All Chapters of Mafia Ang Nabingwit Ko: Chapter 21 - Chapter 30
69 Chapters
Kabanata 21
“Walang tawad diyan?” Ngumisi ako sa tindera ng bulaklak. Napaismid siya.“Si Ma'am talaga. Mukhang yayamanin naman iyong asawa niyo. Tatawad pa talaga.” Sinulyapan niya si Hades na nakapamulsa sa unahan.“Mukhang mayaman lang yan pero butas din bulsa niyan,”bulong ko sa kaniya.“Si ma'am talaga. Ang mahal-mahal ng suot, oh. Mukhang mamahalin ang damit.”Pinanlisikan ko ng mata si Hades no'ng maglabas ng mamahaling cellphone. May sinagot itong tawag pero kunot noong binaba noong makita akong nanlilisik ang mga mata sa kaniya.Dumedeskarte ako dito para makamura, e. Tapos siya diyan nagpapahalata.“Ayon. Latest na íphóne 'yon, 'di ba? Ang mahal-mahal no'n-”“Uso installment ngayon, 'no! Hello? First time mo ba sa earth?”agad kong sansala. Napabuntong hininga ako. “Kung ayaw mong magpatawad, sige 'di bale na lang. Sayang ibibigay ko pa man din sana 'yan sa Papa ko. Makakalaya na kasi siya mamaya, welcome gift ko sana.”Kumunot ang noo niya. “Nakulong Papa mo, ma'am? Anong kaso?” Aba!
Read more
Kabanata 22
Gaya ng gusto ni Ma'am Olga. Bumisita ulit kami doon. Nag-bake kami. Tinuruan niya ako at maayos naman ang takbo ng usapan namin. Minsan pumapasada sa kusina si Obrey para tarayan lang ako.“Obrey, honey. Come here. Subukan mo itong niluto namin. I think it's fine but-”“You thinks it's fine, right? So be it. That's fine. Kailangan pa ba ako diyan? At isa pa, wala akong ganang makipagplastikan sa isa diyan,”sansala ni Obrey sa sasabihin pa dapat ng Mama niya.Nilampasan niya kami sa kusina at padabog na umakyat. Kita mo iyong isang 'yon. As if naman na gusto ko ring makipagplastikan sa kaniya. The feelings is mutual, 'no!“What did you say- Oh, my God, Obrey! Come back here!” Gusto pa yatang sundan ni Ma'am Olga ang anak niyang ulíkba.Pero di na siya pinakinggan ni Obrey. Kung ako mama no'n tapos ginanon ako? Naku! Papaluín ko ng hanger 'yon sa pwèt.“Sorry sa inasta niya. Gano'n talaga siya.” Nagpaliwanag agad si Ma'am Olga pagkababa niya.Ayaw pa kasing aminin na ampon niya lang ang
Read more
Kabanata 23
Wearing a cream color casual dress. Bumaba ako para salubungin sa baba si Mrs. Mondejar. Mas nauna siyang dumating na 'di ko inasahan. Hindi ko inakalang maaga siyang darating dito sa bahay.Pinilit kong ngumiti sa pagbaba ko. She's busy with her phone nang maabutan ko sa sala. Agad siyang tumayo nang makita ako.“Hija, hello!” Agad siyang bumeso sa akin. Maayos akong nakipagbeso sa kaniya.Agad niyang hinagod ng tingin ang katawan ko at ngumiti. “You look fine my Dear!”“S-Salamat po.” Alanganin akong napangiti. Hindi ko naman kasi forte ang makipagplàstikan. Hindi ko lang inasahang ganito siya kagaling sa ganitong bagay. Plastic as it finest talaga. Mas mabuti pa nga yata si Obrey, e. Kasi hindi niya tinatago ang totoong ugali niya. Di tulad dito sa Mama niya.“Let's go?”Deretso kami sa coffee shop na tinutukoy niya. Unang pasok sa lugar ay amoy mo agad ang bango sa paligid. Nakaupo ang mga mayayamang costumer sa kaniya kaniyang pwesto. At may reservation kami.Nalula ako sa mga
Read more
Kabanata 24
