CHAPTER 74 “Sige na ako na lang muna ang magbantay kay nanay Leony. Pwede naman akong umabsent sa trabaho ko,” pagpiprisinta na nga ni April.Nagulat naman nga si Jillian sa sinabi na iyon ni April at nagkatinginan pa nga silang dalawa ni Jane dahil doon.“Ha? Naku, hindi na April. Kaya ko naman na itong gawan ng paraan. At isa pa ay mas kailangan mong magtrabaho. Hindi mo naman obligasyon si nanay kaya kaya hindi mo kailangang umabsent sa trabaho mo para lang sa amin,” mariin na pagtanggi ni Jillian sa sinabi na iyon ni April.“Jillian, gusto ko lang din muna na magpahinga. Atleast ngayon may dahilan ako kaya hindi ako papasok sa bar. Medyo nakakapagod din talaga kasi ang magtrabaho kahit pa hindi araw-araw na may kumukha sa akin ay nakakapagod din naman na mag entertain ng ibang mga customer na naroon,” paliwanag naman ni April. “Kaya sige na Jillian pumunta ka na bukas at ako na ang bahala kay nanay Leony,” nakangiti pa na sabi ni April.Napabuntong hininga naman nga si Jillian
Terakhir Diperbarui : 2025-05-21 Baca selengkapnya