'Hindi man lang siya nagdalawang-isip bago siya mag-desisyon na iwanan ako!'Tumunog ang doorbell.Tumayo si Nathan, lumapit sa pinto at maingat na tinanong, "Sino yan?""Sa management ng apartment," sagot ng tao sa labas.Binuksan ni Nathan ang pinto at hindi na siya nag-isip masyado, biglang pumasok ang dalawang naka-plain-clothes na detective at sinubsob siya sa sahig.Bago pa siya makapagsalita, nalabas na ng mga detectives ang badges nila. "Ikaw si Mr. Hayes, 'di ba? Suspek ka sa nanghimasok sa isang filming crew's operation, napahamak mo ang iba, at may mga na-injured din sa ginawa mo. Sasama ka sa amin sa presinto para sa ibang imbestigasyon."Nagulat si Nathan habang nakakulong.Ilang reporters ang nasa labas nung lumabas sila ng apartment, lahat ng camera ay nakatutok sa kanya, at walang tigil na mga flash sa camera. Kaya, hindi mapigilan na tinaas ni Nathan ang kamay niya para takpan ang kaniyang mukha."Nathan, suspek ka raw sa panghihimasok sa props ng isang set at
Read more