'Wow, ang suwerte naman talaga ni Elise. Kaya pala ang yabang ng mga kapatid dahil nga naman tuba tiba sng lahi ng Madrigal" "Oi, oo grabe ki yayabang agad, aba Eh minsan ay umuutang sa palengke si Jeffrey at aya ng tindera. Aba, minura ba naman ang tindera at ang sabi, eh huwag daw silang maliitin dahil ilang buwan na lang magiging mayaman na sila," sabi ng isang babaeng mukhang kapitbahay lamang na makikikain. "Aba, ganun ba, ki yayabang pala ano?Akala mo kung sino, eh mga nakatongtog lang naman sa kalabaw," singit ng isa pa. "Naku...!naku! Magpasalamat sila sa lola nila dahil ang balita ko ay may kasunduan ang dalawang matanda. Diyos ko suwerte nga si Elise kawawa naman ang mga Madrigal" Sabi ng unang marites na nagsalita kanina. "Bakit mo naman nasabi?" singit ng ikatlo. "Aba, hindi mo ba alam ang tsismis sa ama ni Elise? Nakadispalko ng malaking pera ’yan sa barangay doon.Baranggap tanod pa. Pinagkatiwalaan kase ni Kagawad. Ayun, naubos daw sa sabong." Sabi ng unang marites
Magbasa pa