Lahat ng Kabanata ng My Possessive Billionaire Husband: Kabanata 251 - Kabanata 260
271 Kabanata
Chapter 250
TRXIE POV THREE YEARS LATER "Sure ka na ba sa desisyon mong iyan? Hindi ka na ba talaga papigil?" Kaagad na tanong sa akin ni Denise habang abala ako sa pag-iimpake ng aming mga gamit. Mamayang hapon na ang aming flight pauwi ng Pilipinas at hangang ngayun hindi ko pa rin lubos maisip na nakaya kong magtagal sa bansang ito ng tatlong taon. "Yes...kinukulit na ako nila Papa at Mama eh. Gusto na din daw nilang maalagaan ang mga apo nila." nakangiti kong sagot sabay sulyap sa dalawang bata na natutulog. Yes..sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nalaman ko na nagdadalang tao ako. Mabuti na lang at sa mga panahong down na down ako ay nasa tabi ko palagi si Mama Ashley. Sinasamahan ako lalo na at pagkapanganak ko, nagsuffer ako ng postpartum depression. Mabuti na lang din at nasa tabi ko palagi ang itinuring ko ng best friend na si Denise. Isang ganap na Doctor na din ito at nakatakda din siyang umuwi ng Pinas sa susunod na lingo upang pamahalaan ang hospital na pag
Magbasa pa
Chapter 251
TREXIE POV Pagkaapak pa lang ng mga paa ko sa lupa ng bansang Pilipinas hindi maipaliwanag na tuwa ang kaagad na nararamdaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko ang bansang ito. Alam ko sa sarili ko na kaya ko nang harapin ang kahit na anong pagsubok ng na dumating sa aking buhay. Pinatatag ako ng mga karanasan ko pati na din ng mga anak ko. Pagkalabas pa lang namin ng airport kaagad na sumalubong sa mga mata ko ang tarpaulin na may pa-welcome na nakasulat para sa akin. Lalong lumapad ang pagkakangiti sa labi ko nang mapansin ko na hind lang sila Mama at Papa ang sundo namin kundi pati na din sila Francine at Kuya Charles. Parang gusto ko tuloy makaramdam ng hiya kay Francine. Umalis ako ng bansa noon na hindi man lang nagpakita sa kanya at grabe ang tampo nito sa akin tuwing nagkakausap kami sa telephone. Buti na lang at tinangap din niya ang mga paliwanag ko at nagiging maayos na ulit kami. "Trexie, anak...welcome back!" narinig kong bigkas ni Mama at mabilis itong naglakad pa
Magbasa pa
Chapter 252
DOMINIC POV "Boss, ngayung nandito na sa Pilipinas si Mam Trexie, ano po ang ang gagawin namin?" tanong sa akin ni Ricardo. Siya ang tanging saksi sa mga pinagdadaanan ko nitong mga nakaraang taon kaya hindi na din iba ang turing ko sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil palagi nitong sinisigurado ang kaligtasan ko sa lahat ng oras. Kaagad akong napasandal sa swivel chair habang hinihilot ko ang aking sintido. Sumasakit na kasi iyun dahil sa ilang gabing wala akong matinong tulog. Simula ng makita ko si Trexie at ang mga anak namin sa airport hindi na ako makatulog pa. Lalo yata akong inatake ng insomia dahil s tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, ang maamong mukha ni Trexie at palaging lumilitaw sa balintataw ko. Kaagad kong naidilat ang aking mga mata at tinitigan ang picture frame na nasa harap ko. Larawan iyun ni Trexie at ng kambal naming anak. Yes...sa lahat ng mga nangyari sa buhay ni Trexie sa US alam na alam ko at dahil iyun sa tulong ng half sister
Magbasa pa
Chapter 253
TREXIE POV "Ma, ayos na po ako. Kaya ko na!" kaagad kong sagot kay Mama habang nag aayos ako sa harap ng salamin. Ngayun ang kauna-unahan kong pagpasok sa opisina simula nang bumalik ako galing US. Tutuparin ko na ang pangako ko kay Papa Ryder na ako na ang hahawak sa Sebastian Logistics once na makabangon ako sa kabiguan mula sa mga kamay ni Dominic. "Nag aalala lang ako anak. Ayos lang naman sa Papa mo kung hindi muna ngayun. Kakauwi mo lang ng bansa at trabaho kaagad ang gusto mong atupagin? Pwede ka naman mag unwind muna kasama ng mga bata. Huwag mong isipin ang kumpanya, kaya na ng Papa mo iyun." sagot ni Mama sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti. "Pwede po kaming mag unwind ng mga Baby ko kahit na pumapasok ako sa opisina. Dont worry Ma, ayos na talaga ako. Nahihiya na ako kay Papa. Ang isang taon na pangako ko sa kanya noon, umabot ng tatlong taon dahil kailangan ko pang alagaan ang mga babies ko." nakangiti kong sagot. "Ikaw talagang bata ka! Sinabi ko naman s
Magbasa pa
Chapter 254
TREXIE POV Pasimple kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin ni Cholo. Hangat maari, ayaw kong maka-offend ng tao lalo na sa kanya lalo na at malapit ang pamilya niya sa mga magulang ko. Pero kung ganitong balak niya akong ligawan, baka didistansya na lang talaga ako sa kanya. "Hmmm, sorry kung nabigla ka sa sinabi ko pero ayaw ko na din kasi talaga magsayang ng oras. Unang kita ko pa lang sa mga larawan mo noon, minahal na kita at ito na din siguro ang tamang pagkakataon para ligawan ka." muling bigkas nito na labis kong ikinaasiwa. Hindi pwedeng mahalin niya ako dahil pag aari na ng ibang lalaki ang puso ko. Isa pa--- "Wife! Thank God, nagbalik ka na!" wala sa sariling napatayo ako ng marinig ko ang boses na iyun. Ang boses na nakatatak na yata sa isipan at sa buo kong pagkatao., "Ano ang ginagawa mo dito Mr. Dela Fuente? Wala ka na bang ibang maisip na gawin sa buhay namin kundi ang mangulo?" galit na wika ni Cholo. Tumayo ito at mabilis na hinawakan sa kwelyo si Dominic
Magbasa pa
Chapter 255
TREXIE POV Habang palapit kami ng palapit sa kotse ni Dominic tsaka naman nagsipag-lingunan sa amin ang kanyang mga tauhan. Kanya-kanya silang tago ng kanilang mga hawak na cellphone at parang walang nangyari na lumapit sa amin. "Boss, ano po ang nangyari? Nasaktan po ba kayo?" kaagad na tanong ng isa sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyung kanang kamay ni Dominic. Ang sarap sanang bulyawan! Nagtatanong pa kung nasaktan ang amo nila gayung obvious naman sa sitwasyon ngayun ni Dominic na nasaktan talaga ito. "A little bit. Open the car!" sagot naman ni Dominic na feeling ko nakaakbay na sa akin. Nawala na kasi ang bigat nito kaya kaagad ko na din tinagal ang braso ko sa baiwang nito para sana lumayo dito pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at sapilitang ipasok sa nakabukas nang pintuan ng kotse. "Ano ba! Dominic...wala akong balak na sumama sa iyo! Bitawan mo nga ako!" impit kong wika dito at pilit na nagpupumiglas sa kanya pero mas malakas siya sa aki
Magbasa pa
Chapter 256
TREXIE POV Wala sa sariling napatitig ako kay Dominic. In fairness sa kanya, marunong na siyang makiusap ngayun. Isa pa, maayos siyang nakiki-usap sa akin ngayun kaya sino ba naman ako para hindi siya sa pagbigyan. Sa kabila ng mga nangyari sa amin at paghihirap ko sa mga kamay niya, hindi pa rin maitatanggi na siya ang ama ng mga anak ko. HIndi naman pwedeng suluhin ko lang ang mga bata dahil darating at darating din ang araw na maghahanap sila ng ama at ayaw kong ipagkait sa kanila ang tungkol sa bagay na ito. Ayaw kong maging makasarili kapag kapakanan ng mga bata ang pag uusapan. Hindi naman porket pagbibigyan ko siya ngayun ayos na kami. Hindi ganoon iyun dahil maninindigan pa rin ako na hindi na ako babalik sa kanya. Tama na ang minsang pagdurusa sa mga kamay niya. Pipilitin kong maging masaya at itotoon ko ang buo kong oras sa negosyo at sa mga anak ko. Wala na akong balak na pumasok sa isang relasyon. "Okay...ikaw pa rin naman ang ama nila at ayaw kong ipagkait sa k
Magbasa pa
Chapter 257
TREXIE POV Masyadong masarap sa mga mata habang pinagmamasdan ko sila Dominic at ang mga anak namin. Hindi ko akalain na ganito kainit ang magiging pagtangap ni Dominic sa mga bata. Walang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ng puso ko habang pigil ko na ang sarili ko na maiyak. Pagkatapos nitong kargahin si Baby Brianna Louise si Bryan Adam naman ang kanyang pinagbalingan ng pansin at pinupog ng halik ang pisngi. First time kong nakitang lumuha si Dominic kaya hindi ko maiwasang mapatitig dito. Anak lang pala namin ang makakapag paiyak sa kanya eh. Kaagad akong napalapit sa kanila ng marinig ko ang pag iyak ni Baby Brianna. Hindi marahil nito matangap na saglit siyang ibinaba ng Daddy niya para ang kapatid naman niya ang kargahin. "Nagseselos siya." kaagad kong sambit kay Dominic sabay buhat kay Baby Brianna at isinayaw-sayaw. Napansin ko pa ang pagtitig sa akin ni Dominic pero hindi ko na binigyang pansin pa. Tumalikod ako dito habang pilit kong pinapatahan si Baby Brianna
Magbasa pa
Chapter 258
TREXIE POV Naging maayos naman ang pagdalaw ni Dominic sa mga bata. Wala naman siyang mga bagay na ginawa na hindi ko nagustuhan. Halos ayaw na din nitong umalis sa tabi ng mga anak namin at naabutan pa siya ni Papa Ryder sa bahay pagkauwi galing sa opisina. "Good evening Sir!" narinig ko pang bati ni Dominic kay Papa. Hindi ko tuloy mapigilan ang magtaka. Talaga bang 'Sir' ang tawag niya kay Papa? Pero bakit? Sabagay, simula ng maging mag asawa kami ni Dominic never kong narinig mula sa mga bibig niya na tinawag niyang Papa si Papa Ryder. Hindi na din naman ako nagtanong dahil masyado akong nalunod sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Dominic. Walang mas mahalaga sa akin noon kundi siya lang. ''Mabuti naman at nabisita mo din ang mga apo ko. Dito ka na kumain ng dinner. May pag uusapan tayo." seryoso namang sagot ni Papa. Hindi ko tuloy maiwasan na mgtaka. Sa totoo lang , gusto ko na sanang umalis na si Dominic. Naiilang ako sa mga titig niya. Habang nagtatagal siya
Magbasa pa
Chapter 259
TREXIE POV Kinabukasan, medyo tanghali na akong nagising. Kaagad akong naligo at nag- ayos ng sarili. Siguradong sa mga oras na ito, nasa opisina na si Daddy. Gayunpaman, balak ko pa din pumasok kahit late na. Gusto ko talagang matutunan ang mga trabaho sa Sebastian Logistics para naman maipagmamalaki ako ng buong pamilya. Kailangan ko na din talagang mag seryoso sa buhay. Ibabangon ko ang sarili ko at gusto kong maging magaling na CEO kagaya ni DAddy pagdating ng araw. Gusto kong may mapatunayan sa aking sarili kaya magsisikap ako. Tama, aabalahin ko ang sarili ko sa pagpapatakbo ng kumpanya hangang sa lumaki ang mga anak ko. Gusto kong makontento sa mga bagay na kung anong meron ako ngayun. Hindi ko na kailangan pa ng panibagong pag ibig para lang sumaya. Nang masiguro ko na maayos na ang make up ko, kaagad kong sinukbit ang aking shoulder bag at lumabas ng kwarto. Direcho ako sa nursery room para tingnan ang mga bata at hindi ko maiwasang mapangiti ng madatnan silang tu
Magbasa pa
PREV
1
...
232425262728
DMCA.com Protection Status