Matapos ang honeymoon, mas naging malambing si Jacob kay Yumi — mas maingat, mas mapag-alala, mas tahimik pero naroon lagi. Hindi niya sinasabi ang "mahal kita," pero ramdam ni Yumi sa bawat haplos, sa bawat kilos, na unti-unti, may namumuong lalim sa pagitan nila.Isang umaga, maaga pa lang ay gising na si Yumi. Naka-upo siya sa may bintana, may hawak na baso ng gatas habang pinakikiramdaman ang marahang paggalaw ng sanggol sa sinapupunan niya. Tahimik ang paligid. Ang liwanag ng araw unti-unting pumapasok sa loob ng bahay.Pagkalipas ng ilang minuto, narinig niya ang mga hakbang ni Jacob. Gising na rin ito. Habang tulog pa ang panganay nilang anak na si Jabez.May dala itong kumot at vitamins niya. “Maaga ka na namang nagising,” aniya habang marahang isinapin sa mga binti niya ang kumot.“Hindi na rin kasi ako makatulog,” sagot ni Yumi, bahagyang ngumiti. “Minsan si baby, minsan naiisip ko lang… ang bilis ng mga nangyayari.”Lumuhod si Jacob sa harap niya at marahang hinawi ang mga
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya