Lahat ng Kabanata ng My Naughty Young Wife (Filipino): Kabanata 71 - Kabanata 80
109 Kabanata
Chapter 71
Amber PovBiglang bumilis ang tibok ng aking puso nang makita kong si Phil ang bago may-ari ng Sunshine Shopping Mall na pknagtatrabahuhan namin ni Mildy. Maliban sa bahagyang naging humpak ang mga pisngi nito ay wala nang ipinagbago ang kanyang hitsura magmula nang umalis ako. Guwapo pa rin siya at malakas ang sex appeal. Kaya hindi ko masisisi ng mga ka-trabaho ko kung kinikklig sila habang nakatingin kay Phil dahil kahit ako nga na ilang buwan ko siyang nakasama ay bumibilis pa rin ang pintig ng aking puso dahil sa kanya.Wake up, Amber! Ano ba ang nangyayari sa'yo? Nakalimutan mo na yata na sinaktan ka niya, paalala sa akin ng maliit na tinig sa loob ng aking isip. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo para maalis ang anumang damdamin na muling nabubuhay nang makita ko si Phil. Hindi ito maaari. Dapat kong pigilan ang tila paghuhurumentado ng aking puso. Dapat kong itatak sa aking isip na hiwalay na kami at sinaktan niya ako kaya imposible na magkabalikan pa kami lalo na at may Bov
Magbasa pa
Chapter 72
Amber PovMalapit na ang alas otso ngunit hindi pa rin ako nakabihis. Nakahiga lamang ako sa aking kama at nakatingin sa kisame. Kung ako ang papipiliin ay ayoko talagang um-attend sa dinner party na in-organisa ni Phil para sa department namin. Ayoko na siyang makita pa dahil nananariwa lamang sa aking puso at isipan ang ginawa niyang pananakit sa aking damdamin. Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na siya pa ang magiging bagong boss namin? Totoo talaga ang kasabihang "Maliit lamang ang mundo" dahil muling nagkrus ang mga landas namin ni Phil.Nananatili pa rin akong nakatingin sa kisame nang bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok si Mildy. Katulad ko ay hindi pa rin siya nakabihis ng damit pang-alis."Ano ang ginagawa mo, Amber? Bakit hindi ka pa nakabihis? Naghihintay ka ba ng magdaraang butiki sa kisame?" agad niyang tanong nang maupo sa aking tabi. "Pupunta ba tayo o hindi?"Ilang saglit na tumitig lamang ako sa kisame bago ako humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
Magbasa pa
Chapter 73
Amber Pov"Ang ganda mo naman, Amber," puri sa akin ni Melvin nang pumasok ako sa loob ng room kung saan kumpleto na ang lahat at ako na lamang ang kulang. Si Melvin ay sa Eau D' Perfume naka-assign at katapat kung saan naman ako naka-assign kaya madalas kaming makapag-usap kapag walang customers."Sang-ayon ako sa sinabi mo, Melvin. Napaka-simple lang ng makeup niya ngunit ang ganda-ganda pa rin niya," wika naman ni Mildy. Lihim na lamang akong natawa dahil gusto lang inisin ng kaibigan ko si Harlen na hindi maitago ang pagsimangot ng mukha. Wala kasing pumuri at pumansin sa kanyang hitsura samantalang sa akin ay meron."Maupo ka n sa bakanteng upuan, Amber," kausap sa akin ng aming manager. Agad naman akong naupo sa bakanteng upuan. Ang malas ko pa dahil ang tanging upuan na bakante ay ang katabi ni Harlen. Siya naman ay katabi si Phil. Pero at least, hindi ako ang katabi ni Phil. Dahil tiyak na hindi ko malulunok ang kakainin ko kung siya ng katabi ko sa upuan."Tiyak lalong tumind
Magbasa pa
Chapter 74
