Kinabukasan ay nadatnan niya sa hardin ang ina at kapatid na nag-aalmusal. Nagpahanda ito ng magarbong almusal sa hardin. Parang fiesta sa dami ng pagkain na nakahain. “Andyan ka na pala, let’s eat,” sabi ni Donya Beth.“I don’t eat breakfast.”“You don’t eat breakfast or ayaw mo lang kaming kasabay kumain?”Sasagot sana siya ngunit dumating na si Eli. “Mommy, let’s go.”“Oh teka, pati ang bata, idadamay mo sa diet mo. Pakainin mo muna bago pumasok.”“May nakahanda silang breakfast sa school.”Hindi siya sanay ng may ibang tao sa bahay at may nakikiaalam sa mga desisyon niya. Mula bata pa, she decided on what to do. Kaya hindi siya sanay ng may pakialamera.“Wait, Maddie. Sasabay na ako sa’yo papasok sa opisina,” sabi ni Jace.Tumaas ang kilay niya. “You mean, magpapasa ka ng application sa HR today?”“Why should I? Pwede mo naman bigyan na lang ako ng position.”Napailing siya. “Well, there’s no vacancy as of now. Job opening is only for qualified applicant. Tara na Eli, male-late ka
Magbasa pa