SAMSARA's POVMaaga pa lang, nagising ako sa kaluskos ng mga paang nagkukulit sa dulo ng kama. Pagsilip ko, halos matawa ako at mainis nang makita kong gising na ang kambal, para bang may field trip silang hinihintay buong taon. Si Aamon, naka-backpack na punong-puno ng laruan na parang pupunta sa Baguio. Si Adelaide naman, nakasuot ng sombrero ng tatay niya, halatang mas malaki pa kaysa sa ulo niya, at may dala-dalang tabo na para bang sasalok ng tubig sa dagat.“Mommy! Today’s the crab adventure day!” halos mapasigaw si Aamon, sabay talon-talon sa kama.Napailing ako at hinila siya para ayusin ang suot niyang damit. “Anak, parang hindi naman kayo manghuhuli ng alimango. Para kayong pupunta sa war.”“This is not for war po, Mommy,” sagot ni Adelaide, seryoso pa, hawak ang maliit na timba na halos kasing laki niya. “Mission alimango po ito.”Sa gilid, biglang sumulpot si Tonton na parang laging ready sa eksena. “Mga pamangkin, Tito is here to guide you on your dangerous mission.” Nag-
Terakhir Diperbarui : 2025-08-27 Baca selengkapnya