette.Umiling si Rhea. "Get up. Let's go."Habang naglalakad palayo sina Rhea at Yvette ay abang na abang naman si Don Vandolf sa sunod na lalabas sa screen. Nagkaroon pa ng
Read more
Kabanata 48
Nang matapos ang pagkanta ng Asia's Songbird, isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa mansyon ng mga Gray. Ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa screen sa unahan. "Love, ikaw ha! May pa suspense ka pang nalalaman!" maarteng turan ni Ivana. Hinahampas-hampas niya nang marahan si Jacob sa dibdib nito. Ngumiti ng peke si Jacob. Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Love, a-ano kasi eh …" Hindi niya masabi kay Ivana na pati siya ay kinakabahan at nae-excite na rin sa susunod na mangyayari. "Hmmm? Spill it love. I can't wait any longer," nakangiting sambit ni Ivana. "You're the prettiest star tonight, love. Let's make each other the happiest people on earth, later," Jacob whispered. Nakiliti si Ivana sa init ng hininga ni Jacob. His breath smells so good that she wants to kiss him torridly. "Ikalma mo Jacob ha. Mamaya mo ibuhos lahat ng gigil mo sa akin," natatawang sambit ni Ivana. "Oo love. Panggigigilan talaga kita after nitong party," pagsang-ayon ni Jacob. "Buong katawan mo, ti
Read more
Kabanata 49
Papikit-pikit na naglalakad si Freya papunta sa direksyon ng banyo. Gulong-gulo ang kaniyang buhok at may kaunti pa siyang tuyong laway sa tabi ng kaniyang labi. Hinahaplos-haplos pa niya ang kaniyang tiyan habang nag-aalis ng kaniyang muta. Binuksan niya ang pinto ng banyo at pumasok na roon."MU-MULTO! MULTO!" sigaw nang umíihing si Jackson. Mabilis niyang itinakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga mata. Tanging briéf lang ang suot niya ngayon dahil katatapos lang din niyang maglinis ng kaniyang katawan.Dahan-dahang hinawi ni Freya ang buhok niyang nakalaylay lahat sa unahan. Nang makita niya ang hubad-barong si Jackson ay napasigaw rin siya."Aaaahhhh! ANONG GINAGAWA MO RITO SA BANYO?" tarantang sigaw ni Freya. Agad siyang tumalikod kay Jackson. Naubos ang natitira niyang antok dahil sa nangyari.Inalis ni Jackson ang kaniyang mga kamay na nakatakip sa kaniyang mga mata nang mabosesan niya si Freya. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang pants at sando sa sampayan at isinuot an
Read more
PREV
1
...
34567
...
17
DMCA.com Protection Status