Habang abala si Greg sa pag aayos ng gamit para dalhin sa kompanya ay abala din si Luna na tumungin sa record ng hospital na iniwan sa kanya ni misis Florez .Gusto niyang makita ang iba pang nanganak doon na kasama nila sa hospital .Gusto niyang malaman bakit kailangan naging kambal ang kanilang anak . '' Greg tignan mo ito '' lumapit siya rito at nilapag ang papel sa harapan ng kanyang asawa na abala sa paglagay ng mga papel sa isang folder . ''ano iyon honey ?" ''pati pala si Sasha nanganak sa hospital '' napatingi siya sa papel .'' ito tignan mo hindi tayo magkakatabi ng kwarto pero dito sa hospital siya manganak ,pero ayon sa resulta namatay ang anak nito '' tinitigan niya ang papel at pangalan nga ni Sasha ang naroon . Kunot noo siyang napaisip bakit hindi nito sinabi na namatay ang kanilang anak noong nagkita sila . ''bakit ang tahimik mo ?" tanong nito kay Greg .Ramdam at kitang kita niya sa mukha ni Greg ang pagkabigla nito sa nalaman . ''namatay pala ang anak ni Sasha
最終更新日 : 2025-06-08 続きを読む