Synopsis Si Luigi Mondragon, isang multi-billionaire at matagumpay na negosyante, ay kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig at sa mga babae. Sa likod ng kanyang marangyang pamumuhay, maraming naiinggit at nagtatangkang pabagsakin siya dahil sa kanyang kasikatan at tagumpay sa iba't ibang bansa. Sa isang gabi ng kasiyahan na iniayos ng kaibigan niya sa isang sikat na bar, hindi inaasahan ni Luigi na magbabago ang takbo ng kanyang buhay. Doon niya nakilala si Leona Suarez, isang babaeng lasing at sugatan ang puso, nag-iisa habang naglalasing sa sakit ng pag-iwan sa kanya ng dating kasintahan—pinagpalit ito sa isang bakla. Kaya balis ito nasaktan dahil sa dina-daming pwede ipalit ay bakla pa. Habang umiiyak at sinisigaw ni Leona ang kanyang galit sa mga lalaki, hindi mapigilan ni Luigi ang mabighani sa kanyang tapang at pagiging totoo. Ngunit sa mundo ni Luigi na puno ng intriga, selos, at mga lihim, magagawa ba niyang makuha ang puso ng babaeng pilit iniiwasan ang pagmamahal? O magiging isa lamang si Leona sa mga nadamay sa mapanganib na laro ni Luigi? Isang kwentong puno ng pighati, galit, at pagmamahalan.
View MoreChapter 21Nagmulat ako ng mata sa gitna ng liwanag na parang sinag ng umagang kay tagal kong hinintay. Mabigat ang talukap ko, tila may pasan ang katawan. Amoy ospital ang paligid—malinis, malamig, at may halong gamot.“Gising na siya!” anang tinig ng isang babae, sabay hawak sa kamay ko. Lumingon ako at bumungad sa akin ang isang nurse, may ngiting may halo ng pag-aalala.“Kamusta po ang pakiramdam n’yo, Ma’am?”Pinilit kong ngumiti. “Ang… anak ko? Kumusta siya?”“Ligtas po siya. Malusog na malusog ang baby boy n’yo. Nasa nursery po ngayon, pero pwede n’yo na siyang makita mamaya.”Hindi ko napigilang mapaiyak. Sobrang saya, sobrang ginhawa sa dibdib. Sa dami ng pinagdaanan ko—mga pangambang iniinda ko mag-isa—ngayon, narito na siya. Ang buhay na bunga ng bawat luha, sakripisyo, at panalangin.Ilang oras ang lumipas, dinala na sa akin ang sanggol. Sa unang beses na naramdaman ko ang kanyang balat sa aking dibdib, para akong nabura sa mundo. Tila lahat ng kirot at sakit ay nawala.“M
Chapter 20Pagkalipas ng ilang linggo, naging mas madalas na ang pagdalaw ni Elmer. Tuwing umaga, siya ang unang tao kong nakikita—may dalang prutas, tinapay, o minsan simpleng ngiti lang at mainit na “Magandang umaga, Irene!”“Baka mapagod ka sa kakabisita rito, Elmer,” biro ko isang araw habang nagtutulungan kaming magbunot ng damo sa paligid ng kubo.“Hindi ako mapapagod, basta may rason ako para bumisita,” sagot niya, sabay sulyap sa tiyan ko. “Ikaw at ang baby mo—kayong dalawa ang rason.”Napayuko ako, bahagyang kinilig sa kanyang sinabi. Hindi ko man sabihin, pero ramdam kong unti-unti siyang nagiging bahagi ng katahimikan at kaligayahan na matagal ko nang hinanap.Isang gabi habang umuulan at mahina ang kulog, kumatok si Elmer.“Irene! Okay ka lang ba?” tanong niya mula sa labas.Binuksan ko ang pinto, nakapayong siya at may dalang sabaw na mainit. “Gawa ni Tiya Miding. Pinapahatid niya, baka daw giniginaw ka.”“Salamat,” sabi ko, tinanggap ang sabaw at pinapasok siya sandali p
