“ANG pagmamay-ari ng nobyo mo, pagmamay-ari mo rin. At ang pagmamay-ari mo, pagmamay-ari din namin dahil pamilya tayo.”Pamilya? Halos sumabog ang ulo ni Felicity sa narinig. Kailan pa siya itinuring nitong pamilya? Oo, kinupkop siya nito at pinatira sa bahay pero sa maraming taon niyang nanirahan sa pamilya ng kanyang Uncle John, never siyang itinuring na pamilya ng Tita Lucille niya.Nagmistulan siyang katulong sa pamamahay na iyon. Sa t'wing kumakain ang mga ito ay nahuhuli siya dahil pinagsisilbihan pa niya ang mga ito. Siya rin ang naglalaba ng mga damit ng mga ito, at maski mga underwear ay siya rin. Siya rin ang taga-linis, tagaluto, at tagahugas kahit pa pagod na rin siya sa pagtatrabaho. Kung minsan pa nga, kahit may sakit siya ay walang patawad ang mga ito sa pag-uutos sa kan'ya. Never siyang tinanong ng kanyang Tita Lucille kung kumusta na ba siya, o kung may nararamdaman ba siya, o kung pagod ba siya. Mabuti na lang, kahit papaano ay kinakamusta siya ng pinsan siyang si
Last Updated : 2025-06-12 Read more