Chapter 21Nagmulat ako ng mata sa gitna ng liwanag na parang sinag ng umagang kay tagal kong hinintay. Mabigat ang talukap ko, tila may pasan ang katawan. Amoy ospital ang paligid—malinis, malamig, at may halong gamot.“Gising na siya!” anang tinig ng isang babae, sabay hawak sa kamay ko. Lumingon ako at bumungad sa akin ang isang nurse, may ngiting may halo ng pag-aalala.“Kamusta po ang pakiramdam n’yo, Ma’am?”Pinilit kong ngumiti. “Ang… anak ko? Kumusta siya?”“Ligtas po siya. Malusog na malusog ang baby boy n’yo. Nasa nursery po ngayon, pero pwede n’yo na siyang makita mamaya.”Hindi ko napigilang mapaiyak. Sobrang saya, sobrang ginhawa sa dibdib. Sa dami ng pinagdaanan ko—mga pangambang iniinda ko mag-isa—ngayon, narito na siya. Ang buhay na bunga ng bawat luha, sakripisyo, at panalangin.Ilang oras ang lumipas, dinala na sa akin ang sanggol. Sa unang beses na naramdaman ko ang kanyang balat sa aking dibdib, para akong nabura sa mundo. Tila lahat ng kirot at sakit ay nawala.“M
Terakhir Diperbarui : 2025-07-19 Baca selengkapnya