Chapter 19“Mag-iingat ka rin, Angel. Salamat, talaga,” sagot ko, medyo mahina na ang boses ko.Bago siya lumabas ng kwarto, huling tingin niyang matalim ang nagsabi sa akin na kahit wala siya, mag-isa ko na lang itutuloy ang laban. Ipinagdasal ko na sana makabalik siya ng buo at ligtas. Kasi sa oras na mag-isa ako, kailangan kong matutunan na magtago at lumaban.Lima buwan na ang lumipas.Tahimik ang paligid ng kumbento. Ang dating takot sa puso ko ay unti-unting napalitan ng kapanatagan. Dito ko unang naramdaman na parang may kakampi ako—sina Sister Agnes at ang mga madre na walang sawang nag-alaga at nagdasal para sa akin.Pero ngayon, apat na buwan na ang dinadala ko sa aking sinapupunan.Hinaplos ko ang tiyan ko habang nakaupo sa ilalim ng puno ng kalachuchi sa likod ng kumbento. Ramdam ko ang maliliit na paggalaw sa loob. Para bang may paalala sa akin na hindi na ako nag-iisa. May buhay na umaasa sa akin. At dahil doon, naglakas-loob akong lumapit kay Sister Agnes.“Mother,” mah
Chapter 18Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng mga posibleng paraan kung paano makakatakas. Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kama at hindi na lumabas. Pero, hindi ganun ang mangyayari. Malinaw sa utak ko na wala akong ibang choice kundi mag-adjust sa bagong buhay ko dito.Pagpasok namin sa kwarto, agad akong napansin ang kab simplicity nito. Wala talagang kalaban-laban ang modernong teknolohiya. Hindi ko alam kung matututo ba akong maging kontento sa ganitong buhay o maghahanap pa rin ako ng paraan para makalabas at makabalik sa real world."Good luck sa bagong buhay mo dito, Sister Irene," pabirong sabi ni Angel habang naglakad kami patungo sa kwarto. Hindi ko siya matigilan sa mga tawanan niyang walang katapusan.Pagkatapos niyang magbiro, huminto siya saglit at nagseryoso. "Pero, Leona, seryoso… kailangan mong magplano. Hindi pwede laging tumakbo ka lang.""Oo, alam ko," sagot ko. "Pero sa ngayon, ang tanging plano ko lang a
Chapter 17Habang naglalakad kami papasok sa kumbento, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Tahimik. Mapayapa. Hindi tulad ng mundo sa labas na puno ng ingay at panganib.Napansin kong may ilang madre na naglilinis ng hardin, at may ilan namang tahimik na nagdarasal sa maliit na kapilya. Napalunok ako. Ganito pala sa loob ng kumbento… parang ibang mundo."Sister Irene," tawag ng madre na naghatid sa amin. "Dito kayo titira habang kayo ay nasa ilalim ng aming pangangalaga."Pagpasok ko sa silid, nakita ko ang simpleng kama, isang maliit na mesa, at isang krus na nakasabit sa dingding. Walang TV. Walang cellphone. Wala kahit anong makabago.Napakagat-labi ako. "Uh… Sister, may… Wi-Fi po ba dito?" inosenteng tanong ko.Napatingin sa akin ang madre, kita sa mata ang pagtataka. "Wi-Fi?"Napahawak ako sa batok ko, biglang nahiya. "Ah… wala po… wala po akong sinabi."Natawa nang mahina si Angel sa likuran ko. "Sister Irene, mukhang hindi ka sanay sa buhay dito.""Sister Angel," sabi ng
Chapter 16Napaangat ang kilay ko. "Volunteer worker?"Tumango siya. "Oo. Hindi ka nila basta tatanggapin bilang madre, pero pwede kang magpanggap bilang isang taong gustong maglingkod muna. Sa ganitong paraan, hindi ka maghihinalaang nagtatago."Napaisip ako. Magandang ideya iyon. Hindi biglaan, hindi rin halata."Okay," sagot ko. "Paano tayo makakarating doon?"Ngumiti si Angel. "Ako na ang bahala. Pero sigurado ka na ba rito, Leona? Kapag pumasok ka roon, iba ang mundo sa loob ng kumbento. Hindi mo pwedeng gamitin ang dating buhay mo."Huminga ako nang malalim bago tumango. "Oo. Kung ito lang ang paraan para makalayo kay Salvatore… handa akong subukan."At sa unang pagkakataon, isang assassin ang magtatago sa loob ng isang banal na lugar—isang pekeng madre na may tunay na kasalanan."So, ano pa ang hinihintay mo? Tayo na Sister Irene," ngising sabi niya sa akin.Napairap ako. "Sister Irene? Talaga ba, Angel?""Oo naman!" aniya, sabay kindat. "Bagay sa’yo. Mukha kang inosente pero m
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments