Ahva POVNung mag-agaw na ang liwanag at dilim, kasama kong pumasok si Kara sa big dorm namin. Mahiya-hiya pa siya nung una pero napilit ko pa ring pumasok sa loob.“Look, guys, nandito si Kara!” sigaw agad ni Cael na siyang unang nakakita kay Kara dito sa loob ng Bigdorm namin. Napalingon tuloy sa kaniya ang lahat.“Wow, nakakalakad ka na ulit, Kara?” tanong agad ni Nyra. Siya ang unang naglakad palapit kay Kara. Siyempre, nahihiya pa rin hanggang ngayon si Kara.Pero tumango pa rin naman siya kay Nyra. Siguro, nahihiya pa talaga si Kara, kasi hindi rin naging maganda ang away nila ni Nyra noon.“Magaling na ang sugat ko, kaya nakakalakad na talaga ako,” mahina niyang sabi, habang hindi makatingin ng matagal sa mga kaibigan ko.“Mainam, hindi ka na mabuburo sa dorm mo,” sabi ni Amon, “welcome na rin sa BD namin. Ito na ang bagong tulugan naming magkakaibigan. Welcome ka rin dito kung gusto mong lumipat, maluwag pa naman ang BD namin,” alok sa kaniya ni Amon. Hindi ko rin inaasahan ka
Last Updated : 2025-11-04 Read more