Alas-singko imedya na ng hapon ng matapos akong mag-ayos ng mga gamit ko. Umalis ai Selio kanina matapos niyang magmeryenda kaya ngayon ay ako lang ang nasa bahay niya. Naisipan kong magluto makabawi man lang sa pang-aabala sa lalaki Napasulyap ako sa bintana."Parang masarap humigop ng sabaw ngayon."Isa-isang nagsisilaglagan ang mga butil ng ulan sa labas marahil dahil sa paparating na bagyo may panaka-nakang ihip ng hangin ang humahampas sa mga puno.Agad na inilabas ko ang karne mula sa freezer para madefrost ito. Habang hinihintay kong matunaw ang yelo, sinimulan ko nang ihanda ang mga gagamitin kong pampalasa: sibuyas, bawang, paminta, msg, luya, sili at ang mga gulay na pang-sahog. Matapos hugasan, hiniwa ko na din ito.Naisipan ko ding magluto ng adobong manok kaya inilabas ko din ito sa freezer kanina.Nang madefrost na ang karne, hinugasan ko na, pinatuyo sandali bago ko hiniwa sa tamang laki. “Anong ginagawa mo?”Awtomatikong napalingon ako sa pinagmulan ng boses ni Seli
Read more