All Chapters of My Naughty Young Wife (Filipino): Chapter 81 - Chapter 90
109 Chapters
Chapter 81
Amber PovWala kaming imikan habang nasa loob kami ng sasakyan ni Phil at nagbibiyahe pauwi sa apartment ni Mildy. Sinubukan niya akong kausapin ngunit hindi ko siya sinagot sa halip ay nagtulog-tulugan hanggang sa nakarating kami sa tapat ng apartment ng kaibigan ko. Pagkahinto ng kotse ni Phil ay walang paalam na bumaba ako ng kotse at nagmamadaling naglakad palapit sa gate."Amber!" tawag ni Phil sa pangalan ko. Lumabas ito ng kotse nito ngunit hindi tuluyang lumapit sa akin. "Wala ka bang sasabihin sa akin?"Nahinto ang balak kong pagbubukas sa gate nang marinig ko na tinawag niya ako. Huminga ako ng malalim bago ko siya hinarap."Ahm, maraming salamat sa paghatid mo sa akin," maikiling wika ko sa kanya. Pagkatapos ay itinuloy ko na ang pagbubukas ng gate."Wala bang halaga sa'yo ang nangyari sa atin kanina?" narinig ko tanong ni Phil nang akmang papasok na ako sa loob ng gate."Hindi na tayo mga bata, Phil. Alam na natin kung ano ang ginagawa natin. At ang nangyari kanina ay dal
Read more
Chapter 82
Amber PovMabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Ngunit kailangan kong pumasok sa trabaho kaya kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring bumangon mula sa kama. Ngunit nang tumayo ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Tila walang lakas na natumba ang katawan ko pabalik sa kama. Eksakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko kaya nakita ni Mildy ang nangyari sa akin."My God, Amber! Ano ang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang napatakbo siya palapit sa akin. "Ang taas ng lagnat mo," sabi niya matapos niyang hawakan ang braso ko.Tinulungan niya ako na makahiga ng maayos sa kama at kinumutan ng mabuti."Ako na ang bahala sa sarili ko, Mildy. Pumasok ka na lamang sa trabaho mo at baka ma-late ka pa," mahina ang boses na sabi ko sa kanya."Ikaw na ang bahala sa sarili mo? Paano mo magagawa iyon ni hindi mo nga kayang tumayo?" may inis sa boses na sagot niya sa akin ngunit may halong pag-aalala."Ayoko lang ma-late ka sa trabaho. Tiyak na babawasan ng sahod mo.
Read more
Chapter 83
Amber Pov"Sigurado ka ba talaga na kaya mo nang bumalik sa trabaho, Amber?"Mula sa apartment niya ay pang-anim na beses ng nagtanong sa akin si Mildy kung kaya ko na bang bumalik sa trabaho. At kahit naglalakad na kami papasok sa mall na pinagtatrabahuan namin ay tila nag-aalala pa rin siya sa akin."Huwag ka ngang OA, my friend. Nilagnat lang ako ng isang araw at hindi ako nagkaroon ng malalang sakit para hindi kayanin ng katawan ko ang bumalik agad sa trabaho," natatawang sabi ko sa kanya. "Ng-aalala lang naman ako sa'yo. Pero wala nga pala akong dapat na ipag-alala sa'yo dahil malakas ka pa pala kaysa sa kalabaw kaya mabilis kang gumaling kapag nagkakasakit," natatawang biro niya sa akin. Natawa na lang din ako sa sinabi niya.Nahinto kami sa pag-uusap nang mag-time in kami at nag-umpisa nang magtrabaho. Pareho kaming naging abala sa kanya-kanya naming trabaho kaya hindi na kami nakapag-usap pang muli hanggang sumapit ang lunch time.Lihim akong nagpasalamat dahil hindi na ako m
Read more
Chapter 84
