Mahaba ang buhok ni Kyla, at sa unang tingin pa lang ay makikita mong siya’y mahinhin, mahiyain, at tila madaling mabali ng kahit anong hampas ng mundo. Payat siya at may itsura ng isang batang takot sa buhay, tahimik at hindi sanay sa mataong lugar.Magkasingtangkad sila ni Vaiana, pero ang mas kapansin-pansin ay ang kaamuan ng mukha nito—malinis tingnan, inosente, at may kahawig kay Althea. Uri ng ganda na mahirap tanggihan ng sinumang lalaki. Walang bahid ng kapilyahan, walang bakas ng kalaswaan. Isa siyang dalagang tiyak na mag-uudyok ng protective instinct sa kahit sinong lalaki.Nagpakilala ang may-ari ng nightclub habang nakatayo sa tabi ni Vaiana. “Ito ang bago namin, hindi pa talaga nagtatrabaho. Baguhan pa lang, inoo-orient pa lang namin. Maganda siya, maamo, taga-probinsiya. May sakit daw ang nanay niya sa probinsya kaya napilitang pumunta rito para maghanap ng pera. Malinis ang background, wala pang kahit anong history.”Tahimik na tumango si Vaiana. Nararamdaman niya sa s
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya