"Ano? Ano kamo pang ilang deliver mo na nito?" gulat na tanong ni Elise. "Bale panglima na ngayon, Miss. Del Río. Ma'am, makikisuyo po, pakipirmahan po lahat ng delivery receipt na hindi napipirmahan ng mga kapatid nyo. Umaalis po kase agad, sabi ng delivery man. Napabuntong-hininga na lamang si Elise at kinuha ang mga resibo. Malamang wala namang ibang salarin sa nangyari kundi ang mga kapatid niyang walang awa. Kahit sana yung chocolate na lang ang nilantakan, basta yung bulaklak na galing sa kanyang minamahal ay natanggap niya. Pagkaalis na pagkaalis ng delivery man ay bumulwak ang inis ni Elise… "Jeeeeef...Kuyaaaaaaa" sigaw ni Elise. "Ano bang problema mo, Elise, kung makatawag ka sa mga kapatid mo, aba, nawawalan ka na ata ng respeto," sita ng kanyang ina na pababa sa hagdan at bihis na bihis. "Respeto yung mga yun, ang walang respeto, Ma.Bakit nila pinakialaman nag padala sa akin ni Kenzo?" sabi ni Elise" "Hoy, Elise, babaan mo 'yang boses mo. Nagiging madamot ka na ata
Read more