Nakita ni Josh na kanina pa tahimik si Xeruis . Malapit na ang kasal ng mga ito at mukhang kinakabahan na ang mokong . Kaya nagpasya siyang pumunta sa tabi nito para lokohin o asarin man lang .Gustong gusto niyang inaasar niya si Xeruis dahil sa ubod nitong seryoso at naniniwala na siya sa kanyang ama na talagang seryoso ang tulad ni Xeruis kaya pinalanganan niya ito ng Xeruis .Nung nalaman niya ang kalokohan ng kanyang ama parang gusto niya itong suntukin dahil nakakagalit naman talaga ang kasalanan nito . Pero dahil tapos na at hindi na dapat sila nakikisali na ayon sa tito Theo niya ay nawala din ang kanyang galit sa ama . '' ano na naman ba ginagawa mo dito ?" pagsusungit na saad ni Xeruis .Gusto niyang mapagisa at hinihintay si Desserie na lalapit ito sa kanya pero mukhang hindi dahil meron ang kaibigan nitong parang tuko kung dumikit sa kanyang fiance.''aba ang sungit mo naman ,para lang lumapit '' tinignan niya ang banda kung saan nakatingin ito at nakita niya sina Des
Terakhir Diperbarui : 2025-06-01 Baca selengkapnya