Pagdating nila ng bahay ay may naka-set up na mahabang table na puno ng pagkain. Mukhang pinaghandaan ni Heaven ang dinner nila. May mga ilaw na nakasabit sa paligid, mga kandilang may glass holders sa gitna ng mesa, at mga bulaklak na kulay puti. “Parang ang bongga naman ng dinner na ‘to.” bulong ng mommy niya habang pababa ng sasakyan. “May pa-ilaw pa talaga si Heaven.” “Baka birthday ni Theo,” sabat naman ng daddy niya. "Oh... Andito na din pala ang barkada? Biglang na-excite ang daddy niya nang makita ang mga barkadang sina Luke at Patrick, Jason, Fred, Inigo, at Miguel, kasama ang mga asawa nito. “Hey bro! Andito na pala kayo?” sigaw ni Luke, kasama nitong si Angelo na lumapit sa kanila. “Ryan, Angie!” Masayang salubong ni Ninang Jenna sa kanila. “I’m glad dumating kayo.” “Anong meron, bakit parang may party? Akala ko ba simple dinner lang?” sabi ng mommy nya “Hindi ko din alam. Heaven prepared all this. Pagbigyan natin ang buntis. Hihihi.” “Hello Ninong, Ninang, Isla…”
Last Updated : 2025-07-22 Read more