Amber PovNang makalayo na kami sa canteen ay agad kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Phil. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nabigo akong makakawala sa hawak niya."Wala na tayo sa harapan ni Melvin kaya puwede mo na akong bitiwan, Mr. Salvatore," seryoso ang mukha na sabi ko kay Phil.Kumunot ang noo ni Phil na tila ba may hindi nagustuhan sa sinabi ko sa kanya. "I really hate it when you call me like that. Parang nais mong ipamukha sa akin na malayo ka sa akin. Na isang boss lamang ang turing mo sa akin," inis na sabi naman niya sa akin matapos bitawan ang kamay ko."Iyon naman talaga ang dapat. Boss kita at employee mo ako. Kaya nararapat lamang na ganoon ang itawag ko sa'yo bilang paggalang," blangko ang ekspresyong na sagot ko sa kanya. "Siyanga pala, salamat at inilayo mo ako kay Melvin. Kung hindi mo ako inilayo ay—""Ay ano? Mapipilitan kang tanggapin ang marriage proposal ng gagong iyon?" ani ni Phil. Inunahan niya ako sa pagsasalita kahi
Read more
Chapter 85
Amber Pov"Amber, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mildy nang lapitan niya ako kung saan ako nakatayo. Matumal ang pasok ng mga customers ngayon kaya nagawa akong lapitan ni Mildy para kausapin."Ayos lang ako," walang sigla na sagot ko sa kanya."Ganyan ba ang hitsura ng okay? Magmula nang bumalik tayo mula sa canteen ay parang lumilipad ang isip mo. Ano ba ang iniisip mo? Ang tinanggihan mong marriage proposal ni Melvin o si Phil at ang babaeng iyon?"Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si Mildy. "Hindi ko sila iniisip, okay? Medyo tinatamd lamang akong magtrabaho ngayon," walang sigla na sagot ko sa kanya."Aba! Himala yata na ng masipag kong kaibigan na walang ibang iniisip kundi ang magtrabaho at kumita ay tinatamad ngayong magtrabaho. Ano ba ang kinain mo kaninang lunch?" buska sa kain ni Mildy."Ano ang kinain ko kaninang lunch? Hangin," mabilis na sagot ko sa kanya. "Hindi nga ako nakakain ng maayos dahil biglang nagpropose sa akin si Melvin.""Speaking of Melv
Read more
Chapter 86
Amber PovNa-late ako ng gising kaya nagmamadali na ako sa paglalakad dahil baka ma-late ako sa trabaho ko. Sayang naman ng sahod na mababawas sa aking suweldo. Bus ng sinakyan ko papunta rito dahil iyon ng unang dumaan sa harapan ko. Hindi na ako naghintay ng dadaan na SUV dahil bak mas lalo lamang akong ma-late kapag hinintay ko pa iyon. Pagbaba ko ng bus ay halos lakad-takbo na ang ginagawa ko. Nasa dulo na ako ng parking lot sa gilid ng mall nang bigla akong napahinto sa paglalakad at napatitig sa matandang bumaba mula sa kotse. Nakaharap sa daraanan ko ang kotse kaya kung nakatingin sa kanan ng sakay nito ay nakikita ako at alm na daraan ako sa tapat nila."Hindi mo ba ako yayakapin, Amber? Hindi mo ba na-missed ang matandang ito sa harapan mo?" nagtatampo ang boses na tanong sa akin ng matanda na walang iba kundi si Lolo Fidel."Lolo Fidel!" tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Itinuturing ko siya na parang tunay kong lolo kaya naman kahit hiwalay na kam
Read more
Chapter 87
Amber PovHindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasampal ko si Harlen. Tinitiis ko ang hindi magagandang salita na sinasabi niya sa akin ngunit ibang usapan na kapag idinamay niya si Lolo Fidel."How dare you slap me!" galit na singhal ni Harlen habang nakahawak sa pisngi na sinampal ko ang isa niyang kamay."Hindi lang iyan ang matitikman mo kapag mandamay ka pa ng ibang tao," galit na banta ko sa kanya. "Bakit, Amber? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na may karelasyon kang may apat na m? Matandang mayaman na malapit nang mamatay? Na hindi lamang si Sir Phil ang nilalandi mo kundi pati matanda na mukhang mamamatay na bukas ay nilalandi mo rin?" nang-iinsulto ang tingin na tanong ni Harlen.Mas lalo lamang nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Muling lumipad ang ang aking kamay at dumapo sa pisngi ni Harlen. At sa pagkakataong ito ay mas malakas ang sampal na ibinigay ko sa kanya. Akmang sasampalin din niya ko ngunit mabilis kong nahawakan ang braso niya at isa pang sampa
