Papasok pa lamang si Olivia sa kwaro nilang mga katulong sa mansyon ay narinig niya ang bulongan nina Wena at Beatrice, mga kapwa katulong din. Si Beatrice ay hindi gaano nalalagi sa mansyon dahil sa kabilang bahay ito naka-assign. Katulad ni Wena ay medyo ayaw din sa kanya ng babae, kaya siguro mas nakakasundo nito si Wena kaysa sa kanya. Inilapit ni Olivia ang tainga sa pinto para mas mapakinggan ang mga sinasabi nito. “Talaga? As in hindi talaga tumitigas?” Bakas sa boses ni Beatrice ang pagkabigla, tila ayaw nitong maniwala. “Oo nga! Iyon ang narinig ko sa usapan nila,” sagot ni Wena. Napakahina ng boses nito, tila takot na may makarinig sa usapan nila. “E, paano mo nalaman? Saan mo narinig? Grabe naman kung totoo talaga iyan, baka naman nagbibiro lang siya.” Napakunot ang noo ni Olivia. “Ano ba ‘yang pinag-uusapa nila?” mahinang tanong niya sa sarili. “Narinig ko nga sila kanina sa kusina! Sinabi mismo ni senyorito Grayson na ayaw nga tumigas ng sandata niya kaya parang na
Huling Na-update : 2025-06-18 Magbasa pa