“Magkano dito?” Nagtanong iyong babaeng naka-heavy make-up kahit tanghaling tapat. Akala mo pók-pók na naabutan ng umaga.Pinisil niya iyong talong na kanina lang ay tinuro niya. Makapisil naman 'to akala mo pumipisil ng bayàg. May pwesto ako dito sa palengke. Iyong nakuha kong pera kay Hades ay binili ko ng pwesto dito sa palengke. Ito na rin ang bumubuhay sa amin ngayon. Kung anu-ano na lang ang binebenta ko dito. Isda, karne, gulay, tuyo. Basta ba alam kong makakabawi ako sa puhunan ko. “40 isang kilo.” Nagpatuloy lang ako sa paghihiwa ng gulay na gagawin ko ring sari-sari. “Ang mahal naman. Iyong sa kabila 30 na nga, e.” Napanguso ako. Bakit di siya doon bumili? Total mura naman pala doon. Paano ko mababawi ang puhunan ko kung isasagad ko pa ang presyuhan ko? “Huwag na nga lang.” Bumusangot pa iyong babae. Pagkatapos niyang pisil-pisilin ang mga paninda ko. Lalayasan na lang ako bigla ng gano'n na lang? “Hello my loves.”Nagulat ako nang biglang sumulpot si Waldo. Nakangisi
Read more
Kabanata 25
“Oh ba't kunti lang ang kinain mo?” Ilang subo pa lang iyong nakita ko tumayo na agad si Tinay. Aba! Hindi 'yan pwede. Ako ang mag-o-overthink ng malala sa palengke kapag nagutom 'to.“Mama, dalawang pinggan na iyong naubos ko puputok na tiyan ko.”“Paanong hindi puputok? Kanin at ulam ang pinapakain ko sa'yo hindi iyong pinggan. Iluwa mo iyong pinggan na'tin!”Bumusangot siya. Di na mabiro 'to. Mana talaga sa ama na seryoso. “Oh, siya. Huwag mong kakalimutan ang payong, ha. Mahal bili ko diyan,”paalala ko sa kaniya. Umuulan kasi ngayon. Pahirapan na sa byahe papuntang palengke. Bumili lang ako ng payong para sa anak ko. Kaya ko naman ang sumugod sa ulan. Humihina kasi ang benta ko nitong nagdaang buwan. Kaya di ako pwedeng gumastos sa kung anu-ano. Kung ikukumpara ang tindahan ko sa mga katabi kong tindahan sa palengke. Mas malaki iyong sa kanila. Iilang suki lang ang bumabalik sa akin para bumili. Pinupuntahan lang ako ng iba sa pwesto ko para mangutang. Hindi ako makabawi agad
Read more
Kabanata 26
Umiyak ang anak ko kahapon nang malaman niyang nagising na ako. Kahit no'ng sumakay na kami ng trysikel pauwi ay yakap-yakap pa rin ako na akala mo mawawala ako sa kaniya. Napangiti ako. Mahal na mahal talaga ako ng anak ko.“Sana hindi ko na lang dinala ang payong. E di sana di ka nagpa-ulan.” Sinisisi niya pa ang sarili na parati ko namang binabara. Masiyado niyang dinibdib ang nangyari.“Ayos na ako.” Parati kong sabi sa kaniya. Nag iwan ng tatlong libo si Tiyang sa akin. Pinag-grocery niya rin kami ng mga kailangan namin. At isang napakalaking ginhawa niyon sa amin.“Oh, magpahinga ka muna. Kahit tatlong araw lang. Baka mabinat ka pa. Pag-isipan mo ang offer ko, ah.” Bago umalis si Tiyang ay iyan ang bukambibig niya. Napaisip na nga rin ako na ibenta na nga ang pwesto ko sa palengke at iiwan ang bahay na ito para may balikan naman kami balang-araw. Hindi ko ibebenta ang bahay ko at lote. Sayang din.Hindi na muna ako nagbukas ng pwesto ko sa palengke after one week. Wala pa akong
Read more
Kabanata 27
Siguro nga ay iniisip niya nang patày na talaga ako kasama ng anak niya. Sino ba siya? Sino ako sa kaniya? Oo nga pala. Isa lang akong kasangkapan para makuha niya ang titulo bilang mafia. Wala naman sa akin ito noon, kahit pa sinabi niyang ayos lang sa kaniya na wala siyang anak. Na hindi niya makuha si Kristine sa akin. Hindi big deal sa kaniya ni hanapin ang anak niya o alamin kung totoo nga bang namatày kami ng anak niya. Sa simula pa lang ay wala na kaming kwenta sa buhay niya. Kaya ano pa ang silbi kong sasabihin naming buhay kami? Kahit ano ang gawin nina Obrey sa amin ay hindi siya makikialam. Baka nga tutulong pa siya kina Obrey.“I'm doing this in behalf of Hades. Kadugo ko pa rin ang anak mo. Malaki ang utang na loob ko kay Hades. Pero may naibigay man siya sa akin o wala. I will do same, Lurena. Poprotektahan ko kayo kahit hindi niya sabihin.” Iyon ang huling sinabi ni Harry bago niya ako iniwan sa side walk. Mananatili siya sa paligid. Hindi siya babalik sa syudad hangg
