Nang gabing iyon, matapos magtrabaho sa kaniyang studio, umuwi si Margaret sa masyon ng mga Ramirez, dala-dala ang divorce agreement na siya pa mismo ang nagpahanda.Ang dokumento’y isinadya para sa uri ng kasal na meron sila ni Xander. Kahit may ilang bahagi pa itong kailangang ayusin, hindi na siya makapaghintay pa.Pagkaalis nina Xander at Cassandra nung hapon, agad niyang tinawagan si Shaina para sa kasulatan. Kahit hindi pa ito kumpleto, dinala na niya ito sa bahay ng mga Ramirez para mapag-usapan sa mismong gabing iyon.Pagdating niya sa bahay, mga kasambahay lamang ang nandoon.Alas-dies na ng gabi, wala pa rin sina Xander at Leo. Alam na niya kung nasaan ang mga ito. Pero ayaw niyang abalahin ang sarili at gumawa ng eksena sa bahay ng kaibigan ni Xander.Naalala niya ang sinabi ni Xander na uuwi siya ngayong gabi—at kahit huling pagkakataon, pinili pa rin niyang maniwala.Tinanggihan niya ang inaalok na tea ni manang Rose, at umupo sa sofa sa living room. Isinuot niya ang earp
Last Updated : 2025-05-17 Read more