Share

Chapter 43

Penulis: Queenregina1994
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-19 09:09:20

Tahimik ang paligid ng kumbento sa Davao habang ang maliliit na ibon ay mahinhing dumadapo sa mga sanga ng punong narra sa gilid ng hardin. Sa loob ng isang maliit ngunit maayos na silid sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Celeste sa harap ng lumang telebisyon ng kumbento.

“Breaking news: Inaresto si Miguel Delgado, isang CEO ng Delgado Corporates, dahil sa tangkang pagpatay sa babaeng kinilala ng ilang saksi bilang si Celeste Delgado, ang kanyang fiancee. Ngunit lumalabas na hindi pala si Celeste ang biktima kundi ang kakambal nito, na kamakailan lamang ay natuklasan ng pamilya.”

Bumagsak ang hawak na baso ni Celeste. Nabigla siya. Natahimik.

“Miguel… si Miguel… inaresto?”

Nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala na matagal na niyang hindi maaninag. Parang mga putol-putol na eksena sa panaginip na dahan-dahang pinipiraso ng liwanag.

— “Wendilyn, tumakbo ka!”

— “Celeste! Hawakan mo ang kamay ko!”

— “Hindi ka makakaalis ng buhay
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 45

    Mainit ang araw nang muling tumapak si Celeste sa loob ng Delgado Mansion. Ngunit sa halip na kaba, ay katahimikan ang kanyang nararamdaman. Wala nang takot sa kanyang dibdib. Sa halip, puno ito ng tapang at kapanatagan — dalawang bagay na matagal niyang hinanap.Pagpasok pa lamang niya sa bulwagan ay sinalubong siya ng ilang tauhan ng pamilya, lahat may halo ng gulat at tuwa sa mukha.“Si… si Ma’am Celeste ba ‘yan?” tanong ng isa, takip ang bibig.Ngumiti lang si Celeste at tumango. “Oo, buhay ako.”Tumulo ang luha ng ilan. Isa-isa siyang niyakap, at sa bawat yakap, tila isa-isa ring nawawala ang multo ng kanyang pagkawala. Sa sulok ng hagdan, naroon si Don Valles, nakasuot ng puting barong at hawak ang kanyang baston. May luha sa gilid ng kanyang mata habang pinagmamasdan ang babae na minsang akala niyang nawala na sa kanila.“Anak,” mahina niyang sabi, at sa isang iglap, lumapit si Celeste at niyakap siyang mahigpit.“Papa… andito na ako.”At sa yakap na iyon, tuluyan nang nawala a

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 44

    Maagang nagising si Celeste sa araw na 'yon, iyon ang alis niya papuntang Manila. Kinuha niya ang kaniyang maleta na noo'y ready na para umalis. Inayos niya ang kaniyang hand-carry bag at tiningnan ang kaniyang phone. Alas kwatro pa ng madaling araw pero gusto na niyang umalis dahil sa excitement.Nang matapos ang iilang gamit na isinilid niya sa maleta ay agad siyang naligo at nag-ayos. Isinuot niya ang kaniyang pulang bestida na bulaklakin at nagsuot ng brown flat sandals.Pinatungan naman niya ng maong na jacket ang dress saka nilagay ang kaniyang sling bag na kulay puti. Ready na siya para umalis sa sandaling iyon nang kumatok sa pintuan niya si Mother Superior."Yes po?""Hija, may naghahanap sa'yo. Madali ka.""S-sino po?" sabi pa nito sabay bukas ng pinto. Sa sandaling iyon ay napaawang ang labi niya sa sobrang gulat, pero magkahalo naman ang saya sa puso niya nang malamang si Don Valles iyon at ang babaeng kaparehong-kapareho ng mukha niya. It was Wendilyn, her twin sister."C

