CITRINE:“Kuya Jake.”“Oh?”“Pagkatapos ba nito, dadaan tayo ng bookstore?”“Bookstore?”“Sabi kasi ni Kuya River, ibibili niya ako ng mga libro. Pasukan ko na hindi’ ba?”“Nakita mong may ginagawa tayo, maisisingit pa ba iyan?”“Ehhhh, sabi kasi ni kuya eh! Nung isang buwan ko pa nilista lahat ng papabilhin ko eh.” Pagmamaktol pa ni Pau habang nagpapadyak na parang bata.“Hmmp! Hmmp!” Rinig na rinig ni Citrine ang tilansik na tunog ng isang papel na waring pinagtatampal sa bunbunan ng binatang si Pau. “ Sinabi bang hindi ka bibilhan? Saglit lang. Nasakin naman ang atm ni River.”“Huwag mo ubusin ah,” Rinig pa niyang pangungulit ni Pau.“A-Aba, Anong tingin mo sa akin? Gagatasan ko ang pamangkin ko?!”“Argh! Will you two shut up?!” Napalingon na siya sa dalawang nagkukulitan sa likod ng sasakyan at hindi mapigilang mairita sa naririnig. Binigyan niya ng matalim na tingin ang dalawa dahilan upang makuha niya ang atensyon ng mga ito at manahimik. “You keep arguing about his money, It’s h
 Last Updated : 2025-10-21
Last Updated : 2025-10-21