CITRINE:“Sunog?!” -River. Napatakip si Citrine sa dalawang tenga nang marinig ang mariing sigaw ni River nang buklatin nito ang nakatakip na plato na nasa ibabaw ng plastic na lamesa nito. Lumipat ang matalim nitong tingin sa kanya na waring hinihintay ang kanyang sagot. Nakatukod ang mga kamay nito sa lamesa. Dumating itong pagod na para bang limang katao ang binayo at kinalaban para lang makauwi. Oo, ganoon ang hitsura nito. His necktie was already untied, and he opened the first two buttons of his long-sleeved shirt. Wala na rin ang salamin nito sa mga mata. Ang buhok nito ay muling bagsak na katulad ng dati.“It’s still an egg.” Palusot niya habang iniiwasan ang matalim nitong titig. Matapos kasi niyang makapaligo ay pinili niyang magpahinga. Iniwan na siya ni Pau nung natutulog siya, kaya’t hindi niya man lang natanong dito kung paano magluto ng pritong itlog.Can someone blame her? Yes, she gets it naman. She’s not a cook. Hindi rin siya nagkaroon ng oras na matutong magluto
Read more