Winson POVHinayaan ko muna si Jam na samahan si Devi na kumain, hindi pa kasi ito kumakain simula ng sunduin siya namin sa kanilang bahay. Saksi ako sa kung paano siya madurog ng malaman niyang wala na ang kaibigan ko, halos mabaliw siya kaya hindi siya namin magawang iwan.Kahit ako hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na ang kaibigan ko. Simula bata pa ay magkaibigan na kami ni Clark kaya hindi ako makapaniwala na wala na siya. Mahirap sa parte ko dahil nasanay akong kasama ko siya palagi, magkaklase din kami. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nangyayari dahil nasanay ako sa presenya niya at ngayon ay wala na siya.He's like a brother to me, halos hindi na nga kami mapaghiwalay na dalawa. Madalas nga ay napagkakamalan pa kaming magkapatid na dalawa lalo na 'yong mga taong hindi alam na magkaibigan kami.Umupo ako sa tabi ng kanyang lapida at ngumiti ng malungkot. "Ang daya daya mo, ang gago gago mo. Mang iiwan ka lang naman pala hindi ka pa nagpaala
Read more