"HANGGANG ngayon, natatakot pa rin ako para sa kaligtasan ng pamilya ko, Ma'm Naomi," ani Joan nang puntahan nila ito sa pansamantalang tinitirhan nito at ng pamilya nito habang dinidinig ang kaso niya. At para na rin sa kaligtasan nila mula kila Ivy. "I-I'm sorry, Joan kung nadamay ka sa gulo namin ng mga Alcantara. I'm sorry kung kailangan mong itaya ang kaligtasan mo at ng pamilya mo para sa akin, para sa katotohanan," malungkot niyang sabi rito. "Hayaan mo, Joan pagkatapos ng kaso ni Naomi, tutulungan namin kayong bumangon sa buhay, malayo sa gulo at malayo sa mga Alcantara. Pwede kayong manirahan muna sa probinsiya," alok ni Martin. "Sa totoo po, ako ang dapat humingi ng sorry sa inyo dahil sa maling desisyon ko kaya napahamak kayo. K-kung sana hindi ako nagpadala sa pera at pumayag sa gusto ni Ivy at Levie na maging fake witness, hindi sana kayo ang madidiin sa nangyari kay lola Marina. Pasensiya na po kayo sa mga nangyari," ani Joan na ramdam ang pagsisisi at guilt doon. Hin
Terakhir Diperbarui : 2025-07-11 Baca selengkapnya