_____ GABI na nang umuwi si Lucy sa apartment nilang dalawa ni Farrah. Nagpaalam siya rito na mauuna siya dahil may date pa raw ito sa american national na boyfriend nito. Masaya siya para sa kaibigan kaya suportado niya ang lovelife nito para na rin hindi siya madalas itukso sa kahit na sino lalo na kay Dok Martinez. Tumuloy si Lucy sa silid niya, nagpahinga lang siya saglit bago ayusin ang sarili. Balak niya sana hintayin ang oras na gising na si Ella para tawagan ito; na-mi-miss niya na ang anak niya. Wala sa sariling napatingin si Lucy sa cabinet na nasa tabi ng bed niya; maingat niyang binuksan ang drawer at tumambad sa kaniya ang lumang notebook niya nang nasa kolehiyo pa siya. Kinuha nya ito at tiningnan ang nilalaman n'on; isa-isang binuklat ang kuwaderno at nadako ito sa tuyong petals na sinadya niyang ilagay d'on dalawang taon na ang nakaraan. Napalunok si Lucy nang maalala kung saan nanggaling ang bulaklak na iyon— kay Michael sa araw na nagtapos siya noon sa college.
Last Updated : 2025-07-26 Read more