Nanlalaki ang mata ko matapos ang tawag. Napansin iyon ni Levi kaya nagmadali siyang bumaba sa hagdanan nila. Kahit si Tita ay napansin ang pagiging balisa ko.“What happened, hija?”Nagpakawala ako ng malalim na hininga. May nangyari ba sa pagkikita nina Mama at ng magulang ni Papa? Why does she sound scared?Pagkababa ni Levi sa landing, mabibilis ang lakad niya palapit sa akin.“Tumawag po si Mama, Tita. Pinapabalik na niya ako,” baling ko sa mama ni Levi.“Bakit daw?” tanong ni Levi. Nasa malapit na siya. Nakatitig na sa akin.“Nagmamadali niyang ibinaba ang tawag. Bumalik na raw tayo… o ako na lang kung may gagawin ka pa?” hindi ko siguradong sabi.“Hindi na. Ihahatid ka ni Levi kung saan ka pupunta,” ani Tita.“Kina Tita Serenity sila nananatili, Mama. May inaasikaso pa si Tita Regina.”Kumunot ang noo ng mama ni Levi. She looked at me, asking for clarification. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ipapaliwanag na kina Tita Serenity muna kami dahil ang akala kong papa ko ay hindi k
Terakhir Diperbarui : 2026-01-08 Baca selengkapnya