Kaya sabihin mo sa akin, ano pang laban ko?Meron pa ba akong dapat ipaglaban? Di ba wala na? Ayoko na!!" sabi Elise. "Pero Elise........"pilit ni Kevin pero muling nagsalita si Elise. "Tama na, Kevin, sa inyo na lang 'yang yaman nyo. Ngayon, kung hindi mo na rin lang ako tutulungan dahil hindi ako babalik sa mansion, kung pwede, huwag mo na rin akong hanapin.Pabayaan mo na ako, pabayaan mo kami ng anak ko kung saan kami makarating. Hindi ko alam kung paano ko bubuhayin ang bata na 'to, pero alam ko na kakayanin ko," sabi ni Elise. "Sa tingin mo, madali yun? Para sa'yo madali yun, Elise. Para sa'yo, madali lang gawin yun kasi doon ka lang naman naka-focus eh. Mahal mo si Kenzo. Ngayon di mo na mahal si Kenzo. Galit ka kay Kenzo. Kaya damay na lahat. Parang ganun lang ka-simple ang lahat. Elise, buksan mo naman yung isip mo. Please naman, kahit sa huling pagkakataon, mag-isip ka muna. May kakampi ka,"sabi ni Kevin. "Nandito ako.Pag-usapan natin 'to.Hindi kita ibinabalik doon para m
Read more