Все главы Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter): Глава 11 - Глава 20
37
Chapter 11: Wallet
Sobrang sakit ng ulo ko ng nagising ako nitong umaga, sumobra yata ang inom ko kagabi dapat sana ay pang relax lang sana iyon. Napagtanto kong nilagay ko pala muli ang dati kong simcard sa cellphone ko kaya agad agad akong nagtungo sa sala dahil naroon ang cellphone ko. Paglabas ko ng kuwarto ay hawak hawak na ni Andrea ang cellphone."Mommy, bakit ang dami mong messages? Sino po si Boss baby A?" Nataranta ako bigla at inagaw ko kaagad ang cellphone mula sa kamay ni Andrea, agad tinanggal ang simcard at itinapon sa basaruhan na nasa kuwarto ko. Napagalitan ko pa, pero humingi rin ako ng pasensya sa anak ko, siguro nadala nanaman ako ng emosyon ko. Nagluto na ako ng agahan namin dahil maya maya ay magsimula na ang meeting namin. Kasulukuyang kumakain na kami, si Andrea ay nasa gilid ko while si Nico ay nasa tapat namin. Ngumunguso si Nico paturo kay Andrea, ibig niyang sabihin ay bakit raw nakasimangot at parang malungkot. Niyakap ko rin agad at sinabihang huwag na magtampo dahil
Читайте больше
Chapter 12: I'm Looking for Mr. Alexander
Alexander's Fuentes Pov: Damn! Bakit ba ganoon siya kagalit sa akin? Kahit ilang beses pa niya akong pagtabuyan, hinding hindi ako magsasawang pabalikin ang pagmamahal at tiwala niya sa akin kaso may anak at asawa na pala siya. Hanggang dito nalang ba ang aming relasyon?Mas lalong gumanda at tumapang si Thea ngayon. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya, she's wearing a black skirt na may slit kaunti and white office top at naka heels pa ito. She walk like a fierce woman, palaban at mukhang hindi na siya ang Thea na nakilala ko dati.Mukhang hindi niya alam na hindi ko pinakasalan ang babaeng pinili ni Mom para sa akin. Hinding hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino man, kahit na masakit, lalo na ngayong natunghayan mismo ng dalawa kong mata na may lalaki siyang kasama noong una naming pagkikita sa Mall. Bahala na, ang sa akin magkaroon nalang kami ng closure. Hindi ko kayang isipin na nagtatanim ng galit si Thea sa akin pero inaamin ko naman, kasalanan ko rin kung bakit sumam
Читайте больше
Chapter 13: Sampal at Sipa ang natamo ko
Alexander Fuentes Pov: Napalunok ako sa ginawa ni Thea, lumapit pa talaga siya sa akin? Nagkalapit pa ang aming mga mukha na siyang naging dahilan na napagmasdan ko ang kanyang mukha at labi. Matagal ko ng miss 'yan. Matagal na akong nananabik! Ang laki ng pinagbago ni Thea. Alam kong kaya niyang maging succesful sa buhay dahil sa kanyang angking sipag at talino. Dati pa niyang gustong mag trabaho sa opisina. Masaya ako kung anong naabot niya ngayon kahit hindi na ako kasama sa pag abot ng mga pangarap niya. --------- Thea Reyes Pov: "Ah! Tahimik lang?" Tumayo ako at kinuha ang laptop. "Akala mo hindi ko alam na ikaw ang i-meet ko ngayon? Gusto ko lang malaman kung nanadya kaba o sa business ba talaga ito? pero kahit ano paman, nandito ako para sa trabaho." Nilapag ko ang laptop sa lamesa niya at pinakita ang services ng aming kumpanya. I explained to him kung anong advantage kapag kukuha siya ng Social Media Marketing Team mula sa agency namin. Nagpatuloy lang ako pagsasalita
Читайте больше
Chapter 14: Andrea
Nagsimula na ang meeting at kinakailangan na ako ang mag report sa harapan. I'm wearing an above the knee skirt paired with color blue silk longsleeve and color black 2 inches heels. Napansin kong humahawak si Andrea sa tiyan niya kaya medyo nawawala ako sa fucos. Akala ko nagutom lang ngunit nag-iiba na ang reaksyon ng mukha niya. Nagulat akong nilapitan siya ni Alexander at lumabas sila. Alexander Fuentes Pov:"Hey, baby what's wrong with you? Masakit ba tiyan mo?" aniyaPapunta na sana kami ng clinic ng biglang napaupo na sa sakit ng tiyan si Andrea. "S-sir..." Humahagulhol na ito sa pag-iyak. "C-cr po. Gusto ko po mag c.r." Hindi ko na alam saan kami pupunta buti nalang natauhan ako at dinala ko si Andrea sa opisina. Nakakataranta naman talagang mag alaga ng bata, kailangan makuha mo ang damdamin nila.Pagdating sa opisina ay dali dali ko siyang pinapasok sa comfort room. "Baby, just call me kung kailangan mo ng tulong." Hindi ako mapakali, lakad dito at lakad doon. Tatawagi
Читайте больше
Chapter 15: Do What You Want!
Hinila na kami papuntang photoshoot room at wala na talaga akong nagawa. Kumuha agad sila ng mga same size sa aming tatlo. Napipilitan man pero iniisip ko ay parte narin ako sa kumpanyang ito dahil ako ang kanilang Freelancer Social Media Marketing. Hindi naman siguro masama kung tutulong ako lalo na't kailangan na nilang matapos ito ngayong araw para maipakita raw sa mga clients.Pagpasok ay agad kaming binigyan ng Family tshirt para sa unang photoshoot. Naiinis man ngunit kusang ang mga kamay at damdamin ang nag dedesisyon para masout ko ang tshirt na ito pati narin kay Andrea. Paglabas ng dressing room ay nagkasabay pa kaming lumabas ni Alexander. Lumulundag pa sa tuwa si Andrea at agad tumakbo kay Alexander. "S-sir, you look so handsome." Pangiting saad nito habang nakatingala sa kanya pero bigla itong umikot at nagtanong. "A-ako po s-sir? Do I look pretty po today?" "Y-yes, ang ganda..." Nauutal sa pagsagot ngunit napansin kong sa akin si Alexander nakatingin. Biglang ginula
Читайте больше
Chapter 16: I did THEA! Hinanap naman kita!
Napalingon ako sa narinig ko mula kay Alexander. Alam niya na hindi si Nico ang ama ni Andrea? Alam niya na nagsinungaling ako? Dahan dahan akong lumalapit sa kanya bumulong ako sa kaniyang kanang tainga. "It's none of your business." Umatras ako ng kaunti at hinarap siya. "Oo, inaamin kong nag sinungaling lang ako, tapos? Anong pakialam mo?" Kumunot ang noo ni Alexander at nanlilisik ang kanyang tingin sa akin. "Thea!!" pasigaw niyang sambit. Nag walk out na ako kaagad dahil napapansin kong nangingilid na ang aking mga luha ngunit pinigilan ako ni Alexander. "Nagsasalita pa ako! Sino ang tunay na ama ni Andrea?!" Napayuko na lamang ako at para bang hindi na ako makahinga sa kaba dahil tila'y galit na ito."W-wala ka ng pakialam tungkol dito Mr. Alexander, buhay ko naman ito." "Hindi eh, kaya ka ganiyan dahil puno ng tampo at sakit ang puso mo. Pwede bang isantabi mo muna ang lahat ng iyan? Alang-alang sa dati nating relasyon?" Oo, tama si Alexander. Puno nga ng sakit at ta
Читайте больше
Chapter 17: Forgive me, Thea.
Nagkatinginan kami ni Alexander sa aming narinig mula sa Mommy niya. Narinig niyang tinawag ako ni Alexander sa pangalan ko. "N-no, madam k-kaibigan-" Naputol ako sa aking pagsasalita dahil hinawakan niya bigla ang aking kamay. Hindi ko nakikitang galit si Madam, ang nakita ko ay pagsisisi sa kanyang mukha. "Thea, ikaw yan diba? Sorry! Sorry Thea," humahagulhol ito sa pag-iyak. "Please forgive me, pinarusahan na yata ako ng Panginoon dahil pinutol ko ang relasyon niyo ni Alexander. Sobrang sama kong Ina, akala ko ay kahit kamatayan ay madadala ko ang lahat ng yaman kaya gusto kong ipakasal si Alexander sa babaeng balang araw ay tagapag mana rin ng kanilang negosyo." Pumapatak na ang luha ni madam samantalang si Alexander ay napahilot nalang sa kanyang sentido. Umaalis ito at hinayaan lang muna kami rito na mag-usap. Muling nagsalita pa si Madam. "Pinarusahan na siguro ako ng Diyos. Hindi na ako makakita, hindi na ako makalakad ng maayos, at hindi na ako makapag patakbo ng negosyo
Читайте больше
Chapter 18: Pagmamahal
Nagkatinginan kami ni Alexander saglit. Shit! Hindi pwede to! Hinila ko siya palabas ng room namin. "Hinila mo ako dito sa labas? Ako ang nagbayad, tapos ako pa ang ipalabas mo? Woah, can't believe this, Ms. Reyes!" pang-asar nito. "Of course, Mr. Alexander. Baka ano pang isipin ni Andrea kapag dito ka matulog besides I already have a husband, nakalimutan mo na ba? Kaya please lang, watch your actions." Yumuko ito habang nakapamulsa. "Okay, sige. It's okay," aniya sa mahina niyang boses. Alexander Fuentes Pov: Husband? Hanggat wala akong nakikitang lalaking kasama niya palagi hindi ako susuko. I know about Nico, pinsan niya iyon. Nakalimutan niya bang kaya ko na ngayon mag utos ng mga tao? Hindi na ako katulad dati, ngayon na ako na ang nagpapatakbo ng sarili kong kumpanya naging mas responsable na ako ngayon sa aking bawat galaw. I'm 33 years old already, lagpas na ako sa kalendaryo kaya dapat lang na magtino ako. Hindi ko naman talaga balak tumabi sa kanila, even though Thea
Читайте больше
Chapter 19: Revelation
Napaupo nalang ako sa aking natunghayan, pero impossible naman na siya ang driver ng sasakyang iyon. Sobrang yaman niyang tao tapos ano? Namamasahero siya? Impossible naman. Nakita kong umaahon na sila ni Andrea kaya agad kong binalik ang wallet sa bag niya at nagmamadaling umalis para magpalit ng pangligo. I'm wearing a color white two piece at may color black see through na cover up. Hindi naman siguro nakakahiya magsout ng ganito dito dahil halos ang mga naliligo rito ay naka pang swimming attire rin. Nasanay rin ako sa ibang bansa na walang pakialaman ang mga tao. Pabalik na ako ng table namin, tanaw ko si Andrea na tuwang tuwa kay Alexander habang sinusubuan siya ng pagkain. Sa totoo lang nakakatakot rin na baka sobrang ma attach si Andrea sa Daddy niya, natatakot ako na baka tutol nanaman ang tadhana sa amin tapos masasaktan lang si Andrea kapag nalaman niya si Alexander talaga ang Dad niya. Kaya sa ngayon, hayaan ko munang mag bonding sila hindi ko na ilalayo ang anak ko sa
Читайте больше
Chapter 20: Donya Fuentes
Nagising ako na nasa loob na ako ng tent. Shit! Ano kaya ang nangyari kagabi? Pilit kong inalala ang mga nangyari pero wala talaga akong maalala. Masyado yata akong napainom ng marami. Bumalik na kami dito sa 5 Star Hotel para dahan dahan ng mag impake ng mga gamit. Flight narin namin agad mamayang 6:00 ng gabi. Alexander told me na kailangan naming makauwi na dahil parating na ang investor ng kanyang kumpanya. Bago kami pumunta ng airport ay dumalaw muna kami sa puntod ni Inay. Nagdala narin ako ng mga bulaklak para ibigay sa kanya. Hindi man nagtagpo muli ang aming landas ang importante ay nalaman ko na hindi niya ako basta basta lang iniwan. Kaya pala noong magkasama kami sa mansyon ay sobrang gaan ng pakiramdam ko habang nag-uusap kami. Papunta na kami ng airport since 2 hours nalang ay mag alas singko na ng hapon. Sobrang daming pinamili ni Andrea na mga key chain souvenier mula dito sa Cagayan De Oro. Nagkakasundo pa talaga sila ni Alexander. Hindi ko maiwasang mapagmasdan si
Читайте больше
Предыдущий
1234
DMCA.com Protection Status