"Moya Lyubov' ang dami mo naman atang dadalhin? Parang dun kana titira." Biro ni Creed kay Freya habang tinutulungan s'ya nitong magtupi ng kanyang mga dadalhing gamit.Maayos nang muli ang bahay ni Freya, hindi na mababakasan na mayroong gulong nangyari, salamat kay Luthor, ang kaibigan nila Creed na may ari ng construction company. Nasa itaas sila, sa kanyang kwarto, sila ni Creed at tinutulungan s'ya ng binata na mag ayos ng kanyang mga dadalhin bukas."Syempre kailangan ko ng mga pamalit, Hunter. Mas mabuti nang handa," sagot naman ni Freya dito at saka inilagay ang itinuping damit sa kanyang luggage."You are right, Moya Lyubov' but.. wala ka bang dadalhin na pang-swimming? Like bikinis—oh no! Not bikinis, baby. I can't let them see you wearing that," mabilis na nagbago ang isip ni Creed kay Freya"Alam ko naman yun, Hunter. Ang bikini ay para lang sa mga mapapayat na tao and I'm not one of them. Hindi bagay sa matabang kagaya ko ang mga bikini, anu!" Nagpakawala si Freya ng tawa
Last Updated : 2025-09-02 Read more