Nagising si Freya na magaan ang kanyang pakiramdam, mayroong mainit ngunit komportableng bagay ang nakayakap sa kanya at nang tingnan n'ya ito, ay walang iba kundi ang mga braso ni Creed.Nakasandal ang binata sa kanyang kinauupuan habang nakasandal naman ang ulo ni Freya sa dibdib ni Creed, ang mga braso ng binata at nakapulupot sa kanya at tila ba ayaw s'yang pakawalan. Napangiti na lamang si Freya, ayaw man n'ya aminin ay tila may kung ano sa kanyang loob na masaya na tila ba ayaw s'yang pakawalanan ng binata. She feels secured.Ngunit ang maliit na ngiti ni Freya at kaagad na nanawala at napalitan ng pag aalala matapos nitong maalalang hindi lamang sila ng binata ng nasa loob ng van, wala s'ya sa sariling napatayo mula sa kanyang kinauupuan at tumingin sa kanilang mga kasama. Kaagad naman s 'yang nakahinga ng maluwag matapos makitang tulog ang lahat ng kanilang kasama.Muli s'yang dahan-dahan na bumalik sa kanyang kinauupuan, bumaling din sa kanya ang nagising na si Creed dahil s
"Moya Lyubov' are you sleepy?" Mahinang tanong ni Creed kay Freya Isang oras na silang nasa byahe at mayroon pa silang apat na oras na bububuin bago makarating sa isla, ang mga kasama naman nila ay busy sa kanya-kanyang ginagawa.Mayroong panay ang picture katulad Patricia, Sarah, Jennie, at Miss Poosh. Mayroon din namang natutulog na katulad ni Luca, si Range naman ay naglalaro sa kanyang phone. Si Axel ay nags-soundtrip at si Mayon na mayroong kausap sa phone at tila kinikilig"Hindi naman, Hunter.. ikaw ba?" Mahinang balik ng dalaga ditoKaagad na umiling si Creed sa dalaga, "but I'm hungry, Moya Lyubov'.. kaunti lang nakain ko kaninang breakfast," Nakanguso ito sa dalaga at mukhang gutom na talaga dahil kasunod nito ay ang pagtunog ng tyan ng binata.Mahinang natawa si Freya matapos itong marinig, "wala ka bang dalang pagkain?" Muling umiling ang binata, "meron akong pagkain pero nasa sasakyan ko, I only have my duffle bag with me.." Kaagad na naawa si Freya sa binata matapos
Eksaktong pagdating ni Freya ay ang pagdating din ng kotse ni Creed. Kumpleto na ang mga employees na nasa company at lahat ay excited nang umalis.Nakapila na din ang sampung Mercedes-Benz Sprinter Van sa harap ng building, ito ang kanilang gagamiting sasakyan para sa kanilang travel. May isa pang sasakyan ang nasa pinakaunahan ng mga nakapilang van, Mercedes-Benz S-Class naman ito at sabi ng kanyang mga kasama ay ito daw ang sinasakyan ni Creed sa tuwing may team building dahil ayaw nito sa maingay kapag nagb-biyahe."Halaaa! Kasama ni Boss Creed sila Sir Luca!""Woooow! Sasama talaga sila?""Sila Sir Axel, kasama ata natin sa Team Building!"Kanya-kanya na ang naging bulungan ng mga emplayado ng Skyscraper matapos bumukas ang sasakyan ni Creed at lumapas ang limang nag-gwa-gwapuhang mga lalaki.Si Creed na nakasimangot dahil hindi nito matanggap na nautakan s'ya ng mga kaibigan n'ya. Si Luca na walang emosyon ang mukha, buhat ang kanyang duffel bag sa balikat. Si Mayon na kalmado a
Kinabukasan ay maagang nagising si Freya at Creed, kumain lamang sila ng almusal bago magpaalam ang binata na uuwi muna sa kanyang bahay upang ayusin ang kanyang mga gamit na dadalhin ngayon.Noong gabi ay hindi na sila bumalik ni Freya sa kanyang bahay at sa apartment na lang ni Freya sila nagpalipas ng gabi, dahil late na sila natapos sa pag aayos ng mga gagamitin ni Freya.["Hunter, mauuna na ako umalis ha. Magkita nalang tayo sa company,"] paalam ni Freya habang nasa kabilang linya si Creed, sa company kasi meet up ng bawat emplayado dahil provided din ng kompanya ang sasakyan. ["Dadaan pa kasi kay Mama, magpapaalam lang ako sa mawawala ako ng 3 days para sa team building."] Dagdag pa ng dalagaNasa loob na ng kanyang sasakyan si Freya at handa nang umalis. ["Are you okay with that? Pwede naman kita daanan d'yan, Moya Lyubov'."] Tila may pagtutol sa tinig ng binata ngunit nanatili itong malambot at malambingKaagad namang tumanggi si Freya, ["Oo, Hunter. Kaya ko naman, hindi mo n
"Moya Lyubov' ang dami mo naman atang dadalhin? Parang dun kana titira." Biro ni Creed kay Freya habang tinutulungan s'ya nitong magtupi ng kanyang mga dadalhing gamit.Maayos nang muli ang bahay ni Freya, hindi na mababakasan na mayroong gulong nangyari, salamat kay Luthor, ang kaibigan nila Creed na may ari ng construction company. Nasa itaas sila, sa kanyang kwarto, sila ni Creed at tinutulungan s'ya ng binata na mag ayos ng kanyang mga dadalhin bukas."Syempre kailangan ko ng mga pamalit, Hunter. Mas mabuti nang handa," sagot naman ni Freya dito at saka inilagay ang itinuping damit sa kanyang luggage."You are right, Moya Lyubov' but.. wala ka bang dadalhin na pang-swimming? Like bikinis—oh no! Not bikinis, baby. I can't let them see you wearing that," mabilis na nagbago ang isip ni Creed kay Freya"Alam ko naman yun, Hunter. Ang bikini ay para lang sa mga mapapayat na tao and I'm not one of them. Hindi bagay sa matabang kagaya ko ang mga bikini, anu!" Nagpakawala si Freya ng tawa
Matapos manghalihan ni Freya kasama si Creed ay nag announce na ang kanilang office ng early out. Preparation daw ito para makapag handa sila ng kanilang mga dadalhing gamit sa magiging team building nila kinabukasan.Ang Team Building ng Skyscraper Company ay ang isa sa mga pinaka aabangan ng mga emplayado dahil bukod daw sa walang silang gagastusin, makakapag relax pa sila at marami din daw ang mga prizes na provided din ng boss nila. Excited ang lahat sa magiging Team Building bukas dahil gaganapin daw ito sa Private resort ng mga Cattaneo, ang pamilyang nagmamay-ari ng napakaraming resort at hotels sa buong Europe."Dito na kami, Freya! Mag iingat ka! See you tomorrow!" Nakangiting kumaway sila Patricia sa kanya bilang paalam, nasa harapan sila ng office at nakapara na ng taxi."Ingat ka, te! Chat ka sa gc natin ha! Babush!" Paalam din ni Jennie, "magdala ka ng bikini mo ha! Ipakita mo ang kurba!" Biro ni Jennie sa kanya, natawa lamang s'ya"Mag iingat ka, Freya.." mahinhin ding p