Chapter 2 “HOY, TULALA ka na naman! Baka makita ka ni Madam diyan. Mapagalitan ka pa.” Dala ni Tina ang wala nang laman na bucket ng yelo nang lumapit siya sa akin. Kagaya ng lagi naming suot, isang tube top at short shorts ang suot niya ngayon. Kita na ang halos kalahati ng dibdib niya lalo na nang bahagya siyang yumuko sa bar counter. “Sumasakit na naman ba ang ulo mo?” Biglang may pag-aalala sa boses niya. “’Di ka na sana pumasok, Coreen. Maiintindihan naman siguro ni Madam kung a-absent ka muna.” Inirapan ko siya bago ako nagpakawala ng buntong-hininga. “Ayos lang ako. Kaya ko naman.” Saka hindi ako ligtas doon sa apartment ko. Gusto ko sanang idugtong iyon, pero pinili ko na lang na itikom ang bibig ko. Simula nang gabing iyon, pakiramdam ko ay parang may palagi nang nakasunod sa akin. Na parang may laging nakamasid sa bawat kilos ko. Parang palaging may nakaabang na panganib. Gusto ko sanang isipin na guni-guni ko lang iyon pero noong nakaraan lang, nakumpirma kong totoo ng
Magbasa pa