NAPANGITI SI Naomi dahil katulad ng inaasahan niya sila na ang lumapit sa kaniya at iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang makita kung paano sila magalit at matakot. "Ma'am Naomi, nasa labas po ang mga Alcantara, hinahanap kayo at galit na galit sila," ani Manang Sol nang lapitan siya habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa labas ng glass window kung saan kita niya si Grayson, Ashley, Levie at Ivy na galit na galit. Kanina pa silang doorbell nang doorbell. "Naomi, lumabas ka riyan at harapin mo kami," sigaw ni Levie. "Ilabas mo ang anak ko, Naomi! Ilabas mo si Kalus!" sigaw naman ni Ashley. "Hayaan mo sila, Manang Sol papanoorin ko muna kung paano sila matakot at mabaliw sa labis na pag-aalala at paghahanap sa pinakamamahal nilang anak at apo," sabi niya. Nasa-satisfy siya dahil sa nakikita niyang takot sa kanilang mga mukha. "Hindi niyo po ba sila haharapin?" Saglit siyang hindi sumagot. "Haharapin ko sila, Manang Sol pero for now, hahayaan ko muna sila sumigaw at magh
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya