Lahat ng Kabanata ng HER MISTAKE: THAT ONE NIGHT SHE CAN'T REMEMBER: Kabanata 51 - Kabanata 60
96 Kabanata
CHAPTER 49
"Bakit ka nandito?" Pag-uulit na tanong ni Hexy at hindi makapaniwala sa taong nakatayo sa kaniyang harapan."Eh, ate, ang sabi kasi ni Papa, maghanap daw muna ako ng trabaho habang bakasyon namin," sagot ni Harold.Napatingin naman si Hexy sa mga hawak niyang bag saka siya huminga nang malalim."Sige. Pumasok ka. Kaya pala tinatanong mo ako kung nasaan ako," wika niya saka tinulungan ang kapatid niyang ipasok ang mga gamit nito."Mahina ba ang puwesto ni Mama? Bakit ka tinutulak na naman ni Papa?" Kunot-noong tanong ni Hexy habang nakapamewang ang isa niyang kamay."Wala raw kasi akong ginagawa sa bahay, ate," kamot-ulong sambit ni Harold.Tumango-tango naman si Hexy saka ipinagpatuloy ang ginagawa."Puwede bang dito muna ako, ate?""Oo. Wala ka namang ibang pupuntahan dito. Tsaka delikado kapag mag-isa ka lang," sagot ni Hexy saka nagsalang ng paglulutuan.Tumango-tango naman si Harold saka tumayo at tumabi sa kaniya."Bukas na bukas ay tutulungan kitang maghanap ng trabaho. Kaso la
Magbasa pa
CHAPTER 50
Biglang dumating si Maverick at hindi na gumawa pa ng ingay saka sinunggaban ang isa sa kanila at nakipagsuntukan.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay sa gulat.Napatakip naman si Hexy sa kaniyang bibig habang pinapanuod ang kaniyang boyfriend na makipag-away para sa kaniya.Hinatak naman siya ni Harold saka umatras para hindi sila madamay."J-Joaquin," mahinang sambit ni Hexy nang makitang dumating din ito at tumabi kay Maverick."Mavs!" Sigaw niya nang makitang papalapit sa kaniya ang isang lalake. Agad namang nakailag si Maverick.Naluha naman si Hexy dahil sa takot at pag-aalala.Hinawakan naman siya ni Harold nang mahigpit sa kaniyang braso nang akmang lalapitan niya si Maverick nang makitang nasugatan ito sa kaniyang bibig."Ate, hayaan mo na sila," wika ni Harold. Naramdaman naman ni Hexy na pati siya ay nanginginig.Ilang minuto pa ang nakalipas ay parehong napagod sina Joaquin at Maverick habang nakahiga na sa kalsada ang mga nakaaw
Magbasa pa
CHAPTER 51
"M-Mavs, huwag dito," mahinang sambit ni Hexy saka napalunok nang makitang nakatingin si Maverick sa kaniyang hinaharap.Inilapit nito ang kaniyang mukha kay Hexy saka hinawakan ang baba nito para magkasalubong ang kanilang mga bibig.Napapikit naman si Hexy.Naramdaman niya ang paghinga ni Maverick habang hawak nito ang kaniyang likod na malayang nahahawakan ang kaniyang balat.Ngunit napatigil si Maverick nang may bumusinang sasakyan sa likod.Nagmulat agad ng mga mata si Hexy at sabay silang napalingon ni Maverick.Inilayo ni Hexy ang kaniyang sarili nang makitang may van sa likod. Mabuti na lang at hindi sila maaaninag dahil nasa gilid sila ng sasakyan at hindi masyadong maliwanag."Maverick, ano'ng nangyari?""Bigla na lang pong huminto, Papa," sagot ni Maverick.Agad na tumabi si Hexy kay Maverick at bumilis ang tibok ng kaniyang puso dahil natatakot siyang makita ni Maximus ang likod niya."Sumabay na kayo sa'kin. Ipapa-pick-up ko na lang ang sasakyan mo," wika ng ama ni Maveri
Magbasa pa
CHAPTER 52
Napahawak si Hexy sa kaniyang sikmura at namilipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakatadyak sa kaniya.Naluha siya sa sakit at napatingin sa lalake. Lima silang nakatayo sa harapan niya ngunit ang dalawang lalake ang mas malapit sa kaniya.Hindi pa man siya nakakarekobre ay sinampal naman siya nang malakas ng isa sa kanila. Dahil sa lakas ng sampal ay nasugat ang kaniyang bibig at dumugo iyon.Bigla siyang nanghina at hindi man lang nakapagsalita.Wala man lang tumulong sa kaniya dahil wala nang tao.Nakahiga siya sa sahig habang lumuluha."Hoy! Ano'ng ginagawa niyo?"Biglang may sumigaw na lalake habang papalapit sa kanila."Papalag ka?" Tanong naman ng nasa harapan niya. Hindi niya magawang lingunin kung sino iyon dahil hindi niya ito makilala.Mabilis namang lumapit ang lalake at nakipagsuntukan sa kanila. Narinig ni Hexy na may mga kasama rin ito."Hex."Narinig niya ang boses ni Joaquin at nagmadali itong lumapit sa kaniya.Hindi pa man nakakasagot si Hexy ay umayos na agad ito n
Magbasa pa
CHAPTER 53
Nanlaki ang mga mata nina Joaquin at Harold sa kanilang nakita. Napaatras naman si Hexy nang maihulog niya iyon. Napatakip siya sa kaniyang bibig at gulat na gulat habang nanginginig.Agad na hinawakan ni Harold ang kaniyang ate upang ilayo sa kahon.Napalunok naman si Joaquin at lakas-loob na lumapit."Mag-ingat ka, kuya," wika ni Harold.Tumango naman si Joaquin. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga manika sa loob. Nakita nilang may nakasulat doon kaya kinuha iyon ni Joaquin kahit nabahiran na ng dugo ang kaniyang kamay."A-Ano'ng nakasulat?" Kabadong tanong ni Hexy habang hawak pa rin siya ni Harold."Your relationship is broken, so it's time to destroy you too...in a painful way," basa ni Joaquin saka napatingin kay Hexy.Napalunok si Hexy at mas lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso."Wait. Paano nila nalamang hindi kayo okay ni Maverick? Bukod sa amin nina Shantal, wala nang nakakaalam. At pakiramdam ko naman ay hindi na tulad ng dati sina Rio," komento ni Joaquin habang nak
Magbasa pa
CHAPTER 54
Hindi nakapagsalita si Hexy at nakatingin lang siya kay Maverick habang nakaawang ang bibig at unti-unting pumapatak ang kaniyang mga luha.Ilang segundo silang natahimik na dalawa at tanging mga ingay lang sa paligid ang naririnig nila."B-Bakit?" Nanginginig na tanong ni Hexy habang nanlalabo na ang mga mata."I'm sorry, Hexy. We're not the same anymore. Gusto kong ibigay sa'yo ang lahat, kaso hindi, eh," sambit ni Maverick at biglang namuo ang luha sa kaniyang mga mata."Time mo lang naman ang gusto ko. Sige, kahit gabi lang tayo mag-usap, okay lang sa'kin," umiiyak na sabi ni Hexy.Umiling naman si Maverick."No, Hexy. You deserve the best. Ayokong ganito tayo.""Seryoso ka ba, Mavs? Kung kailan ang dami na nating pinagdaanan, ngayon ka pa bibitaw? Ngayon pa tayo matatapos?" Wika ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay."Gusto kong unahin muna ang lahat ng mga ginagawa ko ngayon, para maibigay ko ang lahat sa'yo. I love you, Hexy. But if loving me is giving you hard time, I'll le
Magbasa pa
CHAPTER 55
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Joaquin habang inaalalayan si Hexy papasok sa loob. Nagtamo lang ito ng gasgas sa kaniyang braso at nananakit ang kaniyang kanang hita dahil tumama iyon sa sementadong kalsada.Napapad*ing naman si Hexy habang naglalakad."Mabuti na lang at sinabihan ako ni Maverick na puntahan ka. Tapos nakita na lang kitang tumatakbo," dagdag pa ni Joaquin."P-Pasensya na sa abala. Nakita ko na naman kasi 'yong lalake. Hindi ako nakapagpigil kaya hinabol ko. Nawala sa paningin ko bigla, eh," sagot naman ni Hexy saka naupo sa harap ng locker.Agad namang kumuha ng bulak si Joaquin at ginamot ang mga gasgas niya."Huwag ka kasing padalus-dalos, Hexy. Maybe worse will happen to you next time," wika ni Joaquin.Huminga naman nang malalim si Hexy."Tapos na ba silang kumain?" Tanong niya."Yeah. Pero hindi pa sila umalis. Nandoon pa rin si Donna. Nagiging boses-pusa sa harap ni Maverick. Wait. I'll tell him what happened to you," saad ni Joaquin saka tumayo.Agad naman