Amber PovHindi pa man ako nakakasagot kay Melvin ay naunahan na ako ng boses ni Phil mula sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nakita kong seryoso ang kanyang mukha at naniningkit ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin."May kailangan po ba kayo kay Amber, Sir Salvatore? Bakit hindi niyo na lang sabihin sa kanya ngayon?" tanong ni Melvin kay Phil sa seryosong mukha. Tila hindi nito nagustuhan na ihahatid ako ni Phil at wala itong balak na hayaan akong sumama sa boss namin kahit na wala naman siyang karapatan sa akin.Kung tila hindi nagustuhan ni Melvin ang ideya na ihahatid ako ni Phil ay mas lalo namang hindi nagustuhan ni nang huli ang sinabi nang una. At magpapatalo ba ang isang Phil Salvatore sa kanyang empleyado? Of course not."Yes, you're right...uuhmm..."Huminto si Phil sa pagsasalita at nag-isip kung ano ang pangalan ng empleyadong kaharap niya ngayon."Melvin Sanchez, Sir," agad na banggit ni Melvin sa buong pangalan nito nang makitang hindi siya kilala ni Ph
Magbasa pa
Chapter 75
Mildy PovNagmamadali ako sa paglalakad papuntang banyo dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang aking ihi. Kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko ngunit nahihiya akong tumayo at magpaalam sa kanila. Napailing na lamang ako sa aking naisip. Para akong tanga. Ano ba nag nakakahiya kung pupunta ako sa banyo para umihi? Ngunit wala mang dapat na ikahiya ay nahiya pa rin ako kanina kaya heto tuloy ako, parang hinahabol ng sampung demonyo sa pagmamadali na makarating agad sa banyo.Pagliko ko sa may kanto papuntang banyo ay hindi sinasadyang nagkabanggaan kami ng taong kasalubong ko. Muntik na akong matumba sa sahig kung hindi lamang ako maagap na nayakap sa baywang ng taong nabangga ko sa sobrang pagmamadali ko."I'm sorry. I'm sorry," agad kong paumanhin sa kanya. Nang tingnan ko ang mukha ng taong nabangga ko ay biglang nalukot ang mukha ko. "Oh, it's you. Bakit ka nagmamadali? Lalabas na ba?" nakangising tanong niya sa akin.Namula ang mukha ko sa pagkapahiya. Sa dinami-rami ba naman ng tao
Magbasa pa
Chapter 76
Amber PovPagkarating ni Mildy sa apartment niya ay agad siyang dumiretso sa aking silid para alamin kung ano ang nangyari sa pag-uusap namin ni Phil."Sabihin mo sa akin kung ano ang pinag-usapan ninyo ni Phil, Amber. Huwag kang maglilihim sa akin," ani Mildy matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan pagkatapos ay nagbalik ako sa ibabaw ng aking kama. Sumunod siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Excited siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa sasabihin ko s kanya."Hindi ka pa nga nakakapagpalit ng damit pambahay ay gusto mo na agad makarinig ng tsismis," naiiling na sabi ko sa kanya."Makakapaghintay ang bagay na iyan ngunit hindi ang aking curiousity tungkol sa pinag-usapan ninyo ni Sir Phil. Nagpaliwanag ba siya tungkol sa nakita mo sa bahay niya? Humingi rin ba siya ng paliwanag sa'yo kung bakit sa condo ni Nikky ka nakatira dati?" magkakasunod-sunod na tanong ni Mildy. Mukhang hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya kung ano ang mga napag-usapan namin ni
Magbasa pa
Chapter 77
Amber PovKinakabahang nagtungo ako sa opisina ni Phil na nasa fourth floor ng building. Bago ako kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina niya ay huminga muna ako ng malalim at inihanda ang aking sarili sa anumang sasabihin niya."Come in," narinig ko na wika ni Phil mula sa loob ng opisina.Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Sobrang lakas ng aircon sa loob ng opisina niya kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lamig. Lihim kong nahiling na sana ay hindi ako magtagal sa opisina niya dahil tiyak n mangangatog ako sa lamig."Ipinapatawag mo raw ako,r. Salvatore? May kailangan ka po ba sa akin?" seryoso ang mulha na tanong ko sa kanya habang nakatayo ako sa harapan niya.Tumayo si Phil sa kanyang kinauupuang swivel chair at naglakad palapit sa pintuan pagkatapos ay ini-lock ang pintuan. Napakunot ako ng noo sa ginawa niya. Bakit naman kailangan pa niyang i-lock ang pintuan?"Tell me honestly, Amber. Manliligaw mo ba si Melvin? May pag-asa ba siya sa puso mo? At alam ba n