Read more
Kabanata 28
“Alam mo po? May manliligaw si Mama doon sa amin. May búngal tapos kalbo. Tapos iyong isa payat na parang langaw. Alam mo po ba? Ikaw lang iyong gwapo sa lahat. Hindi ko talaga alam kung bakit lapitin ng pangít si Mama. Siguro isinumpa siya.”Tapos sinundan ng tawa ng lalaki. Ang aga-aga iyong boses ng anak ko ang maririnig ko. Nakakapagtaka kasi tahimik ito sa ibang tao. Pero ang daldal niya ngayon.Sino naman kaya ang kausap niya? Lumabas ako. Kagigising ko lang. Pagod ako kagabi. Nag-overtime ako sa pag-a-arrange ng mga gamit. Nilinisan ko pa ang buong bahay dahil parang haunted house ito nang dumating kami. Sana lang walang multo dito. Kaya ko pang makisama sa tsismosa kaysa naman multo.Tapos ngayon may kakausap sa anak ko ng ganitong oras? Sana naman tao iyong kausap niya, 'no? Baka kasi nakikipag-usap na iyon sa nilalang na 'di nakikita, e. Dali-dali akong bumaba at naabutan ko sa sala ang malaking lalaki na naka-upo sa rattan na upuan. Alam ko na agad kung sino ito. Bakit na
Read more
Kabanata 29
Wala na ba talagang ibang lugar para sa'min ng anak ko? Kahit saan na lang nandoon ang gulo? Lumayo na nga ako para umiwas. Ba't parang sinusundan pa rin kami? Nakabusangot kong binalingan si Harry. Nasa sala sila kasama niya si Tinay na naglalaro no'ng lato-lato na binili nila kanina. Ayoko pa rin na sumama sa kaniya. Hindi niya ako agad-agad mapapayag diyan sa desisyon niyang 'yan. Pinsan niya si Hades. Malay ko bang pinapasakay niya lang ako sa mga kwento niya para sumama kami sa kota nila. Blood is thicker than water pa rin.Magtatago na lang kami dito sa Nieves. Hindi naman siguro hahalughugin ni Hades ang buong Nieves para hanapin kami. Tsaka, imposible rin iyon. Wala nang pakialam sa amin ang lalaking 'yon. Nagpakasal na nga, e. Napabuntong hininga ako. Ba't parang nalulungkot ako? Muntik kong masapàk ang sarili ko. Aba! At bakit may palungkot-lungkot ka pa diyan?Umiling-iling ako at nilapitan sila sa sala. Namaywang ako at inangatan ng kilay si Tinay nang mapabaling siya sa
Read more
Kabanata 30
Kailan ba siya aalis? Magtatagal ba siya sa Nieves? Kung magpapatuloy siya doon baka malaman niyang nandito kami. At ano ba ang ginagawa niya dito? Bakit sa layo nitong lugar ay narating niya pa talaga ito?“Lurena!” Boses iyon ni Harry.Dahil sa malalim na iniisip ay hindi ko na namalayan ang presensya ni Harry na nasa labas ng bahay. Gulat na gulat siya at hindi alam kung lalapit ba sa amin. Pero kalaunan ay nilapitan nga kami para alalayan ako.“Pumunta tayo ng hospital. Ano ba kasi ang nangyari?” Gusto ko sanang magsalita pero naunahan ako ng anak ko.“Iyong gagó na driver ng kotse na iyon binunggo ang mama ko. Hindi naman siya taga-rito sa Nieves, e. Kung bakit pa talaga siya hinahayaang magpunta dito. Ang mga tàtanga-tanga na mga tulad no'n ay di dapat pinapagala sa Nieves,”lintanya ni Tinay. Unang sabak pa lang sa usapan ay di na magandang feedback kay Hades ang agad binungad ni Tinay sa tiyuhin. Halata naman na wala talaga siyang masasabing maganda kay Hades ngayon dahil sa
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status