“Congratulations, Silvia. Sa wakas matatahimik na ‘rin ang inyong mga puso. Lalo na ang asawa mo,”Dahil sa sinabing iyon ng doctor na siyang nag sagawa ng DNA test, napatingin silang dalwang magkaibigan dito. Kapwa napangiti ang dalawa habang mayroong mga luha sa mata at nag pasya silang mag hiwalay mula sa kanilang pagyayakapan.“T-thank you Dra!” agad na sabi ni Silvia at ito naman ang kaniyang niyakap.Ginantihan naman siya nito ng mahigpit na yakap. Alam nito kung gaano kagusto ni Silvia at ng aasawa nito na makita na ang kanilang nawawalang anak. Ilang taon na ang lumipas kaya alam niyang hindi biro ang pag hihintay na ginawa ng mga ito.Ang tyaga, sipag sa paghahanap at mas lalo na ang kanilang paniniwala na makikita pa nila ito. Kahit impossible nagawa nilang maniwala na isang araw babalik ‘din sa kanila ang nawawalang anak.“Sabi ko naman sa’yo siya nga ang anak niyo e,” hindi makapaniwalang sabi ni Eya habang nakatingin sa DNA result na tila sinisigurado niya kung tama ba an
Huling Na-update : 2025-10-12 Magbasa pa