All Chapters of Cold and Ruthless: Chapter 31 - Chapter 40
46 Chapters
30: The Past Part 15
CHAPTER THIRTYTULAD nang utos ng Warden, isang buwan ngang ikinulong si Dom sa loob ng madilim at mabahong Bartolina.Pisikal at emosyonal na paghihirap ang dinaanan ni Dom sa buong buwang pananatili rito.Nando'n ang pangangalay ng kaniyang buong katawan lalong lalo na ang kaniyang mga tuhod at paa mula sa pagtayo at sa pagtiklop niyon habang natutulog at nakaupo siya.Wala nang epekto sa kaniya ang kadiliman at ang sikip ng maliit na silid dahil sa loob lamang ng unang linggo niya rito ay parang nasanay na siya agad.Ang hindi niya lang nakayanan ay ang baho ng pinaghalong dumi at ihi niya. Oo, napipilitan siyang dumumi sa loob ng Bartolina dahil minsa hindi niya na talaga kayang pigilan pa iyon.Buong araw sa buong linggo niyang sinisinghut ang baho ng sariling dumi. Minsan nasusuka na siya, kaya minsan dumagdag pa iyon sa baho sa loob na mas nagpapahirap ng kaniyang kalagayan. Halos wala na rin siyang ganang kumain dahil dito.Pagkalipas naman ng isang linggo ay inililipat siya sa
Read more
31: The Past Part 16
CHAPTER THIRTY ONEKAPAG ang pasensya ng isang taong tahimik at mapagkumbaba ay nasagad at naubos, dalawang bagay lamang ang maaari nitong kahahantungan. Kung hindi ang sariling buhay ang tatapusin at kikitilin, ay buhay ng iba ang siguradong matutuldukan.Ganito ang nangyayari kay Dom ngayon.Pasensyoso siyang tao.Mabait.Maka-dios.Pero anong nangyari? Paghihirap ang naging ganti ng kaniyang pagiging mabuti.Tao lang din naman siyang may pangarap. Isa lang siya sa mga taong nangarap makamit ang mga pinangarap. Pero anong nangyari? Kulungan ang bagsak niya.Magpasensya naman siya. Tiniis niya ang lahat nang mga pagpapahirap na ibinabato ng buhay. Pero sobra naman itong naranasan niya. Sagad na sagad na ito at talagang ubos na ang napakahaba niyang pasensya.Nagpakumbaba naman siya, dahil buong buhay niya ay sanay siyang gano'n. Pero anong ginawa sa kaniya ng iba? Anong ginawa sa kaniya ng kaniyang mismong asawa? Tinapakan ang kaniyang pagtao. Ginawa siyang tapakan upang maabot nito
Read more
32: The Past Part 17
CHAPTER THIRTY TWODAHIL sa presensya ng dalawang higher ups ay hindi nagawang maparusahan ng warden si Dom. Kaya naman malaya siyang nakabalik sa infirmary matapos siyang i-dismiss ng mga ito.Hindi naman sa nabura na 'yong pangalan niya sa listahan ng suspects na nanakit kay Janet, pero nagawa niyang makaiwas sa direktang kaparusahan mula sa warden. Siguro, aabot ng ilang araw ang imbistigasyon. At kung ano man ang magiging resulta no'n, wala na siyang pakialam.Handa siyang papasok ulit sa bartolina, ang mahalaga nakaganti na siya sa babae.Totoong natakot siya dahil sa naging resulta ng ginawa niya. Naroon ang pag-alala na baka ano nang nangyari rito. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa ginawa.Pero naniniwala naman siyang masasanay rin siguro siya rito sa katagalan. Lalo pa't marami pa siyang gustong paghigantihan.Nand'yan pa sina Magno at mga tauhan nitong palaging nagpapahirap sa kaniya. Si Ronilo na bumaboy sa kaniya at sina Don Antonio at Matilda - ang mga taong siyang pan
Read more
33: The Past Part 18
CHAPTER THIRTY THREEISANG LINGGO na ang dumaan mula no'ng nagkaroon ng ka-MU ang kakusa nilang si Willie. At dahil araw-araw silang may session maliban nalang sa Sabado at Linggo, napansin ni Dom na mas naging malapit pa ang dalawa.Nagtatawanan, nagki-kwentuhan, at naghaharutan na parang mag-jowa na nga ang mga ito. Parang bumalik din sa pagiging isang teenager si Willie tanda na nahulog na nga ito kay Leni, ang babaeng ka-MU nito.Minsan, may mga pagkakataong nawawala ang mga ito sa kanilang paningin. Hindi nila alam kung saan pumupunta ang mga ito pero sa isip nila, alam na nila kung ano ang nangyari. Pagbalik kasi ng mga ito sa venue, mukhang pagod na at parang napakasaya. Kaya alam na alam na agad nila kung ano ang ginawa ng mga ito.Naiinggit man ay wala nang magawa ang dalawa pang kakusa ni Dom dahil wala naman nang ibang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanila.Kahit 'yong sinabi ni Willie na panay titig kay Dom noong nakaraang linggo ay hindi na bumalik kaya hindi siya nagka
Read more
34: The Past Part 19
CHAPTER THIRTY FOUR[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]MAINGAT ang mga galaw na tumayo si Willie mula sa pagkakahiga niya sa tarima. Tinalasan niya ang kaniyang pakiramdam habang isa-isang tinitigan ang mga kakusa na parehong mahimbing ang tulog sa mga oras na ito.Balisa ang kaniyang mga matang sumusulyap sa daku kung saan nakahiga si Dom habang hindi mapakaling tumatayo at maya-maya'y babalik na naman sa pag-upo sa gilid ng kaniyang higaan.Mabilis ang kaniyang paghinga habang pinagpapawisan ang noo. Magulo ang kaniyang isipan at hindi niya alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito.Minamasahe niya ang sariling noo habang dahan-dahang bumalik sa pagkakahiga sa higaan. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit sa kasamaang palad ay parang walang plano ang kaniyang utak na patulugin siya hanggang hindi niya matapos ang dapat gawin sa gabing ito.Pagkatapos ang ilang minutong pag-iisip sa kung ano ang dapat gawin ay dahan-dahan uli
Read more
35: The Past Part 20
CHAPTER THIRTY FIVEHALOS mabingi si Dom sa samu't saring sigaw ng mga prisong nasa gilid ng pasilyong dinadaanan niya. Kahit may kasama siyang Jail Guards na nasa magkabilang gilid niya ay may mga priso pa ring sumubok na abutin siya. Mabuti nalang at maagap ang mga guards at madali nilang nahahampas ang mga kamay na sumubok umabot sa kaniya.Sa kabila ng ingay sa paligid ay kalmado at tuwid lang siyang naglalakad sa kung saan siya ihahatid ng mga jail guards na kasama.Halos wala na siyang pakialam sa kaniyang buhay sa mga sandaling ito. Binabagabag siya ng konsensya nitong nakaraang isang buwan at halos gabi-gabi niyang nakikita ang duguang katawan ni Willie.Dumagdag pa rito ang katutuhanang hawak niya ang kamay nito at nakita niya pa ang huling paghinga ng kakusa na naging kaibigan sa loob ng bilangguan. Kitang-kita niya rin sa mga mata nito ang unti-unting pagkawala ng buhay nito.Sa madaling salita, napagmasdan niya kung paano nalagutan ng hininga ang kaibigan. Naramdaman niya
Read more
36: The Past Part 21
CHAPTER THIRTY SIXKUNG mahirap ang buhay ni Dom noong nasa San Diego City Penitentiary pa siya dahil sa pinanggagawa ng grupo ni Magno, pambababoy ni Ronilo at ang pagpapahirap nina Don Antonio at Matilda, naging mas mahirap naman ngayon ang pinagdaanan ni Dom.Dahil sa unang araw palang niya sa Maximum Security Prison na ito ay nabugbog na agad siya. At hindi lang 'yon, dahil habang nawalan siya ng malay ay binaboy naman siya ng ilang mga kakusa niya.Hindi niya alam kung ilang tao ang kumant0t sa kaniyang puwitan, pero dahil sa sobrang sakit niyon nang magising siya, alam niyang hindi lang isang tao ang humalay sa kaniya.Kaya nadala agad siya sa infirmary ng kulungan at nanatili siya roon ng apat na araw.Nang maka-recover na siya't makabalik sa selda ay muli na naman siyang binugbog ng mga kakusa hanggang sa nawalan na naman siya ng malay. Ang kaibahan lang ay hindi na siya binaboy ng mga ito.Paulit-ulit itong nangyayari sa kaniya hanggang sa wala na siyang magawa kung hindi ang
Read more
37: The Past Part 22
CHAPTER THIRTY SEVEN"OHHH, akala ko bahag ang buntot ninyong lahat. So, may matapang pa pala sa inyo. Good. Good. Good. Since ilang oras na rin akong hindi nakasapak ng tao, papatulan ko na ito," nakangising wika ng lalaking nasa pinakaunahan ng grupong humarang sa kanila nang makita nitong umabante si Dom."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Carsel Group 'yang nasa harap mo gag0!" mahina ngunit matigas na banta ni Boss Choy kay Dom nang madaanan niya ito habang pasugod sa grupong nasa harapan.Ngunit walang pakialam si Dom kung sino itong nasa harapan niya. Basta malaki ang atraso ng amo ng mga ito na si Don Antonio sa kaniya. Kaya pagkarinig palang niyang galamay pala ito ng kinasusuklamang tao ay biglang dumilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng kontrol sa sarili.Sa kabila ng mahigpit na banta ng kanilang Mayor ay wala sa sariling sinugod ni Dom ang Carsel Group. Agad naman siyang sinalubong ng lider ng mga ito.Isang malakas at solid na right hook ang pinakawalan ng lider
Read more
38: The Past Part 23
CHAPTER THIRTY EIGHT[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga da
Read more
39: The Past Part 24
CHAPTER THIRTY NINEONE MONTH LATER..PARANG naging impyerno ang buhay ni Dom sa loob ng kulungan. Pinoprotektahan nga siya ng kaniyang mga kakusa sa pamumuno ni Damian Wayne, ang kanilang Selda Mayor, ngunit pagkalabas naman niya ay palagi nalang may umaatake sa kaniya.Bugbog lang naman ang inabot niya sa tuwing inaatake siya ng mga membro ng Carsel Group, hindi kagaya noong nakaraang buwan na nanatili talaga siya sa Prison Infirmary nang halos dalawang linggo dahil sa laki ng pinsala sa kaniyang mukha. Mabuti nalang talaga at hindi naapektuhan ang kaniyang facial features, may mga peklat nga lang iyong natira dahil sa sugat na tinamo niya.Awang awa man sa kaniya ang kaniyang mga kakusa ay hindi naman siya kayang ipagtanggol ng mga ito dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Miguel.Sa tuwing bubugbogin siya ng mga ito ay magkakaroon talaga ng riot. At sa bawat riot na ito ay palaging may nasusugat ng malubha. Wala pa namang namatay, pero 'yon na nga, napakaraming nadadamay.Ilang
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status