Mainit ang araw nang muling tumapak si Celeste sa loob ng Delgado Mansion. Ngunit sa halip na kaba, ay katahimikan ang kanyang nararamdaman. Wala nang takot sa kanyang dibdib. Sa halip, puno ito ng tapang at kapanatagan — dalawang bagay na matagal niyang hinanap.Pagpasok pa lamang niya sa bulwagan ay sinalubong siya ng ilang tauhan ng pamilya, lahat may halo ng gulat at tuwa sa mukha.“Si… si Ma’am Celeste ba ‘yan?” tanong ng isa, takip ang bibig.Ngumiti lang si Celeste at tumango. “Oo, buhay ako.”Tumulo ang luha ng ilan. Isa-isa siyang niyakap, at sa bawat yakap, tila isa-isa ring nawawala ang multo ng kanyang pagkawala. Sa sulok ng hagdan, naroon si Don Valles, nakasuot ng puting barong at hawak ang kanyang baston. May luha sa gilid ng kanyang mata habang pinagmamasdan ang babae na minsang akala niyang nawala na sa kanila.“Anak,” mahina niyang sabi, at sa isang iglap, lumapit si Celeste at niyakap siyang mahigpit.“Papa… andito na ako.”At sa yakap na iyon, tuluyan nang nawala a
Terakhir Diperbarui : 2025-07-19 Baca selengkapnya