Magbasa pa
Chapter 78
Amber Pov"I'm sorry, Amber. Mag-isa kang uuwi ngayon sa apartment natin. Hindi ko matanggihan ang Mom ko. Nagpapasama kasi siya sa birthday party ng kanyang amiga," paumanhin sa akin ni Mildy habang nag-aayos ito ng kanyang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng banyo ng mall. Ako naman ay nag-aalis ng aking makeup. Kilay at lipstick lamang ang aking itinitira sa aking mukha.Kaka-out lang naming pareho sa trabaho namin. Parehong 10 ng umaga hanggang 6 ng gabi ang duty namin kaya palagi kaming sabay na umaalis at umuuwi sa apartment niya. Kapag may oras pa ako ay sa cr ng mall na ako nag-aalis ng makeup ko para pagdating sa apartment ay konting hilamos na lamang ang gagawin ko."It's okay, Mildy. May edad na rin ang parents mo kaya dapat mag-spend ka ng time mo sa kanila. Para naman makasama mo sila habang nabubuhay pa sila, habang may oras ka pa. Para kapag kinuha na sila ng Maykapal ay hindi ka magsisisi na hindi mo sila nakasama ng matagal," mahabang sagot ko kay Mildy.
Magbasa pa
Chapter 79
Amber PovMadilim at galit ang mukha ni Phil nang makita ko siya. Lumapit siya sa amin at pahablot na inalis ang kamay ni Melvin na nakahawak sa isa kong braso at pagkatapos ay hinila niya ako palayo kay Melvin."Ano ang ginagawa niyo rito sa madilim na bahagi ng parkingan, Amber?" matalim ang mga matang tanong niya sa akin. Mukha iba ang nasa isip niya habang nakatingin sa akin. Tila iniisip niya na may ginagawa kaming "milagro" ni Melvin kaya kami nandito sa madilim na bahagi ng parkingan ng mall."With due respect, Sir Salvatore. Tapos na po ang working hours namin ni Amber kaya wala na po kayong pakialam pa kung ano ang gawin namin ni Amber pagkatapos ng trabaho," matapang na kausap ni Melvin kay Phil. "'Di ba, Amber?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Melvin. Bagama't totoo ang kanyang sinabi ngunit tila may nais itong iparating kay Phil na mensahe. At sa kanyang sinabi ay tila kinumpirma lamang niya ang masamang iniisip ni Phil sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan humuhu
Magbasa pa
Chapter 80
Amber PovMukhang ang malas ko ngayong gabi. Kanina pa ako naghihintay ng masasakyang bus ngunit lahat ng nagdaraang bus ay hindi humihinto dahil pawang puno na sila ng mga pasahero. Sa katunayan ay nakikita kong siksikan ang mga pasaherong nakatayo sa gitna ng bus dahil wala nang mauupuan ang mga ito. Kapag nagpumilit akong sumakay kahit na siksikan na sila ay tiyak na mahihipuan lamang ako lalo pa at nakasuot ako ng maikling palda na siyang uniform namin at sleeveless shirt sa pang-itaas. Dahil mahigit isang oras na akong naghihintay ng bus ay nagdesisyon akong maglakad patungo sa isang kanto kung saan may mga jeep na dumadan sa kanto papunta sa apartment ni Mildy. Doon na lamang ako sa kanto bababa at sasakay na lamang ako ng tryckle papunta naman sa apartment ni Mildy. Magka-cutting trip na lamang ako kaysa ang maghintay kung kailan ako makakasakay ng bus. Talagang inabot ako ng kamalasan dahil bigla namang bumuhos ng malakas ang ulan. Tatakbo sana ako patungo sa waiting shed ng
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status