Magbasa pa
CHAPTER 56
Habang nanginginig ang mga kamay ni Hexy ay itinigil muna niya ang panunuod ng video saka napahaplos sa kaniyang mukha at pilit na inaalala ang tagpong iyon, ngunit nabigo siya.Napakagat-labi siya saka ini-resume ulit ang video.Nakita niyang umayos siya ng upo sa video ngunit nakasandal ang ulo niya sa sofa."Do you know why I hate you?" Wika ni Vanessa.Napalunok naman si Hexy nang marinig ang sinabi ni Vanessa sa video.Umiling-iling naman si Hexy mula roon habang lumalabi."Haven't you noticed that I used to like Maverick? Kaya nga lumapit ako sa inyo noong kayo lang ang magkasama. I thought you only thought of him as a friend, but you're also an obstacle to my path," sambit ni Vanessa at bigla itong sumeryoso.Natawa naman si Hexy sa background nito."You know what, instead na maging balakid ka sa'kin, at baka may magawa pa akong masama sa'yo kapag hindi ko nagustuhan ang mga galaw mo, irereto na lang kita sa kapatid kong lalake," suhestiyon ni Vanessa.Kitang-kita naman ni Hexy
Magbasa pa
CHAPTER 57
Nagpupumiglas naman ang lalake at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Joaquin."I said, who are you? Huwag mong hintaying pulis ang makipag-usap sa'yo," pagbabanta ni Joaquin."P-Photographer lang po ako, Sir. Kahit i-check niyo po ang camera ko," naiiyak na sambit ng lalake.Agad namang hinatak ni Hexy si Joaquin upang bitawan nito ang lalake.Pinakawalan naman siya ni Joaquin ngunit nanatili pa rin itong nakahiga habang umuubo.Nang makabangon ito ay pinulot niya ang kaniyang camera na basag na ang lens."Photographer lang po ako. Pasensya na po," sambit nito saka ipinakita ang mga laman pictures ng kaniyang camera.Umayos naman sa pagkakatayo si Joaquin nang makitang maayos ang mga litrato sa camera nito."You should not casually take photos of other people without their permission. And what are you gonna do with our photos? Delete it. Don't show up here again," kunot-noong saad ni Joaquin.Mabilis namang tumango ang lalake saka tumakbo paalis sa harap nila.Huminga
Magbasa pa
CHAPTER 58
Napad*ing sa sakit si Hexy at nakaramdam ng pagkahilo. Agad niyang hinawakan ang kaniyang ulo at naramdamang dumudugo iyon.Dahan-dahan siyang lumingon sa kaniyang tabi at nakitang walang malay ang lalakeng nakahawak sa kaniya kanina, pati na rin ang driver na parehas niyang ginamitan ng stun gun. Parehas silang may mga sugat sa iba't ibang bahagi ng kanilang mga katawan.Naalala niya ang cellphone ng lalake sa harapan dahil tumatawag ang boss nila kanina. Ngunit nakita niyang sira na ito habang nakalagay sa harap ng driver. Kaya lakas-loob niyang kinuha sa katabi niyang lalake ang cellphone nito sa kaniyang bulsa.Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha ang cellphone ng lalake. Nakatungo ang ulo nito sa pintuan ng sasakyan habang duguan at walang malay.Inilagay niya 'yon sa kaniyang bulsa at napahawak na naman sa kaniyang ulo. Nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata.Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig siya ng wangwang ng mga sasakyan ng ambulansya.Nang mabuksan ni
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status