Read more
Chapter 88
Amber Pov"Okay lang po ba kayo, Lolo?" nag-aalalang tanong ko kay Lolo Fidel habang bumababa kami sa kotse niya. Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan kanina sa mall ay inalis ni Phil ang mag-ama sa trabaho. Ako naman ay sinamahan si Lolo pauwi sa bahay nila dahil bigla itong nanghina matapos malaman kung ano ang dahilan at nag-away kami ni Harlen.Gusto sanang sumama ni Phil na maghatid sa lolo niya pauwi sa bahay nito dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda ngunit may meeting ito para sa official dismissal sa ama ni Harlen at pagkatapos ay pupunta p ito sa isa nitong kompanya, ang Salvtore Conglomerate. May meeting daw ito sa mga shareholder dahil gumagawa na naman ng hakbang ang tito nitong si Jigo para maaagaw ang puwesto ni Phil. Sinasamantala yata ni Tito Jigo na madalas wala si Phil sa kompanya dahil nasa Sunshine Shopping Mall ito para ma-brainwash ng ibang mga kapanalig ni Phil sa kompanya."Okay na ako, Amber. Salamat sa paghahatid mo sa akin. And I'm sorry because I'v
Read more
Chapter 89
Amber Pov"Lasing ka kaya umuwi ka na, Melvin. Mag-usap na lamang tayo kapag nasa tamang katinuan ka," pagtataboy ko sa kanya. Pilit kong itinago sa aking boses ang kabang nararamdaman ko nang mga sandaling ito.Bahagyang natawa si Melvin nang marinig ang sinabi ko. "Talaga, Amber? Makikipag-usap ka sa akin? Sino ang niloloko mo? Iniiwasan mo nga ako tapos sasabihin mong bukas na lang tayo mag-usap? Mas maigi na ngayon tayo mag-usap para walang istorbo sa ating dalawa. Wala ang kontrabida mong kaibigan at mas lalong wala ang pakialamero mong boss.""Umalis ka na, Melvin. Kapag hindi ka pa umalis ay mapipilitan akong tumawag ng pulis," pananakot ko sa kanya. Kinuha ko ang aking cell phone sa loob ng aking bag at akmang idadayal ko ang emergency number ng mga pulis ngunit mabilis na nakalapit sa akin si Melvin at inagaw ang cell phone. Malakas nitong itinapon sa sahig ang cell phone ko na biglang nagkahiwa-hiwalay ang mga parte at nabasag ang LCD."Sa tingin mo ay hahayaan kong mangyari
Read more
Chapter 90
Amber PovPagkatapos naming magkabalikan ni Phil ay inilipat niya ako ng trabaho. Ginawa niya akong personal assistant niya at sa bahay niya ulit ako tumira. Natuwa sina Lolo Fidel at Karen dahil nagkabalikan kami ni Phil.Nakiusap ako kay Phil na kapag nasa trabaho kami ay boss-employee ang aming relasyon para hindi ako mailang. Sa una ay tutol si Phil ngunit sa bandang huli ay pumayag din siya sa gusto ko.Bilang personal assistant ni Phil ay wala naman akong ibang ginagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape, tulungan ang sekretary niya sa pag-aayos ng mga docoment kapag may meeting at ang samahan ito sa mga party event na pupuntahan nito. Para lamang akong naglalaro t hindi nagtatrabaho ngunit sinasahuran naman niya ako.Kahit na hindi ako sanay um-attend ng mga party ay pinipilit ko ang aking sarili na masanay dahil madalas may dinadaluhang even si Phil na may kinalaman sa kanyang business kagaya ngayon. Dumalo si Phil sa isang charity auction party at isinama niya ako. Pagkatapos
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status