ITINAAS ko ang aking kamay at umidak ayon sa saliw ng tugtugin, inilagay ko ang aking isang kamay sa aking dibdib at gumiling ng gumiling. Sanay na akong sumayaw sa lahat ng tao, lalo na sa harapan ng mga kalalakihan. Noong una siguro naiilang ako, pero ngayon ay parang sanay na sanay na ako.Pumunta ako sa may poll at umakyat doon. Lumiyad ako, habang nakahawak ang kamay ko sa poll. Pagkatapos ay bumaba ako.Dumako ang tiningin ko sa isang lalaki sa sulok ng club na ito, alam kong kanina pa niya ako tinitignan. Dahil ramdam ko ang init ng mga titig nito sa akin. Bumaba ako, habang sumasayaw. Dahan-dahan akong pumunta sa gawi ng lalaki, sumayaw ako sa harapan nito at gumiling-giling, nakasandal sa ang lalaki sa sofa na inuupuan nito at nakadipa ang mga kamay.Nakatingin ito ng matiim sa akin na para bang gusto kong hablutin at ikulong sa matitigas nitong braso. Humarap ako sa kanya at umupo sa kandungan niya. Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip at ginawa ko iyon, di ko naman gi
Read more