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 43

    Tahimik ang paligid ng kumbento sa Davao habang ang maliliit na ibon ay mahinhing dumadapo sa mga sanga ng punong narra sa gilid ng hardin. Sa loob ng isang maliit ngunit maayos na silid sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Celeste sa harap ng lumang telebisyon ng kumbento.“Breaking news: Inaresto si Miguel Delgado, isang CEO ng Delgado Corporates, dahil sa tangkang pagpatay sa babaeng kinilala ng ilang saksi bilang si Celeste Delgado, ang kanyang fiancee. Ngunit lumalabas na hindi pala si Celeste ang biktima kundi ang kakambal nito, na kamakailan lamang ay natuklasan ng pamilya.”Bumagsak ang hawak na baso ni Celeste. Nabigla siya. Natahimik.“Miguel… si Miguel… inaresto?”Nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting lumilitaw sa kanyang isipan ang mga alaala na matagal na niyang hindi maaninag. Parang mga putol-putol na eksena sa panaginip na dahan-dahang pinipiraso ng liwanag.— “Wendilyn, tumakbo ka!”— “Celeste! Hawakan mo ang kamay ko!”— “Hindi ka makakaalis ng buhay

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 42

    Bawat hakbang ni Don Valles ay mabigat. Mula pa lamang sa pag-alis niya sa kanyang opisina ay hindi na siya mapakali. May bumabagabag sa kanyang puso, isang pakiramdam na tila may malaking panganib na nagkukubli sa paligid ng mga Delgado. Ang kutob na iyon ay hindi niya kayang balewalain. Sa dami ng taon na inilaan niya sa pagiging tagapayo ng pamilya, alam na alam niya kung kailan mayroong hindi tama.Pagdating niya sa malawak na tarangkahan ng mansyon, sinalubong siya ng nakakakilabot na katahimikan. Wala ni isang guwardyang nakaabang. Wala ring ilaw sa mga bintana—tahimik ang buong kabahayan, parang isang libingan.“Hindi ito normal…” bulong niya sa sarili habang binilisan ang lakad papasok ng mansion.Pagpasok niya sa loob ay halos lumipad ang pintuan sa lakas ng pagkakatulak niya. Sumalubong sa kanya ang malamig na hangin at ang kakaibang aura ng panganib.Mula sa ikalawang palapag ay nakarinig siya ng sigaw. Mahinang tinig ng babae.“Bitiwan mo ako! Miguel, nasasaktan ako!”Duma

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 41

    Sa loob ng isang marangyang restaurant, nakaupo sina Miguel at Celeste sa isang pribadong sulok. May malambot na ilaw mula sa chandelier na nagbibigay ng banayad na ningning sa kanilang paligid. Sa ibabaw ng lamesa, isang mamahaling singsing ang nakapatong sa maliit na pulang kahon.Hawak ni Miguel ang kamay ni Celeste habang tinititigan ito nang may lalim."Mahal, gusto kong magpakasal na tayo," diretsong sabi nito, puno ng determinasyon ang boses.Napasinghap si Celeste, hindi makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Alam niyang mahal siya ni Miguel—o mas tama, mahal nito si Celeste. Pero siya? Hindi siya si Celeste. Siya si Wendilyn, ang kakambal na matagal nang nawalay sa kanya."Miguel..." mahina niyang tugon, pilit na iniiwasan ang titig ng lalaki."Ano pa ang hinihintay natin? Alam kong mahal mo rin ako, kaya wala nang dahilan para magpaliban pa tayo," ani Miguel, hinihigpitan ang hawak sa kanyang kamay. "Gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang babaeng pakakasalan ko.

  • Her Sweetest Revenge   Chapter 40

    It was past 12 a.m. nang biglang nag-vibrate ang cellphone ni Celeste sa ibabaw ng kanyang bedside table. Nang makita niya ang pangalan ni Miguel sa screen, agad niyang sinagot ang tawag."Miguel?" mahina niyang sabi, may halong pagtataka at kaba sa kanyang tinig. Naiisip niyang baka alam na nito ang pagbabalat kayo niya."Celeste... pwede ba kitang makita ngayon?" may bahagyang pag-aalangan sa boses ng lalaki, ngunit ramdam niya ang tindi ng damdamin nito."Ngayon? Gabi na, Miguel. What makes it important?" tanong niya habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama, hawak nang mahigpit ang kanyang cellphone. Gusto niyang masigurado na hindi pa nito alam ang lahat."Wala, gusto lang kitang makausap. Mahalagang gabi ito para sa akin, Celeste. Please..." Malambing at may bahid ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses.Importante?At anong gustong mangyari ng lalaking 'to?Hindi alam ni Celeste kung bakit nanginginig ang kanyang kamay habang nakatingin sa kawalan. Hindi siya sanay sa mga lalaki

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status